"COME HERE."
Ngumiti si Suzanne at lumapit nga siya kay Ranzelle kagaya ng gusto nito. Naupo siya sa tabi nito sa couch, bitbit ang mga potato chips at softdrinks na kinuha niya mula sa kusina. Nasa loob sila ng bahay nito. Weekend kasi at pareho silang walang pasok. Kasalukuyan silang nagmo-movie marathon.
"Not there, silly. On my lap."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Pero sa loob-loob niya ay napakabilis ng tibok ng puso niya.
Tumawa ito. "What? Ayaw mo?"
She purses her lips. She would lie if she said 'yes.' Of course, she'd love to sit on his lap.
"Gusto mo, ano?" he teased. Kiniliti siya nito sa tagiliran. "Kunwari ka pa. Pakipot ka pa!"
Napaigik siya at napahalakhak. "Ano ba, Zelle? Isa!"
Tumawa ito. Inakbayan siya nito at iniyakap sa kanya ang isang braso nito. "Hindi na. Sige na. Manonood na tayo."
Sumiksik siya dito. Binuksan nito ang potato chips at nilantakan nila iyon habang seryosong nanonood. Paminsan-minsan ay nagbibigay sila ng komento at nagbibiruan. She felt so light. This is what she had always dreamed of. The two of them are cuddling with each other while peacefully watching a movie. There was nothing special about it and it was just a simple thing to spend their day but she felt like she's floating. She felt as if she's in the most beautiful place in the world. And that place is in his arms. And this is a dream no more.
Mayamaya pa ay napatingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya na umuulan sa labas.
"Zelle, it's raining!"
"Yeah? So what?"
Tumayo siya at hinila ito sa braso. "Maligo tayo sa ulan! Sige na!"
Kumunot ang noo nito. "What? Bakit naman tayo maliligo sa ulan? Magkakasakit pa tayo—"
"Basta! Gusto kong maligo sa ulan! Romantic iyon!" giit niya sabay hila dito.
Tumawa ito. "Hindi pa ba romantic ang ginagawa natin?"
"Mas romantic ang maligo sa ulan ng magkasama. Sige na. Please! Maligo tayo sa ulan."
"No."
Lumabi siya. "Ayaw mo talaga?"
Umiling ito.
"Bahala ka! Maliligo ako mag-isa!" aniya sabay talikod. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay niyakap na siya nito mula sa likod niya. Lihim siyang napangiti. Nahulaan niya kasi na gagawin nito iyon.
"Baka magkasakit ka kasi. I'm just worried."
Nilingon niya ito. "Ngayon lang naman. Sige na."
He sighed. "Alright, fine."
Napatili siya. Inakay niya na ito sa labas at magkahawak ang mga kamay nila noong sumugod sila sa ulan.
Tumawa ito. "Baliw!"
Hindi niya ito pinansin. Tumingala siya at umikot-ikot. "This is so much fun!"
Nilingon niya si Ranzelle. Nakatingin lang ito sa kanya. Nakangiti ito habang umiling-iling. Nginitian niya rin ito.
"That's enough. Let's go back." Tumalikod na ito.
Hinabol niya ito at tumalon siya pasakay sa likod nito. Tumawa ito at inayos nito ang pagkakapasan niya sa likod nito.
"You want to play, huh?"
"Nay. I just want to tell you this. I love you, Zelle. Thank you for letting me love you. You made me so so happy," she whispered in his ear.
"I'm sorry. Hindi ko narinig. Ano nga ulit iyon?"
She laughed. "You made me so so happy."
"No. I heard that part. I'm asking for the middle part."
"You wouldn't hear it. You should have listened carefully. Bleh."
It's his time to laugh. "Fine. I'll tell you what it is. I love you, too, Suzy."
"Will I hear that again?"
"Maybe."
"Lame."
"Let's go home."
Umuwi na nga sila. Ngunit bago pa sila makapasok ng tuluyan sa bahay nito ay may sinabi ito.
"You'll often hear it. I promise."
She just smiled.
*******
If you want to read the whole story you can grab a copy through online by this link
http://preciouspagesebookstore.com.ph/Book/2526
or go to the nearest Precious Pages Bookstore to your place or any Bookstore that sells Precious Hearts Romances Pocketbooks. Enjoy!
BINABASA MO ANG
How To Be Yours, Forever
Romance"May espasyo ka na rito. Ang kailangan mo-nating-gawin ay palakihin ang espasyo mo sa puso ko. I want you to have the biggest space in my heart." Naunang minahal ni Suzanne ang best friend niyang si Ranzelle, pero ang ate niya ang natutuhang mahalin...