Chapter 6

5.5K 96 2
                                    

Chapter Six
SA BAHAY nila Suzanne nagpasyang magdiwang ng bagong taon ni Ranzelle. Katwiran nito, ayaw nito na magkalayo sila sa araw na iyon. Isa pa, wala rin naman daw itong ibang kasama sa pagsalubong sa bagong taon. Hindi na kasi sila pwedeng magsolo kagaya noong ginawa nila noong pasko. Nakapangako na kasi siya sa parents niya na sa bahay siya magbabagong taon kasama ng mga ito. Nauunawaan naman iyon ni Ranzelle at naisip nito na sa bahay niya na lang din ito magbabagong taon para magkakasama silang lahat.
"Mabuti naman at dumalaw ka ulit sa amin, hijo. Natutuwa ako at nagkaroon kayo ng unawaan ng bunso namin," nakangiting turan ng Mommy niya kay Ranzelle.
Kasalukuyan silang nasa sala lahat at nanonood ng TV. Mamaya ay plano nilang pumunta sa backyard at magpaputok ng lusis at fireworks kapag bagong taon na. Pagkatapos ay saka nila sisimulan ang kanilang New Year's pool party.
Ngumiti si Ranzelle. "Ako rin po. Masaya ako na i-celebrate ang New Year kasama po ninyo. Pasensya na po kung sumali ako sa inyong family time. Nahihiya nga po ako sa inyo."
"Asus! Kunwari ka pang nahihiya. Feel na feel mo naman dito sa amin. Pamilya ka na rin namin," sabad naman ng kanyang Daddy. Nakangisi ito.
"Tama ang asawa ko, hijo. Hindi ka dapat mahiya. Nobyo ka ng anak namin kaya pamilya ka na rin namin."
"Salamat po, Mommy, Daddy," nakangiting pagpapasamalat ni Ranzelle. 'Mommy' at 'Daddy' talaga ang tawag nito sa parents niya. Noon pa man ay magaan na ang loob ng mga magulang niya dito. Noong unang beses pa lang niya itong ipinakilala sa mga magulang niya sa graduation nila ay napansin niya ng gustong-gusto ito ng mga magulang niya. Iyon din siguro ang dahilan kaya malakas ang loob nito noon na manligaw sa ate niya sa pamamahay nila. Botong-boto kasi dito ang parents niya. Tuwang-tuwa pa nga ang mga ito noong mabalitaan na magnobyo na sila. Hindi nabahala ang mga magulang niya sa kaalamang dati itong nobyo ng ate niya. Wala naman daw kaso iyon sa mga ito kung talagang nagmamahalan sila ni Ranzelle. Nauunawaan daw sila ng mga ito at may tiwala ang mga ito na hindi siya sasaktan ng binata.
Ngumiti ang mommy niya. "Walang problema, hijo. Welcome ka palagi sa bahay namin basta lagi mong pinapasaya ang anak namin."
Nahihiyang nagkamot ang binata sa ulo nito. "Naku, si Suzy nga po ang nagpapasaya sa akin, eh."
Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Sanay naman na siya sa mga tirada nitong gan'on pero hindi siya sanay na sinasabi nito iyon sa mga magulang niya.
"Aba, talaga naman. Nakuha mo pang bolahin ang bunso namin," komento ng kanyang ama. "Hoy, anak, huwag mong sabihing nagpapabola ka sa mga gan'yang patutsada niyang lalaki na iyan?"
"Daddy!"
"Aba, nadaan ka nga sa pambobola?"
Lalong nag-init ang pisngi niya.
"Hon, tignan mo, ang bunso natin, namumula. Dalaga na talaga siya, ano?" wika naman ng kanyang ina.
Tumawa ang kanyang ama. "Hayaan mo siya. Mainam na rin iyan para magkaroon na tayo ng apo."
"Dad!" nanlalaki ang mga mata na sambulat niya. Napatingin naman siya kay Ranzelle para malaman kung anong reaksyon nito sa tinuran ng kanyang ama. Napatanga siya ng mapansin na nakangisi pa ito.
Tumawa naman ang kanyang ama na sinabayan ng kanyang ina.
"Nagpaparinig na ang Daddy mo, litz. Anong gagawin natin?" anas sa kanya ng binata.
"Eh, ano? Hayaan mo siyang magparinig."
He chuckled. "Talo ka pa ba?"
"Heh!"
Nag-kuwentuhan pa sila sa sala hanggang sa malapit ng sumapit na ang hating-gabi. Nagpunta sila sa backyard at sumabay sila sa countdown sa pagsalubong sa New Year. Bago matapos ang countdown ay mabilis na pinaputok ni Mang Sergio—ang driver ng Dad niya—ang mga fireworks. Lumiwanag ang kalangitan at napuno ng sari-saring kulay. Humalo ang ang kinang ng fireworks sa liwanag ng mga bituin sa langit. It was brilliantly beautiful.
Naramdaman niya ang matipunong bisig na yumakap sa kanya mula sa likod niya at ang mainit na hininga na dumapo sa tainga niya.
"Happy New Year, litz."
"Happy New Year, ngitz," ganting-bati niya kay Ranzelle habang ngiting-ngiting nakatingala sa kalangitan.
Lumapit sa kanila ang mga magulang niya at binati sila. Gumanti naman sila ng bati. Binati rin nila ang mga kasambahay na balak nilang isama sa gaganaping pool party. Wala munang formalities. New Year naman kaya okay lang.
"This year," malakas na sabi ni Ranzelle sa lahat dahilan para mapunta dito ang atensiyon nila. "I won't make any promises. But I will make sure that I'll do my best to be a deserving boyfriend to Suzy to be able to be a part of this family. I assure you, Mom and Dad that I will take care of your daughter."
She smiled. Yumakap siya dito at dinampian naman siya nito ng halik sa noo.
"We know you will. We'll let you take care of our daughter," her father stated.
"Thanks, Dad."
"No. Thank you, Son."
She felt that she's the luckiest girl right now. She has the most amazing and understanding parents and she have the most wonderful man she could ever ask for. Who wouldn't feel as much elated as her? Best New Year ever.
"I’ve had enough of that. Meanwhile, let's get this party started!" her mother announced in a very cheerful way. She couldn't believe it was her mother that was branded by her friends as the queen of poise. Well, certainly the poise remains. But definitely it doesn't make her mother a queen of poise. Only she was a queen to her and to her father.
"You heard her, right! Party's on!" sigaw niya. Pumailanlang naman kaagad ang malakas na tugtugan at nagsimula na ang pool party.
Isa na lang ang kulang sa lahat ng iyon. She just hoped, her Ate Marianne was there to witness it all. After all, the family is not complete, without her in the house.

How To Be Yours, ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon