Chapter 3

6.5K 123 4
                                    

"WHERE are we going?" tanong ni Ranzelle kay Suzanne habang nasa loob sila ng taxi. Hindi niya dinala ang kotse niya at hindi niya rin pinadala ang kotse nito dahil alam niyang matao sa lugar na pupuntahan nila. Natitiyak niya iyon dahil Sunday ng araw na iyon.
Kagaya ng pangako nito kahapon sa kanya ay hindi na ito umiinom at naninigarilyo. Kumakain na ito ng maayos at isang yaya niya pa lang ay pumayag na itong sumama sa kanya sa labas.
"Remember in our college days? When you used to play for the team?"
Kumunot ang noo nito. "So?"
"Well, I just thought that maybe you missed those days. So I was thinking that maybe we could watch a game once in a while."
"Game?"
"Yes. Pupunta tayo sa Araneta Coleseum."
Saglit lang na nagsalubong ang kilay nito. Mayamaya pa ay umiling-iling na lang ito.
Saglit pa at huminto na ang cab sa tapat ng Coleseum. Pagkatapos nilang bumili ng ticket ay pumasok na sila. Nagsisimula na ang laro noong pumasok sila.
"Basketball, huh?" anito ng makaupo na sila.
"You love this sport, don't you?"
He smiled. Oh, how she missed that smile. "I do. Thanks a lot, Suzy. Now you reminded me again that slacking off won't do me any good. Bukas, papasok na ako sa opisina."
Pinigil niya ang sarili na mapatalon sa tuwa. "Really?"
"Yes. Really."
Niyakap niya ito. "That's great! Start living again."
Tumawa ito. Buong-buo. Parang kailan lang noong palagi itong nakasimangot. "Alright. Enough drama. The game has already started. Let's watch now, shall we?"
Humiwalay siya rito saka ngumiti at tumango. Nanonood na nga sila. Panay rin ang cheer nila kapag hawak ng gusto nilang team ang bola. Sabay din silang nagrereklamo kapag nalalamangan ang team nila. Pero sabay silang napangiti ng tumunog na ang buzzer na nagsasabing tapos na ang laro. Nanalo ang bet nilang team!
"DID YOU wait for long? I'm sorry," paghingi ni Ranzelle ng paumanhin kay Suzanne.
Dinalaw niya ito sa opisina nito. Kagaya ng sinabi nito ay pumasok na ito. Ito ang kasalukuyang CEO ng San Gabriel Architectural Firm na minana pa nito sa Lolo Julio nito. Pero hindi nito basta nakuha ang posisyon nito ngayon dahil apo ito ng dating may-ari. He started from the bottom and with his immense talent, he climbed to the top.
Mahigit dalawang buwan na simula noong magbalik ito sa trabaho at sa normal. Sa mga panahon na iyon ay madalas silang kumain sa labas at mamasyal kapag may oras sila. Ngayon ay sinadya niya ito sa opisina nito dahil may usapan sila na kakain sila ngayon sa labas. Nagkataon lang na napaaga siya at nasa meeting pa ito kaya naghintay muna siya sa opisina nito.
"It's okay. Hindi naman ako naghintay ng matagal."
Ngumiti ito. "Alright. Let's go?"
Tumango siya. Tumayo na siya at sabay na silang lumabas ng opisina nito. Ngunit hindi sila sa isang restaurant dumiretso. Nagpunta sila sa park malapit sa gusali ng firm nito. Maganda kasi ang panahon ngayon kaya naisip nila na mas gusto nila mag-picnic sa labas kaysa kumain sa restaurant.
"I think that place is good," he uttered then pin-pointed to his right.
Sinundan niya naman ng tingin ang tinuturo nito. Sa ilalim ng isang malaking puno ang tinutukoy nito. Mukhang maganda nga roon. May lilim kaya hindi sila masisinagan ng araw. Isa pa, mukhang mahangin din doon.
"I think so too," she agreed.
He smiled. Nagpunta na nga sila sa ilalim ng puno. Pagkatapos nila maglatag ng picnic mat ay nilapag niya na ang wicker basket. Ilalabas niya na sana ang mga pagkain ng awatin siya nito.
"Bakit?"
Naupo ito at sumandal sa puno. "Tara dito." Tinapik nito ang pwesto sa tabi nito. "Tumambay muna tayo dito. Ang sarap ng simoy ng hangin. It's so refreshing."
Tumango lang siya at pumuwesto nga siya sa tabi nito. Inakbayan siya nito. Her heart is fluttering intensely but she didn't do anything to make him notice it. Tahimik lang sila at wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita. She can feel his breath on her shoulders and the warmth of his body. She can't bring herself to breath normally.
Mayamaya pa ay naglabas ito ng iPod at walang salita na inilagay nito ang isang earpiece sa isang tainga niya at ang isa pa ay nilagay nito sa tainga nito. Ngumiti lang ulit ito sa kanya at inakbayan na siya ulit. Sumandal sila sa puno.
Napapikit siya at dinama niya lang ang hangin habang nakikinig sa musika na nanggagaling mula sa iPod nito.
Close your eyes. Give me your hand, darling... Do you feel my heart beating? Do you understand? Do you feel the same? Am I only dreaming? Is this burning? An eternal flame.
I believe it's meant to be, darling. I watch you when you are sleeping. You belong with me. Do you feel the same? Am I only dreaming? Or is this burning? An eternal flame.
Say my name. Sun shines through the rain. A whole life, so lonely. And come and ease the pain. I don't want to lose this feeling...
"This is pieceful. Simula ngayon ay gawin na natin ito palagi," anito.
"Okay," mahinang sang-ayon niya.
Matagal na nanahimik lang ulit sila bago niya naramdaman ang mabagal na pagbagsak ng ulo nito sa balikat niya. Napangiti siya. Mukhang nakatulog na ito. Kahit siya ay nakakaramdam ng antok. Kaya lang ay pinipigil niya ang sarili na makatulog. Ayaw niyang tulugan ang masayang pangyayari na iyon. Masaya siya dahil magkasama sila. Bagamat walang salitang namamagitan sa kanila, pakiramdam niya ay nag-uusap ang mga damdamin nila. Pakiramdam niya, sa ganoong paraan ay naipapaabot niya rito ang tunay niyang damdamin para dito. Hindi man sila pareho ng nadarama, masaya na siyang malaman na ayaw nitong mawala siya sa buhay nito. He treasures her and their friendship. Okay na iyon sa kanya.
"Zelle? Tulog ka na ba?" aniya. Hindi niya kasi maikilos ang ulo niya para silipin ito. Ayaw niyang magising ito kung sakaling natutulog na nga ito.
Hindi ito sumagot. Naghintay siya ng dalawa o tatlong minuto pa pero tahimik lang ito. Ramdam niya rin ang payapang paghinga nito sa balikat niya. Mukhang tulog na nga ito.
Huminga siya ng malalim. "Zelle, ito na ang una at huling beses na sasabihin ko 'to. Hindi na ako aasa na mamahalin mo rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa 'yo. Ipinapangako ko na simula ngayon ako na ang best friend mo habang-buhay. Susubukan ko na ring kalimutan ang feelings ko para sa 'yo. Kaya naman sa huling pagkakataon, gusto kong masabi sa iyo ito kahit alam kong hindi mo naririnig. I love you, Ranzelle. I love you very very much."
Hihinga na sana siya ng maluwag pagkatapos niyang masabi dito ang bagay na matagal niya ng gustong sabihin dito kung hindi lang ito biglang nagsalita.
"What did you say?" he asked then he moved his head away from her. Tumingin ito sa kanya. Tumingin din siya dito, nanlalaki ang mga mata.
"D-D-Di—" Hindi siya makapagsalita ng diretso. Gulat na gulat siya habang nakatingin sa mga mata nito na mulat na mulat habang nakatingin sa kanya.
"I'm asking you, what-did-you-say?" he demanded.
"G-gising ka? P-pero t-tulog ka, di ba?" nauutal na bulalas niya.
"I'm awake, alright. I didn't answer you because I was about to go to sleep, but then you started talking and you said... You said... Is that true?"
Nangilid ang mga luha niya. "R-Ranzelle, kalimutan mo na lang iyon. Please, kalimutan na lang natin iyon. Wala naman talaga akong balak na ipaalam sa 'yo iyon, eh. Saka isa pa, kakalimutan ko na—"
"Totoo ba? Sumagot ka, Suzy!"
Napaiyak na siya. "Ano bang gusto mong sabihin ko, ha? Gusto mo ba talaga na magmukha akong tanga sa harap mo? Mahal kita! Mahal na mahal kita! Ano? Masaya ka na ba? Ito ba ang gusto mo? Gusto mo bang malaman na lihim kang minamahal ng taong itunuturing mong kaibigan?"
Halatang naguluhan ito. "But why... Why didn't you tell me? K-kailan pa?"
"Hindi na mahalaga—"
"Mahalaga iyon! Kailan pa?!"
She pursed her lips. "Matagal na. College pa lang tayo."
Nagulat ito. "C-college? You mean, you already have those feelings even...even when me and Marianne..."
Tumango siya. "Pinilit ko naman kalimutan. Noong mga panahon na sinabi mo sa akin na gusto mo si Ate, ginawa ko ang lahat para maiwasan ka at kalimutan ka. Pero hindi naman kita matanggihan sa tuwing gusto mong lumabas tayo. Lalong hindi kita nagawang tanggihan ng hilingin mo sa akin na ilakad kita sa kanya. Hindi rin naman kita matiis."
Nasapo nito ang ulo nito. "Oh my God, Suzy. What were you thinking? Bakit hindi mo sinabi sa akin? I had hurt you so much without me knowing it. I feel the worst. How could you do that to yourself? How could you let me do that to you? Ano bang iniisip mo?"
Napahagulgol na siya. "I'm so sorry... I must have love you so much that I can endure anything as long as I know that it will makes you happy... I'm really sorry..."
"What are you sorry for? I am the one that should be sorry. My God, napakamanhid ko. All this time... All this time... Suzy, forgive me. I don't know. I'm so sorry..."
Niyakap siya nito. Umiyak naman siya dito. "No. I understand. You weren't paying attention to me that's why you didn't know. It's my fault. Natatakot kasi ako na iwasan mo ako kaya hindi ko sinabi sa 'yo. I've been selfish. I should have told you the truth..."
"No. It's okay. We both made our mistake. Huwag na natin sisihin ang mga sarili natin. Nandito na ito. Let's just fix this. I will fix this."
Bahagya siyang kumawala dito. "A-anong gagawin mo?" kinakabahang tanong niya.
He cupped her face then he looked straight into her eyes. "We will try it. I'll give 'us' a chance. Hindi ba sabi nila, lahat ng bagay na nangyayari ay may rason? Siguro ito ang rason kaya hindi kami ni Marianne ang para sa isa't-isa. Dahil ang totoo, tayo talaga ang tinadhana para sa isa't-isa. I won't hurt you anymore. I will love you, Suzy."
Will? "What do you mean?"
"Let's be together. Let's work things out. Maybe you're the one for me. Maybe we are meant for each other and—"
"Mahal mo ba ako?"
Hindi ito nakasagot. Nasaktan siya. Kung gan’on ay hindi siya nito mahal. Alam niya naman iyon pero ang sakit pa rin.
"O-of course, I love you," he stated, not looking straight to her eyes.
"No. Stop lying to me. We can't be together, Zelle. You still love my sister. Ayokong maging panakip-butas mo lang ako. Hindi ako—"
"That's not it! Hindi ka magiging panakip-butas dahil wala naman ng butas! Iyong butas na sinasabi mo, matagal mo na iyong pinunan kaya matagal na iyong nawala. Siguro nga ay may natitira pa rin akong pagmamahal kay Marianne at hindi na mawawala iyon. Pero ikaw, nandito ka na rin sa puso ko." Itinuro nito ang kaliwang dibdib nito. "May espasyo ka na rito. Ang kailangan mo—nating gawin ay palakihin ang espasyo mo sa puso ko. I want you to have the biggest space in my heart. Please, I don't want to lose you and I don't want the possibility of 'us' to vanish. Let's try it. I know you can do it. Hindi ba ikaw na mismo ang nagsabi sa akin? Hindi mo ako matiis. Nakikiusap ako ngayon sa 'yo, huwag mo akong tiisin."
"Pero..."
"Please..." Hinawakan nito ang mga kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito. "I'm begging you, Suzy. Make me love you more than anyone else. I want to love you more than anyone."
Naiyak na naman siya. Masakit malaman na hindi pa siya nito mahal kagaya ng pagmamahal niya dito pero nag-iinit sa tuwa ang puso niya dahil gusto siya nitong mahalin. Gusto nitong ibigay sa kanya ang pagmamahal nito. Pero natatakot siya.
"Paano kung hindi mo ako matutunang mahalin? Paano na?"
Ngumiti ito. Napasinghap siya ng banayad siya nitong hinagkan sa mga labi. Hindi iyon nagtagal pero sapat na para makuryente ang bawat himaymay ng kanyang katawan. That was her first kiss.
"That will never happen. Suzy, if there's a woman that can make me fall in love, it would be you."
"P-paano mo naman nalaman?"
"I didn't know. I just feel it. So, ano? Payag ka na? Gusto mo ba ligawan muna kita? O sasagutin mo na ako ngayon dito mismo?"
Sinuntok niya ito sa balikat. "Kung magsalita ka parang madali lang ang lahat. Pero sige na! Ano pa bang magagawa ko? Hindi rin naman kita matiis."
Ngumiti ito. "Is that your 'yes?' "
Kagat-labing tumango siya.
Niyakap siya nito ng mahigpit. "Thank you..."
"Oo na. Iyong pagkain natin, malamig na. Kumain muna tayo. Malapit na matapos iyong break natin. Babalik ka pa sa office tapos ako naman sa trabaho ko."
Tumawa ito. "Of course. Habang kumakain mag-isip na din tayo ng endearment. Ano ang gusto mo?"

How To Be Yours, ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon