Chapter 5

5.6K 101 1
                                    

Chapter Five
ALIW NA aliw si Suzanne habang pinapanood si Ranzelle sa ginagawa nito. Kasalukuyan itong nagluluto sa kusina habang sintunadong kumakanta ng "Huling El Bimbo." Halatang hindi pa nito alam na naroroon siya at pinanood ito mula sa likod nito. Hindi niya pa kasi ito nilalapitan. Pinagmamasdan niya lang ito habang nakasandal ang tagiliran niya sa hamba ng pinto. She loves the scenery of him so why ruin it by declaring her presence? She enjoyed watching him sing without his permission. Tiyak na titigil ito sa ginagawa nito kapag nalaman nito na pinanonood niya ito.
Mukhang enjoy na enjoy ito sa ginagawa nito. Hinahalo nito ang kung anong putahe ang niluluto nito sa kaserola habang suma-side steps na animo sumasayaw ng ballroom sa sarili nitong tugtugin. Mayamaya pa ay huminto na ito sa pagkanta at sumipol na lang. Pinatay nito ang apoy sa kalan saka nagsimulang lumapit sa cabinet sa itaas. Naglabas ito ng malaking bowl at umikot para ilapag iyon sa mesa. Pag-angat nito ng tingin mula sa mesa ay natigilan ito. Their gazes locked. For a moment, his cheeks blushed but then it vanished immediately and replaced by a frown. She thought it was just her imagination.
"Anong ginagawa mo rito?" anito. Hindi galit ang tono nito. Sa halip ay nag-alala pa.
Lumapit ito sa kanya at maingat na idinantay ang palad nito sa noo niya. "Kanina ka pa ba dito?"
Ngumisi siya. "Ang dami mo palang talent."
Ngumiti ito. "Atin-atin na lang iyong nakita mo, ha?"
Natawa siya. "Talaga. Hindi ko hahayaang may ibang makaalam na ang boyfriend ko ay—" Napahagikgik siya ng tignan siya nito ng masama.
Saglit lang iyon at lumambot din ang ekspresyon nito. "Okay ka na ba? Wala bang masakit sa 'yo? Hindi ka ba nahihilo?"
"Okay na ako. Magaling ang nurse ko, eh," aniya na sinamahan pa ng kindat.
He smiled and nodded. "Mabuti. Nagluto ako ng sopas. Kain tayo."
Inalalayan siya nito sa baywang niya saka siya iginiya sa mesa. Ipinaghila pa siya nito ng upuan bago siya pinaupo. Ipinagpatuloy na nito ang paghahain sa mesa saka siya dinaluhan. Sa tabi niya ito naupo.
"Susubuan mo ako, ha? Tapos susubuan din kita," ungot niya.
"Susubuan kita pero huwag mo na ako subuan."
"Ayoko. Gusto ko, susubuan din kita."
"No. Alam ko ang ugali mo."
Humalukikip siya. "Hindi ako kakain hanggang hindi ka pumapayag."
Nasampal nito ang noo nito. "God. Kahit may sakit ka, ang kulit mo pa rin!"
"Wala na akong sakit, 'no!" protesta niya. Kumapit siya sa braso nito. "Sige na. Magpasubo ka na rin kasi sa akin. Hm?" pagsusumamo niya. Nagpa-cute pa siya.
Nakita niya ang pagpipigil nitong mapangiti.
"Papayag na 'yan. Hindi rin ako matitiis niyan."
"Fine. Oo na."
"Yes!" pagbubunyi niya. Mabilis na kumuha na siya ng kutsara at sumandok sa soup bowl niya. Inilapit niya iyon sa tapat ng bibig nito. "Say 'ah' na, ngitz."
Iiling-iling na ngumiti ito bago ibinuka ang bibig. Ngunit noong akmang isusubo na nito ang kutsara ay bahagya niya iyong inilayo.
"Ano ba 'yan? Nandito, oh. Duling ka ba, ngitz?" pang-aasar niya dito, nakangisi pa.
Nagtagis ang mga bagang nito. "Sinasabi ko na nga ba."
Humalakhak siya. "Maglaro naman tayo para masaya."
"Gusto mo maglaro?"
Sunod-sunod na tumango siya.
"Okay. Let's play."
Na-excite siya. Umayos ito ng upo at tumingin ng diretso sa kutsarang hawak niya.
"Game."
Ngumisi siya. Nagsimula ang laro. Hinuli nito ang kutsara niya pero mabilis na iniwas niya iyon pataas. Natapon ang sabaw niyon sa noo nito. Natawa siya. Sinamantala nito iyon at hinawakan ang pulsuhan niya. Wala na siyang kawala. Pero bago pa nito maisubo ang sopas ay iniharang niya ang isang kamay niya sa bibig nito. Nanlaki ang mga mata nito.
"Madaya ka!" bulalas nito.
Humagikgik siya. "Oh, bakit? May rules ba tayong pinag-usapan?"
Nanggigil ito. "Ganon, ah?"
Sa gilalas niya ay dumukwang ito at hinalikan siya sa labi. Smack lang iyon pero dahil sobrang hindi inaasahan ay naestatwa siya. Sinamantala nito iyon para isubo ang kutsara. Pero bago nito magawa iyon ay nabitiwan niya na ang kutsara. Natapon ang laman niyon sa mesa.
"Dahil hinulog mo, ako ang panalo," deklara nito. Nakangisi ito sa kanya.
Nag-init ang pisngi niya. Gusto niya itong sabihan na madaya pero alam niyang uulitin lang nito ang sinabi niya kanina para barahin siya.
"Ano’ng premyo ko?"
Hindi siya tumingin dito. "Ewan ko sa 'yo."
"Hah! So ibig sabihin niyan, kahit na anong gusto ko?"
"B-bahala ka," aniya. Sa totoo lang ay parang saglit siyang nawala sa sarili. Parang naliliyo pa rin siya dahil sa halik nito.
"Humarap ka sa akin," utos nito.
Tumalima naman siya.
Ngumiti ito. Ilang saglit pa at sakop na ng mga labi nito ang mga labi niya. Nanlaki ang mga mata niya sa umpisa. Pero noong dumiin ang hawak nito sa balikat niya at lumipat ang isang kamay nito sa likod ng ulo niya ay napapikit na siya. Ibinuka niya ang mga labi niya sa utos na rin ng mga labi nito. Paano niya nalaman na inutusan ng mga labi nito ang mga labi niya? Hindi niya alam. Basta sinunod niya na lang. Sabay na gumalaw ang mga labi nila habang dahan-dahan niyang inangat ang mga kamay niya papunta sa leeg nito. May sariling isip ang mga daliri niya habang nilalaro ang malambot na buhok nito sa batok nito.
Naghilahan silang dalawa na para bang gusto nilang maging iisa ang mga katawan nila. Pero wala ng espasyo sa pagitan nila. Hindi na nila kailangang maging isa, dahil iisa na ang mga damdamin nila.
Noong humiwalay ito sandali ay may ibinulong ito sa kanya. "Huminga ka naman muna."
Doon niya namalayan na kinakapos na pala siya ng hininga. Nag-init ang pisngi niya kasabay ng pagsubok niyang huminga ulit. Pero sobrang bilis ng tibok ng puso niya, hindi niya sigurado kung alam niya pa kung paano huminga.
"I—" Natigil ang ano mang sasabihin niya sapagkat inangkin ulit ni Ranzelle ang mga labi niya.
"If you can't breathe, I'll breathe with you, so we will breath as one," he said between his kisses.
She smiled and she eagerly agreed to his commands. Nagpatuloy ang halik. Naramdaman niya na unti-unting lumiliyad ang katawan niya. Hinihiga siya nito!
Oh my God!
Pero hindi siya tumutol. Hinayaan niya lang itong magpatuloy sa ano mang binabalak nitong gawin sa kanya.
"Aray!" bulalas niya ng mauntog ang ulo niya sa kanto ng mesa. Naghiwalay sila. Napakamot siya sa ulo niyang nasaktan.
"What?" kunot-noong tanong nito. Napalitan iyon ng pag-aalala ng makitang hawak niya ang likod ng ulo niya. "Sorry," apologetic na wika nito.
Umayos siya ng upo at gan’on din ito. Walang sino man ang nagsalita sa kanila. Natawa na lang siya. Mayamaya pa ay nakisabay na rin ito sa kanya sa pagtawa.
"Subuan mo na nga lang ako. Puro ka kasi kalokohan, eh," wika nito kapag kuwan.
Ngumiti siya at tumalima. Nagsubuan na sila at hindi na naglaro pa. Sa halip ay masayang nagkuwentuhan na lang sila habang kumakain.
Deep inside though, she felt so warm and lighthearted. She realized one thing. Ranzelle doesn't consider her as his sister anymore. Naniniwala na siya na totoong mahal na siya nito. Noon kasi ay nagdududa pa siya sa feelings nito. Iniisip niya na ginagawa lang nito iyon para bumawi sa kanya dahil nasaktan siya nito ng hindi nito nalalaman. Pero ngayon ay sigurado na siya na may espasyo na siya sa puso nito. Kaunting push na lang, makukuha niya rin ang pinakamalaking espasyo sa puso nito.
SA DISPERAS ng Pasko ay magkama sina Suzanne at Ranzelle. Nagpunta sila sa paborito nilang park. Kagaya ng dati ay naroon sila sa paborito nilang puwesto sa ilalim ng malaking puno. They both loved it there.
Nakasandal si Ranzelle sa puno habang siya naman ay nakahilig ang ulo sa balikat nito. Tama ito sa sinabi nito noong unang beses silang nagpunta dito. The place is so refreshing. Mas gumanda pa nga dahil may mga nakasabit na christmas lights sa puno "nila." Nagkikislapan ang mumunting ilaw kasabay ng tugtog ng hangin sa paligid. Wala siyang pakialam kahit na may ibang tao sa di kalayuan. Para sa kanya ang lugar na iyon ay ang perfect place para sa kanila ni Ranzelle. It was peacefully romantic.
"Anong gusto mong regalo ngayong pasko?" tanong nito.
"Bakit ngayon mo lang 'yan tinanong? Sandali na lang at pasko na. Huwag mong sabihing wala ka pang regalo para sa akin?"
"Mayroon na. Gusto ko lang malaman kung may gusto ka pang iba."
Nag-isip siya. "Ano pa nga ba? Wala na. Kontento na ako basta kasama kita. Pero kung ipipilit mo, gusto ko iregalo mo sa akin ang puso mo."
Natawa ito. "Cheesy ka rin pala, ano?"
"Seryoso kaya ako," parang bata na reklamo niya.
"Sige. Tatawag ako kay Santa Claus at ipapabalot ko sa kanya ang puso ko. Tapos sasabihin ko sa kanya, 'Siguraduhin mo na makakarating ang puso ko kay Suzanne. Tapos sabihin mo sa kanya, mahal na mahal siya ni Ranzelle.' "
Napangiti siya. Binalot ng kakaibang saya ang buong katawan niya. "Salamat, Zelle."
"Walang anuman."
"Ikaw ba? Ano ang gusto mong regalo sa Pasko?"
"Natanggap ko na ang pinakamagandang regalo ko."
Napangiti siya. "Alam ko na sasabihin mo."
"Talaga?"
"Sasabihin mo, ako, 'di ba?"
"Mali. 'Kapal ng mukha mo."
Napalabi siya para pagtakpan ang inis at pagkapahiya. "Eh, ano?"
"Ang pagmamahal mo. Iyon ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. Thank you very much."
Napatanga siya. Pero saglit lang. Napangiti rin siya kaagad. "You're welcome na nga lang."
"Pero kung ipipilit mo, pwede ring pa-kiss na lang," anito, nakangisi.
"With pleasure."
Ikinawit niya ang braso sa batok nito saka ito hinila at mariing hinalikan sa mga labi. He has the sweetest lips of all. She loved the way they breathe as one whenever they kiss each other. Feeling his lips on her own is the best feeling she ever had. It was like a fire turning into bliss, making her feel weak and enliven at the same time.
Pagkatapos ng marubdob na halik ay nakangiting tumitig lang sila sa isa't-isa. Nangungusap ang kanilang mga mata. Parehong nakikitaan ng pag-ibig ang kanilang mga mata. Parehong nakikitaan ng kakaibang kinang at saya.
Sa paligid nila ay narinig na nila ang pagsisimula ng countdown ng mga tao. Hindi nga nagtagal at naghiyawan na ang lahat habang sabay-sabay na sumigaw at bumati ng maligayang pasko.
"Merry Christmas, litz," pagbati nito sa kanya.
"Merry Christmas din sa 'yo, ngitz," ganting-bati niya dito.
May dinukot ito sa bulsa nito at iniabot sa kanya. Isang parihabang box iyon. "Exchanged gifts na tayo."
Tinanggap niya ang regalo nito at kinuha niya naman mula sa bag niya ang regalo niya para dito. Ibinigay niya iyon dito.
"Sabay natin buksan," suhestiyon niya.
"Okay. On three. One, three!" anito saka sinumulan na nitong buksan ang regalo niya dito.
Natawa na lang siya at maayos na tinanggal ang wrapper ng regalo nito sa kanya. Binuksan niya ang box at tumambad sa kanya ang isang expensive mechanical pencil na may nakasabit na nametag. May nakasulat sa nametag na nagpangiti sa kanya.
You're Mine
"Ano 'to? Declaration of property?" kunwa ay reklamo niya pero nakangiti naman. Kinikilig siya.
Nagkibit-balikat lang ito habang sinusuot ang relo na regalo niya rito. "Thank you. Iingatan ko, 'to," sabi nito.
"Ako rin. Iingatan ko rin ang regalo mo."
"Ayos lang kahit masira iyan. Gusto ko gamitin mo ng gamitin 'yan sa pagde-design. Ang sa akin lang, huwag mong iwawala. Lalo na iyong tag." Ngumisi pa ito ng makahulugan.
"Opo. Ito na ang pinakasamayang pasko ko."
"Ako rin."
"Weh?"
"Eh, di huwag ka maniwala."
Tinampal niya ito sa braso. "'Kainis 'to!"
Tumawa lang ito at kinulong siya sa mga bisig nito.

How To Be Yours, ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon