Chapter 10

12.4K 235 8
                                    

Chapter Ten
Two months later...
NATUWA si Suzanne sa magandang balita sa kanya ng ate niya. Kausap niya ito gamit ang Skype. Nasa New York pa rin siya habang ito ay patuloy pa ring nagpapagamot sa Pilipinas kasama ang mga magulang nila. Ayon dito ay maganda ang development ng pagpapagamot nito. Bagamat walang duda na papatayin pa rin ito ng sakit nito balang-araw, mas bumubuti na daw ang lagay nito ngayon.
“Kailan ka uuwi dito?” tanong nito.
Natigilan siya. Maraming beses na nitong hiniling sa kanya na umuwi na siya, pero ni minsan ay hindi niya pa ito pinagbibigyan. Hanggang ngayon kasi ay si Ranzelle pa rin ang laman ng puso niya bagamat hindi niya na ito nakikita. Pagkatapos nila itong itaboy ni Adrian sa apartment niya ay hindi na ito kailanman bumalik pa. Ang sabi ng ate niya ay nagkikita na daw ulit ito at ang binata. Palagi raw itong dinadalaw ni Ranzelle at sinasamahan kung saan man nito naisin. Simula raw kasi ng malaman ni Ranzelle ang tungkol sa sakit ng ate niya ay hindi na daw ito umalis sa tabi ng ate niya. Natutuwa siyang malaman iyon dahil iyon naman talaga ang gusto niya. Bagamat masakit para sa kanya na itinaboy niya palayo ang lalaking mahal niya, pinipilit niya na lang maging masaya para sa ate niya. Laking pasasalamat niya na lang kay Adrian. Dahil dito ay hindi siya lubusang nalulungkot sa New York. Naging mas malapit kasi sila sa isa't-isa at natuklasan niya kung gaano ito kasayang kasama at kung gaano ito kabuting tao. Sa tulong nito ay nababawasan ang sakit na iniinda niya sa pagpapalaya niya kay Ranzelle.
“Ate, alam mo naman kung gaano ako ka-busy dito, hindi ba? Kapag nagkaroon ako ng oras ay uuwi naman ako.”
Bumuntong-hininga ito. “Sue, umuwi ka na. May importante akong sasabihin sa iyo.”
“Iyon lang ba? Pwede mo naman sabihin sa akin iyon dito sa—“
“Hindi. Kailangan mo itong marinig sa akin sa personal. Umuwi ka na. Nakikiusap ako sa iyo.”
Kinabahan siya. “T-tungkol saan ba ito, Ate?”
“Sue, mahal kita at alam kong gan’on ka rin sa 'kin. Bago mahuli ang lahat, bumalik ka na dito,” seryosong pakiusap nito.
Kitang-kita niya ang matinding kagustuhan nito na sundin niya ang nais nito. Nakaramdam siya ng matinding takot. Takot sa muli nilang pagtatagpo ni Ranzelle at takot sa ano mang nais sabihin sa kanya ng ate niya. Alam niya sa loob-loob niya na posibleng ang sasabihin nito sa kanya ay maaring hindi niya magustuhan. Ganunpaman sa kabila niyon ay nakaramdam din siya ng pagkasabik na makita ito, ang mga magulang niya at si Ranzelle.
“Naiintindihan ko. Uuwi na ako, Ate.”
HUMINGA ng malalim si Suzanne bago siya nagpasyang pumasok sa silid ng ate niya. Binuksan niya ang pinto saka maingat na pumasok sa loob ng silid. Nakita niya ang ate niya na nakaupo sa kama nito habang nagbabasa ng libro. Nilapitan niya ito.
Naluha siya noong tuluyan niya na itong mapagmasdan. Bakas sa katawan nito ang hirap na pinagdadaanan nito. Pumayat ito at nangitim din ang palibot ng mga mata nito. Ang dati ay napakaganda at napakahaba nitong buhok ay naglaho na at napalitan ng isang maiksing wig na itinatago ng bonnet na suot nito. She’s still beautiful as always, but her incredible glow that could outshine anyone is missing in action. Her prefect big sister is now under the spell of a dark magic called ‘cancer.’ It was really painful to see her sister in this kind of state.
“A-ate, nandito na ako,” anas niya.
Ibinaba nito ang librong binabasa nito at nag-angat ng tingin sa kanya. “Suzy, mabuti at nakarating ka na,” nakangiting sabi nito.
“Oo. Pasensya ka na kung medyo natagalan ako. Matagal kasing pakiusapan ang inabot ko sa boss ko bago niya ako pinayagang makauwi.”
“I see. Maupo ka.”
Tumalima siya. “How are you?”
She smiled. “Surviving. It’s all thanks to you and our parents, and Ranzelle of course.”
Ginanap niya ang kamay nito. “Ate, nandito lang ako palagi para sa 'yo.”
“Alam ko.”
Matagal na nanahimik lang sila. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito. “Hindi ko alam kung paano ito sisimulan. Sa totoo lang noong hiniling ko sa 'yo na umuwi ka na ay talagang gusto lang kitang makita at mahawakan ng ganito,” wika nito saka pinisil ang kamay niya.
“Suzanne, hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na ikaw ang kapatid ko. Sa totoo lang ay naiinggit ako sa iyo sa maraming bagay. Noong mga bata pa tayo ay tanda ko na noong naligaw tayo ay ikaw ang nakaisip na magpunta tayo sa police station para mahanap kaagad tayo nila Daddy. Alam kong maiisip ko rin naman iyon kung nag-isip lang talaga ako. Pero dahil takot na takot ako n’on, hindi ako nakapag-isip ng maayos. Samantalang ikaw, bagamat alam kong natatakot ka din, hindi ka nagpadaig sa takot mo at nag-isip ka ng solusyon sa problema natin. Sa madaling salita, sa ating dalawa, ikaw ang higit na mas matapang. Bukod pa roon sa ating dalawa, ikaw ang mas malaya. Ginagawa mo kung ano ang magustuhan mo pero ako ay walang lakas ng loob na gumawa ng mga sarili kong desisyon. Lahat ng ginawa ko ay nakabase sa sasabihin ng ibang tao. Noong nagpasya akong maging ballerina, hindi ko talaga sariling desisyon iyon. Hinikayat lang ako ng kaibigan ko kaya ako pumayag na maging ballerina. Pero ikaw, naging shoe designer ka dahil hilig mo talaga ang mga sapatos. Humahanga talaga ako sa talento mong iyan. Piling tao lang ang may gan’yang kakayahan kaya talagang espesyal ka. Pero may isang bagay talaga akong pinakakinaiinggitan sa 'yo. Hindi mo pa siguro ito alam. Ang totoo ay ampon lang ako.”
Napasinghap siya. Ngayon niya lang nalaman ang tungkol doon.
“Hindi ako tunay na anak nina Mommy at Daddy. Anak ako ng best friend ni Daddy na namatay sa sakit na cancer. Sa biological father ko nakuha ang sakit kong ito. Ikaw lang ang tunay na anak nina Dad. Bata pa lang ako ay alam ko na iyon pero sinabi nila sa akin na tunay na nila akong anak kaya hindi ko na raw dapat sabihin sa iyo na hindi tayo tunay na magkapatid. Sa totoo lang noong una kang dumating sa buhay namin ay natakot ako. Natakot ako na baka makalimutan na ako at ikaw na lang ang alagaan nina Daddy kaya naman gumawa ako ng paraan para makuha ko palagi ang atensiyon nila. Nag-aral akong mabuti at inalagaan ko ng husto ang sarili ko para palagi akong maganda sa paningin nila at sa gayon ay palagi nila akong ipagmalaki. Lahat ng mayroon ako ay nakuha ko dahil sa sipag at tiyaga. Pero iba ka. Kahit na hindi ka magaling sa maraming bagay, nakuha mo pa rin ang pagmamahal nina Daddy at ng ibang taong nakapaligid sa iyo. Napakadali para sa mga taong malapit sa iyo na matutunan kang mahalin. Isa na ako sa mga taong iyon. Naging madali para sa akin ang mahalin ka dahil naging isang napakabuti mong kapatid sa akin. Ni minsan hindi mo ipinaramdam sa akin na hindi ako kabilang sa pamilyang ito. Ipinaramdam mo sa akin na mahal mo ako. Kontento na ako sa kung ano’ng mayroon ako hanggang sa dumating si Ranzelle sa buhay ko. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal na hindi ko naranasan sa kahit na sino. Si Ranzelle lang ang bukod tanging tao na natutunan kong mahalin ng higit pa sa sarili ko. Kung kaya nga kahit na alam ko noon pa man na gusto mo siya, hindi ko napigilan ang sarili ko na angkinin siya kahit na alam kong masasaktan kita.”
“Kung gan’on ay alam mo dati pa?” hindi niya napigilang maibubulalas.
Tumango ito. “Hindi naman mahirap makita iyon lalo na kapag nakikita ko kung paano mo siya tignan. I’m sorry kung sinadya kitang saktan kahit na labag sa loob ko. Nagawa ko lang iyon dahil sa labis na pagmamahal ko kay Ranzelle. Pero sa kabila niyon, mabilis talaga ang karma.”
“Ate Marianne...”
Bumuntong-hininga ito. “Nagkaroon kami ng pagtatalo ni Ranzelle. Tatlong araw din kaming hindi nagpansinan. Pero hindi ko rin siya natiis. Isang araw, pumayag akong makipagkita sa kanya. Sa araw na iyon, sobrang excited ako. First anniversary kasi namin iyon at may nalaman ako. Ang sabi sa akin ng sekretarya niya ay bumili na raw si Ranzelle ng singsing. Siyempre pa ay umaasa ako na magpo-propose na siya sa akin. Naghintay ako sa tagpuan namin. Isang oras ang lumipas, hindi siya dumating. Ang sabi ko, baka na-traffic lang. Dalawang oras, baka naman may mga dinaanan pa siya. Tatlong oras, umiiyak na ako. 'Tapos ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mommy. Nasa hospital ka daw dahil nabundol ka ng sasakyan. Siyempre ay nagpunta agad ako. Natuwa ako ng makita kong ayos ka lang dahil kaunting galos lang ang natamo mo sa nangyari pero nagalit ako sa tagpong inabutan ko sa silid mo noon. Naroon si Ranzelle. Siya ang nauna roon sa tabi mo. Hinintay niya hanggang sa sabihin ng doktor na walang naging problema sa 'yo. Wala naman sanang problema iyon. Maiintindihan ko sana iyon dahil magkaibigan naman kayo, pero ang hindi ko naintindihan, bakit hindi niya ako naalalang tawagan para sabihin sa akin ang nangyari? Bakit hindi niya ako naisip na contact-in para sabihing hindi siya makakarating sa usapan namin dahil pinuntahan ka niya? Ako rin ang sumagot sa mga tanong ko. Nakalimutan niya ang anniversary namin, nakalimutan niya na magkikita kami, nakalimutan niya na naghihintay ako sa kanya dahil sa 'yo. Dahil nag-aalala siya sa 'yo. Kapag ikaw ang iniisip niya, nawawalan siya ng pakialam sa ibang mga bagay sa paligid niya. Kahit na ako pa iyon. Ayokong isiping gan’on nga kaya naisipan ko siyang tanungin. Tinanong ko siya. Paano kung sabay tayong malunod na dalawa, sino sa atin ang ililigtas niya? Alam mo ba kung ano ang isinagot niya?”
Bumilis ang tibok ng puso niya. She anticipated the next words that will come out on her lips.
“Ang sabi niya ay, ‘tinatanong pa ba iyon? Siyempre si Suzy. Hindi naman kasi marunong lumangoy iyon.’”
Napasinghap siya. Napaiyak na lang siya. Napaluha rin ang ate niya.
“He unconciously choose you over me. Ni hindi niya man lang naisip ang posibilidad na hindi rin ako marunong lumangoy. And that’s how I realized that if I were to ask him to choose between us, he will choose you. Noon ko rin nalaman na sa ating dalawa, mas mahal ka niya. Noong mga panahon na iyon ay gusto kong magalit sa iyo. Sa wakas, may natagpuan akong isang tao na gusto kong mahalin hanggang sa huling hininga ng buhay ko, pero sa 'yo pa rin umiikot ang mundo niya. Ikaw pa rin ang may hawak ng alas. Pero hindi ko magawang magalit sa 'yo dahil mahal kita at alam kong hindi mo naman ginusto ang mga nangyari.”
“Kaya ka ba umalis?”
Tumango ito. “Gusto kong makalimot sa matinding pagkabigo. Na-realized ko na kasi na talong-talo na talaga ako sa 'yo. And Hunter is very much willing to help me. I accepted his help ang I tried to move on and start a new life with him. Kaya lang ay sadyang may personal na galit sa akin ang buhay. Binigyan niya ako ng sakit. Noong malaman kong may sakit ako, si Ranzelle ang una kong naisip. Gusto ko siyang makasama. Kaya bumalik ako at sapilitan siyang hiningi sa 'yo. Pero mas lalo ko lang napatunayan na hindi talaga siya para sa akin.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“When I left him brokenhearted, he never followed me. But when you left, he followed you. Don’t you see the difference? He’s willing to give up everything for you. Something he never did for me. He loves you above anything else.”
Pinahid niya ang mga luha niya. “Pero hindi ba ang sabi mo sa 'kin, nagkikita na ulit kayo?”
“Oo, nagkikita kami pero bilang magkaibigan na lang. May sakit ako, Sue. Nasa tabi ko siya hindi dahil mahal niya ako, kundi dahil nagmamalasakit siya sa akin. Kahit na mamatay pa ako sa harap niya ngayon ay hindi niya ako mamahalin ng katulad ng pagmamahal niya sa 'yo. Hindi gan’on kadaling baguhin ang damdamin ng isang tao. Alam ko na iyon ngayon. Kaya nga gusto kong bumalik ka na. Gusto ko kasing sabihin sa 'yo na balikan mo na si Ranzelle. He never really belonged to me. From the very start, he had always been for you. The two of you belong to each other. Hindi mo na ako kailangang alalahanin pa. Tanggap ko na. Kaya siguro dumating sa buhay ko si Ranzelle ay para matutunan ko kung paano magmahal ng totoo ng walang hinihinging katugon. Parang ang pagmamahal ng Panginoon sa atin. Sa tulong ni Ranzelle, nakita ko ang liwanag na matagal ko ng hinahanap. Kontento na ako sa naging buhay ko. Tanggap ko na ang kapalaran ko. Pero tuluyan lang akong magiging masaya kung sasaya rin ang dalawang taong pinakamamahal ko sa mundong ito. I’m begging you, get Ranzelle back.”
Umiiyak na yumakap siya dito. Iba't-ibang emosyon ang naghalo sa loob niya. Pero ang pinakanaghari sa mga emosyong nararamdaman niya ay ang pagmamahal niya para sa ate niya.
“Thank you, Ate. Hindi man tayo magkadugo, tunay tayong magkapatid. Palagi mo iyang tatandaan.”
Gumanti ito ng yakap sa kanya. Sobrang higpit nga yakap nito. Pagkatapos ay pumalahaw ito ng iyak na parang isang bata.
“WHAT are you doing here?”
Napangiti si Suzanne ng marinig ang tinig na iyon ni Ranzelle mula sa kanyang likuran. Dali-dali niyang hinango ang niluluto niya sa induction cooker at maingat na inihain iyon sa mesa. Tahimik na pinanood lang naman siya ni Ranzelle mula sa pagkakasandal nito sa hamba ng pintuan ng kusina.
Ngumiti siya dito. “Nagluto ako. Kumain tayo,” yaya niya dito saka naupo na sa silya sa tapat ng mesa ng hapag-kainan.
Naglakad ito palapit sa mesa at naupo na rin sa tapat niya. Nilagyan niya ng pagkain ang plato nito.
“I’m guessing that you still have my key. Dahil hindi ka naman makakapasok sa kusina ko kung wala kang susi. Bakit nasa iyo pa iyon? Bakit ka ba nandito? Huwag mong sabihin na nandito ka kasi nakipaghiwalay na sa iyo ang lalaking iyon. Nandito ka ba para gawin akong panakip-butas mo?”
She sighed. “Naiintindihan ko kung bakit gan’yan ang iniisip mo sa akin. Naiintindihan ko rin kung magagalit ka sa akin. Marami akong masasakit na salitang binitiwan noon sa New York at alam kong mahirap kalimutan ang mga ginawa at sinabi ko sa iyo noon. Pero nandito ako ngayon sa harap mo, kinapalan ko ang mukha ko at nagpakita sa 'yo sa kabila ng lahat ng ginawa ko sa 'yo. Nandito ako para bawiin ang lahat ng sinabi ko noon. Lahat ng iyon ay kasinungalingan lang. Nagpanggap lang ako noon na wala akong pakialam sa 'yo kahit na ang totoo ay gusto ko na talagang tumakbo sa mga bisig mo. Gustong-gusto ko ng bumalik sa 'yo pero hindi ko iyon ginawa. Alam mo naman na ang tungkol sa sakit ni ate, hindi ba?”
Ikinuwento niya dito ang tungkol sa naging usapan nila ng ate niya at kung bakit niya ito pinilit itaboy noon. “Nagawa ko lang ang lahat ng iyon para pagbigyan ang huling kahilingan ni ate sa akin. Mahal na mahal kita pero mahal na mahal ko rin ang ate ko kaya nagparaya ako sa kanya dahil mas kailangan ka niya. Pero pareho kaming nagkamali. Hindi kami ang dapat na nagdesisyon sa kung sino ang mas nababagay sa tabi mo. Nakalimutan namin na isaalang-ala ang damdamin mo at nasaktan ka namin dahil doon. Patawarin mo kami kung naging makasarili kami. Zelle, I’m so sorry.”
Pinahid niya ang mga luhang pumatak mula sa mga mata niya. Napakabilis ng tibok ng puso niya. Kinakabahan siya sa isasagot nito sa kanya.
“Suzy, sino iyong lalaking iyon?” tanong nito.
Bagamat hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito ay sumagot na lamang siya. “Si Adrian ba? Boss ko siya. Wala talaga kaming relasyon. Iyong nangyari sa New York ay pag-arte lang namin para mapaalis ka. Tinulungan niya lang ako. Magkaibigan lang kami. Isa pa ay mayroon siyang ibang babae sa puso niya at alam niya na ikaw lang ang lalaki para sa akin.”
Nakahinga ito ng maluwag. “I see.”
“Zelle, p-pinapatawad mo na ba ako?”
Sumimangot ito. “Ano ka? Hilo? Magdusa ka. Hindi gan’on kadaling patawarin ang ginawa mo. Alam mo kung gaano kasakit para sa akin iyong mga pinagsasabi mo? Halos mamatay ako. Naisip ko na nga rin magpakamatay. Pero nagbago ang isip ko kasi baka dumating ang araw na ito na magmamakaawa kang bumalik sa akin. Mukhang tama naman ang desisyon ko.”
Ngumiti ito. “Suzy, nauunawaan ko ang ginawa mo. Ikaw nga iyong tipo ng tao na handang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa taong mahal mo. Pero gan’on pa man, sumobra ka sa ginawa mong pagtataboy sa akin. Dinamnam ko talaga iyon kaya hindi kita mapapatawad kaagad.”
Napaiyak siya. “Naiintindihan ko. Hindi naman ako basta susuko kaagad. Inaasahan ko na rin naman na sasabihin mo iyan kaya inihanda ko na ang sarili ko para diyan. Hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para patawarin mo ako at tanggapin mo na ulit ako. Zelle, babalik talaga ako sa 'yo sa ayaw at sa gusto mo.”
Masuyong pinahid nito ang mga luha niya. “Alam ko ring sasabihin mo iyan. Salamat naman at hindi mo ako pinaghintay ng matagal. Alam kong babalik ka sa akin kaya hinintay kita. Kahit pa siguro fifty years old na ako at bumalik ka sa akin, tatanggapin pa rin kita. Mahal na mahal kita, Suzy. Mabuti naman at nakabalik ka na.”
Dinampian nito ng masuyong halik ang mga labi niya. Saglit lang iyon pero nagbigay iyon ng ibayong saya sa bawat himaymay ng kanyang katawan.
“Zelle, ang ibig bang sabihin nito...”
“Yes. You’re mine and I’m all yours. Pero hindi pa rin kita napapatawad, ha? Susuyuin mo pa ako. Nagtatampo pa rin ako sa iyo sa ginawa mo.”
Natawa siya. Sobrang saya niya dahil tinanggap na ulit siya nito. Sa kanya na ulit ito. “Para matigil ka na diyan sa pagtatampo mo, may aaminin ako sa 'yo.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Ano naman iyon?”
“Noong bumulagta ka sa kalsada, binalikan talaga kita n’on. Ang sabi ko, bahala na kahit mabuko mo ako, basta hindi ako papayag na may mangyaring masama sa iyo. Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan noong makita kitang nakahiga roon. Para akong binagsakan ng Mt. Everest sa sobrang kabang naramdaman ko. At may isa pa. Noong niyakap mo ako sa kwarto ko at sinabi ko sa iyo na mahal kita, hindi iyon panaginip. Totoo iyon. Kaya sa kabila ng mga pagpapanggap ko, hindi ko pa rin napigilang iparamdam sa 'yo na mahal talaga kita. Sa akala mo ba hindi ako nasaktan sa mga pinagsasabi ko? Masakit din iyon para sa akin, 'no!”
Pinitik nito ang noo niya.
“Aray! Bakit mo ginawa iyon?” angal niya sabay hawak sa noo niyang nasaktan.
“Iyan na ang bayad mo sa katangahang ginawa mo. Pinapatawad na kita,” anito. Hindi ito nakatingin sa kanya ng diretso pero kitang-kita niya ang pagpipigil nitong ngumiti.
Napangiti na siya. “Talaga?”
“Oo na.”
Lmuwang ang ngiti niya. “Kung gan’on ay pwede ko na pala itong gawin.” Dumukwang siya at dinampian ito ng halik sa noo. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at hinarap sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang labis na pagmamahal para sa kanya. “Na-miss ko ang gwapong mukhang ito. Akin ka lang, ha? Hindi na kita ipamimigay sa iba kahit na magmakaawa ka pa sa akin. Alam ko na ngayon na hindi ka talaga mabubuhay ng wala ako. You belong with me.”
He smirked. Then all of a sudden a diamond ring was slipped on her finger. “Here’s a proof that I am yours. Forever.”

Wakas

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How To Be Yours, ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon