Chapter 8

5.5K 91 2
                                    

Chapter Eight
One month later...
New York
NAGPAALAM na si Suzy sa mga kasamahan niya sa trabaho. Tapos na ang trabaho niya kaya uuwi na siya. Isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng magsimula siya ng bago niyang buhay dito sa New York. Hindi pa siya lubusang nakakapag-adjust. Madalas pa rin siyang ma-homesick kaya palagi niyang tinatawagan ang mga magulang niya at ang ate niya.
Isang buwan na ang nakakalipas noong maghiwalay sila ni Ranzelle. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng mga papeles niya para makaalis na ng bansa. Noong nagpasya siyang pagbigyan ang kahilingan ng ate niya ay tinawagan niya kaagad ang numero sa calling card na ibinigay sa kanya ni Mrs. Austin. Naisip niya kasi na mas magiging madali para sa kanya na gawin ang hiling ng ate niya kung lalayo siya. Isa pa, sigurado siyang mas masasaktan lang siya kung mananatili pa rin siya sa tabi ng mga ito pagkatapos ng lahat ng nangyari. Tiyak na mahihirapan lang siyang itago ang totoong damdamin niya para kay Ranzelle. Idagdag pang hindi niya makakayang makita ang ate niya na naghihirap kapag sumailalim na ito sa chemotherapy. Nakontento na siyang malaman ang kalagayan nito sa pamamagitan ng Skype. Sa ngayon ay nagsisimula pa lang ito kaya wala pang gaanong pinagbago ang hitsura nito. Gayunman ay alam niyang darating ang araw na unti-unti itong pahihirapan ng sakit nito. Gusto man niyang manatili sa tabi nito kapag dumating na ang araw na iyon ay hindi niya magawa. Natatakot siya na baka hindi niya mapanindigan ang pagpapaubaya niya kay Ranzelle. Ayaw niyang gawin iyon dito. Lalo na ngayon na kailangan nito si Ranzelle higit sa kanya.
Naglalakad na siya papunta sa sakayan ng bus noong may nakita siyang pamilyar na pigura. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makilala niya si Ranzelle. Nakasandal ito sa poste ng ilaw sa tabi ng kalsada at matamang nakatingin sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sinundan siya nito sa New York. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip niya na gagawin nito iyon kaya malakas ang loob niyang umalis. Ang buong akala niya ay hindi ito gagawa ng paraan para sundan siya. Ang akala niya ay magkakaroon na ng pagkakataon ang ate niya upang balikan ito. Ngunit nagkamali siya.
Noong hindi siya kumilos ay naglakad ito palapit sa kanya.
He smiled at her ever so tender. “Kumusta?”
“Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong niya. Pilit niyang itinago ang kasiyahang nadarama sa malamig na tono ng pananalita niya.
“Ang tagal nating hindi nagkita. Na-miss kita,” anito. Hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa mga labi nito. Dahil sa ngiti nitong iyon ay gusto niya itong yakapin at hagkan. Labis ang pagpipigil niya na gawin iyon.
Na-miss siya nito. Miss na miss niya na din ito. Araw-araw ay nami-miss niya ito. Ngunit hindi niya iyon maaring ipaalam dito. Kailangan niya itong itaboy pabalik sa ate niya.
“Hindi ba't nag-usap na tayo? Tapos na sa atin ang lahat kaya ano pa bang ginagawa mo dito?”
“Tinupad ko na ang wish mo. I did let you go. Pero wala ka naman sinabi kung hanggang kailan kita dapat na pakawalan. Hindi mo hiniling sa akin na habang-buhay kitang pakalawan. I did let you go for a month and I think that’s enough. It’s about time that I will get you back. Come back to me, Suzy.”
She snorted. “Zelle, pilosopo ka din pala, ano? Sa tingin mo tatanggapin ko ang gan’yang pangangatwiran mo. Marami pa akong gagawin. Umalis ka na.”
Akmang lalagpasan niya na ito noong hinawakan siya nito sa braso niya. Nilingon niya ito. “Bitiwan mo ako,” mariing utos niya.
Ngumiti ito. “Kumain muna tayo. May nakita akong japanese restaurant malapit dito. Gusto kong kumain muna ng sushi.”
Gamit ng isa niya pang kamay ay tinanggal niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. “Kumain ka na lang mag-isa. May gagawin pa ako.”
Naglakad na siya palayo dito noong marinig niya itong humiyaw sa sakit. Napalingon siya dito at nakita niya itong nakaluhod sa lupa habang hawak nito ang sikmura nito. Dagli siyang nakaramdam ng pag-aalala dito lalo na noong makita niya sa mukha nito ang labis na paghihirap. Nakahakbang na siya ng isa pabalik dito noong matigilan siya.
Hindi pwede. Masyado naman yatang kadudaduda na bigla na lang siyang namilipit sa sakit. Malamang na umaarte lang siya para huwag akong umalis. Style niya, bulok.
Tumalikod na ulit siya. Nakakailang hakbang pa lang siya noong may sumigaw.
“What the hell? Do you want to die?!”
Napalingon ulit siya sa gawi ni Ranzelle. Nanlaki ang mga mata niya noong makita itong nasa gitna na ng kalsada. Determinasyon ang makikita sa mukha nito. Hindi nito alintana ang paninigaw dito ng driver ng kotse na hinarang nito.
Nababaliw na ba ito? Magpapasagasa ito dahil lang hindi siya pumayag na kumain kasama nito? Gan’on na ba ito kadesperado? Kailan pa naging gan’on kakulit si Ranzelle? Kailanman ay hindi niya naisip na posibleng gawin nito ang mga gan’ong klase ng bagay.
“Suzy, hindi ako aalis dito sa gitna ng kalsada hanggang hindi ka pumapayag sa gusto ko!” sigaw nito. Sadyang pinalakas nito ang tinig upang hindi ito masapawan ng driver na nagsisigaw at patuloy itong pinapaalis sa daan.
“You crazy son of a bitch! Get out of the way or I will run over you with my car!”
Pinagmasdan niya itong maigi. Seryosong-seryoso ang hitsura nito. Halatang gagawin talaga nito ang sinabi nito.
Pero hindi pwede. I can’t waver because of this. I can’t run back to him.
Pinigilan niya ang damdamin niya na pilit na nag-uutos sa kanya na hilahin ito paalis sa kalsada at saka yakapin ng mahigpit hanggang sa maubos ang lakas niya. Pinigil niya ang sarili niya na sigawan ito at sermonan sa kagaguhang ginagawa nito ngayon. Inawat niya ang sarili niya na ipakita ang matinding pag-alala niya para dito. Itinago niya sa kaloob-looban ng puso niya ang hangarin niya na makasama ito.
“Gawin mo kung ano’ng gusto mo. Huwag kang umalis diyan kung iyan ang makapagpapasaya sa 'yo,” malamig na sabi niya. Mabibigat ang mga hakbang niya noong magsimula na siyang maglakad palayo dito. Bawat hakbang ay para siyang pinopokpok ng higanteng martilyo pabaon sa lupa. Sobrang bigat ng pakiramdam niya. Hirap na hirap siyang umalis sa lugar na iyon.
PINIGILAN ni Ranzelle ang mapaluha habang pinagmamasdan ang papalayong likod ni Suzy hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin.
Nagsisimula pa lang naman siya. Nagmamatigas lang ito at pilit siyang tinitiis. Kapag ipinagpatuloy niya ang pangungulit dito, hindi magtatagal at babalik na din ito sa kanya. Hindi siya makakapayag na tuluyan itong mawala sa kanya. They are meant to be. She’s the one for her. She’s the one that he’s willing to take a risk with in everything, even if his own life is at stake. She’s the girl that he will give his best. She is his princess, his soul mate, his sweetheart, his other half and his one true love. She’s the girl that he wanted to get back no matter what.
Tumigil na sa pagtatalak iyong driver ng kotse na hinarang niya. Bumaba na ito ng sasakyan nito at saka siya pinatikim ng isang malakas na suntok sa mukha. Bumagsak siya sa lupa. Kasabay niyon ay hinila na siya ng kawalan.
Boksingero pa yata ang kulugo.
NAPAILING na lang si Suzy habang pinagmamasdan ang natutulog na si Ranzelle sa kama niya. Hindi niya rin ito natiis kaya binalikan niya ito. Pagbalik niya ay nakabulagta na ito sa lupa. Dali-dali niya itong dinaluhan. Ayon sa mga nakasaksi ay sinuntok daw ito ng driver ng kotseng hinarang nito at nawalan ng malay. Nagpatulong siya sa mga tao na isakay ito sa taxicab at nagpahatid siya sa apartment niya. Doon ay pilit niya itong inakay papunta sa kwarto niya at saka inihiga sa kama niya. Mukhang nahilo talaga ito sa suntok na tumama dito. Hindi na nakapagtataka iyon. Ito kasi ang tipo ng tao na mahina ang resistensya pagdating sa pisikal na aspeto. Bagamat kakikitaan ito ng muscles sa katawan dahil sa regular nitong pagpupunta sa gym, wala pa rin itong kakayahang tumagal sa isang labanan.
She sighed. “Sira ka talaga,” anas niya saka napangiti. Hindi niya iyon pinansin kanina pero kinikilig siya sa mga kalokohang pinaggagawa nito. Hindi niya hinayaan ang sarili niya na matuwa dahil ayaw niyang kakitaan siya nito ng pagmamahal para dito. Pero tulog naman ito ngayon kaya hindi nito makikita ang kasiyahang bumabalot sa kanya ngayong kasama niya ito.
Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang namumulang pisngi nito na tinamaan ng suntok. Siguro ay dapat niyang lagyan ng yelo ang pasa nito sa mukha para hindi iyon mamaga. Tatayo na siya noong hawakan nito ang kamay niya na nakahawak sa pisngi nito. Maya-maya pa ay unti-unti nitong iminulat ang mga mata nito.
Nabigla siya noong makita niya ang labis na kasiyahan sa mga mata nito noong makita siya. “Ikaw pala. Nanaginip ba ako? Ang ganda namang panaginip nito,” anito.
Bumangon ito pagkatapos ay ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Hindi siya kaagad nakakilos dahil hindi niya inaasahan iyon.
“Sana hindi ka lang panaginip. Sana nandito ka talaga at kasama ko. Sana totoong yakap-yakap kita ngayon. Sana mahal mo pa rin ako. Sana itigil mo na ang pagtataboy sa akin. Sana bumalik ka na... Bumalik ka na sa akin, Suzy.”
Naramdaman niya ang pamamasa ng balikat niya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Umiiyak ito katulad niya. She missed him. She missed him so so much. Gumanti siya ng yakap dito. And she remembered everything they did together. Naalala niya iyong kulitan nila noong college, iyong unang pag-aaway nila dahil hindi sila magkasundo sa visual aids na gagamitin ng grupo nila, iyong panunuyo nito sa kanya kapag nagtatampo siya, iyong pagbibigay nito sa kanya ng bulaklak kapag Valentine’s day kahit na allergic ito sa bulaklak, iyong mga oras na nagbabaon sila ng mga pagkaing niluto nila at saka sila nagpapalit ng baon para makain niya ang luto nito at ito ay iyong sa kanya, iyong oras na tinanggap nito ang pagmamahal niya para dito, iyong panahon na tatawag ito ng ng alas-dose ng hating-gabi para sabihing, “Thanks for yesterday. Today we’re going to make it happier than yesterday.” Iyong araw na sinabi nitong mahal siya nito. Iyong mga araw na masaya silang dalawa habang nag-uusap ng mga walang kwentang bagay at kumakain ng kung ano-ano. Iyong mga araw na nagagalit ito sa kanya at mag-aaway sila pero ito pa din ang unang makikipagbati sa kanya. Iyong araw na kunwa ay napilitan lang itong ibili siya ng regalo sa birthday niya pero halatang pinaghandaan dahil customized palagi at one of a kind. Iyong araw na bigla na lang siya nitong yayakapin mula sa likuran niya at sasabihing mahal siya nito. At iyong araw na sinabi nitong ibibili siya nito ng singsing. She loves this guy so much. Yet right now, he does not belong to her.
Yumakap siya ng mahigpit dito. “I love you, Zelle.”

How To Be Yours, ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon