⚠️ Names and events are fictitious ⚠️
****
Michaela SandovalHi, My name is Michaela Sandoval, 15 years old. Nag Mula Ako sa Mindanao sa bukidnon.
Simula noong Bata Ako ay Lola Kona Ang Kasama ko. Iniwan na Kasi Ako ni mama Kay Lola dahil may Bago na itong pamilya simula nung namatay si papa. Dahil Wala Namang ni Isang kamag-anak Namin Ang gustong umampon sa akin Si Lola nalang Ang kumuha at kumupkop sa akin.
Sobrang laki Ng pasasalamat ko Kay Lola dahil sa kaniya ay masigla at Buhay Ako. Kung Hindi Niya Ako inampon baka sakaling iniwan nalang Ako Ng mama ko sa kalye.
Kasalukuyan akong nag lalakad Ngayon papauwi dahil kakagaling ko lang sa eskwelahan. Wala Naman Kasing masyadong nag dadaang tricycle sa Lugar Nato kaya nag lalakad lang Ako. Isa pa para Maka tipid na din Ako sa pera.
Habang nag lalakad ay pakanta-kanta lang Ako dahil nag-iisip Ako kung ano kayang ulam Ang niluto ni lola. Madalas Kasi Siya Ang nag luluto dahil nga madalas ay nasa school Ako at mag hapon Ang pasok.
Lumiko Ako sa Kanto Saka dumaan sa makipot na daanan upang maraming Ang aming Lugar. Medyo maliit lang ito at kakaunti Ang naka Tira. Medyo hiwalay-hiwalay din Ang Bahay dito at walang masyadong tao sa labas kaya sobrang tahimik.
Habang nasa kalagitnaan Ng aking paglakakad ay sandali akong napahinto nang may biglang Maka kuha sa aking atensyon. Isang babae na naka Tayo sa ilalim Ng Puno. Naka suot ito Ng bestidang kulay asul. Naka yapak lang ito at may maikling buhok na aabot Hanggang balikat.
Sandali ko siyang pinagmasdan dahil nag tataka lang Ako Kasi naka tingala lang Siya sa Puno at Hindi gumagalaw. Ilang minuto kopa siyang pinanood pero Hindi parin Siya kumikilos. Medyo na-curious tuloy Ako sa tinitigan Niya. Pero sa huli ay kinibit balikat ko nalang ito at muling nag patuloy sa aking paglalakad dahil nag sisimula na ding mag dilim.
Pagkarating ko sa Bahay ay naabutan ko Si Lola na naka upo na sa hapagkainan at nag hihintay sa akin. Agad Kong binaba Ang aking bag Saka naupo narin sa katapat niyang upuan.
Nag Mano din Ako Kay Lola sandali Saka muling naupo. "Magandag hapon po Lola." Pag bati ko Kay Lola ngunit naka kunot lamang Ang kaniyang noo sa akin kaya't nag taka Naman Ako.
"Bakit po? May problema pu'ba?" Magalang kong Tanong Kay Lola.
"Ganitong Oras ba lagi Ang uwi mo ija?" Tanong nito sa akin. Sandali Naman akong Hindi naka sagot pero agad din Akong ngumiti Saka sumagot.
"Sa Totoo lang po ay tuwing alas kwatro po Ang aking uwi. Kaso ay inaabot po Ako Ng alas singco Minsan dahil Minsan lang po may mag daang tricycle." Pag paliwanag ko Kay Lola at nag simula Ng Kumain.
"Nako ija. Mag-iingat Ka sa pag-uwi. Alam mo Namang nasa kinse Ka palang. Hindi dapat nag papagabi Ang mga batang tulad mo. Masyadong delikado." Ani Lola Saka nag simula na ring Kumain.
"Alam Moba na usap-usapan Ngayon dito sa Lugar natin Ang mga aswang. Kaya dapat ay maaga palang ay umuwi kana." May halong pag-aalalang Sabi ni lola. "Alam mo Namang ikaw nalang Ang Kasama ko dito. At nag iisa nalang kitang apo na Kilala ko, kaya sana Naman apo ay mag-iingat Ka." Dagdag pa ni lola.
Sandali Akong huminto sa pagkain Saka ko hinawakan Ang kamay ni lola at ngumiti. "Huwag po kayong mag-alala Lola. Palagi po Akong mag-iingat para sa Inyo." Paninigurado ko Saka muling bumalik sa pagkain.
Matapos naming Kumain ay Ako na Ang nag hugas Ng aming pinagkainan Bago ko sinarado Ang mga pinto at bintana dito sa munting Bahay Kubo Namin.
Nang maayos Kona Ang aming munting Sala ay nag punta na Ako sa aking kwarto. Hindi Naman ito kalakihan at Hindi Rin Naman masikip. Kumbaga sakto lang para sa akin. Ibinaba Kona Ang bag ko Saka Ako nag palit Ng aking damit. Bahagya ko ding binuksan Ang bintana sandali habang naka upo sa papag kung saan Ako natutulog.
YOU ARE READING
100 Days of Horror
HorrorSa mundong ibabaw kung saan naninirahan Ang mga nilalang na tinatawag na tao, sa Mundo kung saan punong-puno Ng mga misteryo. Mundo na Puno na sekreto at kababalaghan. Mundo kung saan Hindi natin alam kung tayong mga nilalang na tao lamang ba Ang na...