⚠️ Names and events are fictitious ⚠️
****
Evelyn Mangahas
Hi Ako so Evelyn Mangahas, 31 years old at nag ta-trabaho Ako bilang Isang teacher. Sa Totoo lang ay kakalipat ko lang dito sa Laguna. Pero mabuti nalang at agad na may tumanggap sa akin.
Kasalukuyan akong bumababa sa aking kotse bitbit Ang aking mga kagamitan. Pag baba ko ay tiningala ko Muna Ang eskwelahan kung saan Ako mag tuturo. Malaki ito at may tatlong building na mag kakatabi. Limang palapag bawat Isa. May Malaki ding field sa likod Ng mga building at naka hiwalay din Ang cafeteria sa building nandoon ito sa kanang bahagi Ng parking lot. Hindi Naman ito malayo sa classroom buildings kaya ayos lang. Malaki din Ang cafeteria dahil dalawang palapag ito.
Nag patuloy na Ako sa pag lalakad matapos Kong Makita Ang kabuuang laki Ng school. Isang linggo na din akong nag ta-trabaho dito at masasabi ko lang na Isa sa section na tinuturuan ko ay tila may mga sakit sa pag-iisip.
Nang makarating na Ako sa faculty office ay agad akong nag punta sa aking table at inilapag Ang aking mga kagamitan.
"Good morning ma'am Evelyn." Bati sa akin Ng mga kapwa ko guro. Agad Naman akong bumati sa kanila pabalik.
"Balita ko ay nag tuturo ka daw sa Class 7B? Totoo ba?" Curious na tanong sa akin Ng Isa sa mga ka co-teachers ko na babae. Kumunot Ang aking noo dahil nung tinanong Niya Ako ay tila Nakita ko Ang bahagyang takot sa kaniyang mga mata ngunit agad din itong nawala.
"Ah, oo. Bakit?" Tanong ko nalang habang inaayos ko Ang aking mga gamit sa lamesa. "Hindi mo ba alam–" Hindi pa nga Siya tapos sa kaniyang sasabihin ay agad na siyang pinutol ni sir George.
"Tama na 'yan Ma'am Amelia." Singit ni Sir George, Isa sa mga teacher na nag tuturo din dito sa paaralang ito. Hindi nakatakas sa aking mga mata Ang nakamamatay na tingin na binato nito Kay ma'am Amelia Bago Niya Ako binalingan. "Huwag kang mag-alala. Nag bibiro lang si ma'am Amelia. Basta ay mag-iingat ka nalang sa iyong mga klase." Anito Bago umalis sa faculty habang si Ma'am Amelia Naman ay nanahimik na at tila natatakot at nababalisa.
Ikinibit balikat ko nalang ang nangyari saka ko kinuha ang mga libro na gagamitin ko sa pagtuturo bago ako lumabas ng faculty. Ngunit bago ako tuluyang makalabas ay nahagip pa ng mga mata ko ang nag-aalalang mga mata ni ma'am Amelia.
Isinawalang bahala ko nalang ito ay nag patuloy sa aking pag lalakad. Ngayong araw ay sa Class 7B ang una kong klase. Iba-iba kasi ang schedule na mayroon kami. Kung ngayong araw ang unang klase na tuturuan ko ay Class 7B, bukas naman ay ang una kong tuturuan ay ang Class 4E.
Sa totoo lang medyo nalilito ako saka naninibago sa paraan ng pamamalakad nila sa paaralang ito. Hindi naman sila gaanong kahigpit, at hindi din naman sila gaanong maluwag. Pero basta, may kakaiba talaga.
Matapos ang ilang sandali ay narating kona din sawakas ang unang klase na aking tuturuan. Agad kong pinihit ang doorknob at saka pumasok sa loob.
Nadatnan ko ang buong klase na tahimik at maayos na mga nakaupo. Himala at tahimik sila ngayon? Nasabi ko nalang sa aking sarili bago ako dumiretso sa teachers table. Saktong pag baba ko ng mga gamit ko sa teachers table ay ang pag tunog ng aking cellphone, —si ma'am Amelia, nag chat sa akin sunod-sunod.
Amelia:
Mag-iingat ka d'yan ma'am Evelyn.Amelia:
Kapag sinumpong sila ngayong araw umalis kana agad d'yan. Masyadong delikado, madami pa akong hindi na sasabi sa'yo..Amelia:
...Basa ko sa messages ni ma'am Amelia. Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin?
Sunod-sunod nanaman ang mga tanong na pumapasok sa aking isipan. Napansin ko na nag ta-type pa si ma'am Amelia dahil may tatlong tuldok pa na tumatalon-talon, ngunit hindi kona ito hinintay pa dahil nasasayang ang oras kaya naman ay agad kong pinatay ang aking cellphone at saka ako kumuha ng chalk upang mag simula ng mag turo.
Hinarap ko ang mga estudyante ko ngunit agad din akonh napa kunot nang aking noo dahil nabawasan sila. Sa pag kakaalam ko kanina ay kumpleto sila dahil ni-isang bakanteng upuan ay wala.
"Nasaan na 'yung iba ninyong mga kakase?" Tanong ko sa kanila ngunit nanatili lamang silang naka titig sa akin.
"Class, tinatanong ko kayo–" agad naputol ang aking sasabihin ng may maramdaman akong kung ano mula sa aking itaas. Agad ko naman itong tiningala at doon bumungad sa akin ang isang estudyante na naka tapak sa cabinet na nag lalaman ng mga libro.
"Anong ginagawa mo d'yan? Baba, mag sisimula na ang klase." Utos ko dito ngunit binigyan lamang niya ako ng isang ngiti na may malalim na kahulugan. Ilang sandali pa aming nag titigan hanggang sa pinitik nito ang kaniyang mga daliri kasabay nito ang pag dating at pag tayo ng iba niyang mga kaklase.
"Ano bang ginagawa ninyo? Maupo–" nahigit ang aking paghinga ng biglang hawakan ng isang estudyante ang aking panga.
Agad akong nag pumiglas at pilit silang itinutulak ngunit pinipigilan nila ako. Nakaramdam nadin ako ng mabilis na kabog sa akung dibdib.
Anong gagawin nila sa akin?
Muli akong nag pumiglas ngunit ramdam ko ang kanilang mga kamay na pilit akong pinipigilan. Hanggang sa may maramdaman akong bagay na dumampi sa aking labi.
Malakas akong napa balahaw ng iyak ng maramdaman ko ang pag hiwa nito sa aking pisngi. Mag mula sa aking mga labi hanggang sa saking pisngi. Muli akong nag pupumiglas ngunit kasabay nito ang pag hampas ng isang matigas na bagay mula sa aking likod na siyang dahilan ng aking pag bagsak.
Sa aking pag bagsak ay sunod-sunod ang kanilang mga naging pag atake.
"AHHH!" Malakas kong hiyaw habang nag pupumiglas ngunit agad na nahigit ang aking hininga ng makaramdam ako ng mainit na likido na siyang dumadaloy sa aking lalamunan.
Nanlalabo na din ang aking paningin. Ngunit bago pa tuluyang pumilit ang aking mga mata ay nakita ko pa ang pag ilaw ng aking cellphone.
M-ma'am Amelia...
Message 1
Amelia:
Delikado ka d'yan, h'wag kana kayang pumasok? Pag kasi sinumpong sila naakagawa sila ng mga bagay na siyang tiyak na papatay sa'yo. Nagging biktima na din 'yung dating nag tuturo d'yan. Namatay dahil sa mga baliw na estudyante na 'yan.Message 2
Amelia:
Ma'am Evelyn! Mag seen ka naman! Nag sasabi ako ng totoo!....
Third person's POV
Isang guro ang walang buhay na naka lumpasay sa sahig habang ang mga estudyante ay tila siyang-siya pa sa sinapit ng kanilang guro.
Malalakas na tawanan, mga hiyawan na tila ba tuwang tuwa pa sila. Hinihila nila ang bawat balat at piraso ng laman ng kanilang naturang guro.
Hanggang sa isang estudyante ang lumapit pa sa kanila na mag hawaw na kutsilyo. Pumagitna ito kasabay nang pag hiwa nito sa tiyan ng kanilang guro. Malakas namang nag hiyawan ang mga estudyante kasabay ng pag labas ng kanilang mga lunch box.
Mga braso, paa, binti, laman loob. Lahat ng ito ay pinag pipiraso nila kasabay nito ang pag salit sa kanilang mga lunch box.
Ang lahat ng mga estudyante ay nag sasaya habang tila kinakatay ang kanilang guro na parang isang uri lamang ng hayop.
Ngunit...
Sa isang tabi, mayroong isang estudyante na walang buhay ang mga matang pinapanood lamang sila.
....
A/N:Sorry guys sabaw ang update ngayon huhuhu. Tagal na pala nung last update ko. Masyado kasi busy ngayon eh.
Pasensya napo sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo ako.
Enjoy!
YOU ARE READING
100 Days of Horror
HorrorSa mundong ibabaw kung saan naninirahan Ang mga nilalang na tinatawag na tao, sa Mundo kung saan punong-puno Ng mga misteryo. Mundo na Puno na sekreto at kababalaghan. Mundo kung saan Hindi natin alam kung tayong mga nilalang na tao lamang ba Ang na...