STARTING...
"Hep! Quiet, everyone! We have a new student!" sigaw ng isang guro dala ang isang patpat, at yakap naman sa kabilang braso ang module na gagamitin niya para sa pagtuturo mamaya. Kasabay niyang pumasok sa silid-aralan ang isang babae na may mahabang buhok, straight iyon at may pagkakulay brown. Mas lalo pang napapansin ang kulay nito kapag nasisinagan ng araw.
Tumigil ang guro nang makapantay na niya ang teacher's table, at kasabay naman no'n ay ang pagbalik ng mga estudyante sa kani-kanilang upuan. Umayos man sila ng upo, hindi pa rin nawala ang bulong-bulungan sa paligid, pero may iilan din na tahimik at nakatingin sa bagong mukha.
Ginala ng transfer student ang tingin sa paligid, tila ine-examine ang mga tao sa loob ng classroom. Marami ang nakasalamin at halatang matatalino. May mga masasama ang titig sa kaniya, habang ang iba naman ay normal lang kung makatingin. Mayro'n din na halatang magkarelasyon base sa galaw na pinakikita nila.
"Is she new?" bulong ng short hair na babae sa katabi niya.
"Hindi mo ba narinig 'yong sinabi ni Ma'am kanina, bingi ka ba?" pagtataray ng isa.
"Tatanong lang, e!" ngumuso ang short hair. "Pero in fairness maganda siya, mukhang may bago na namang tatargetin si Sera."
Mahinang hinampas ng isa ang braso ng babae. "Gaga, h'wag kang maingay baka marinig niya."
"Lilith and Trina, are you done talking? May I proceed now?" sarkastikong tanong ng guro. Nang hindi sumagot ang dalawa ay muli siyang nagsalita. "This is your new classmate..." lumingon siya sa bagong salta at sinabing, "Introduce yourself."
Tumango muna ang babae bago magsalita. "Hello, everyone. I'm Whisper Suarez, 17 years old. I came from Fineesh High."
Lilith, the short-haired girl, leaned closer to Trina to whisper. "Fineesh High, alam mo 'yon?"
Trina rolled her eyes and stared at her new polished nails. "Mukha bang alam ko? Maybe it's just one of those average schools."
Lilith shrugged, naisip na baka nga tama si Trina. Baka nga isa lang sa mga average school ang dating eskwelahan na pinasukan ni Whisper, kaya hindi nila ito alam.
Matapos magpakilala ni Whisper, pinaupo na siya ng guro sa bakanteng upuan. Sa pag-upo niya ring 'yon ay nagsimula nang magturo ang guro. Noong una, nakikinig pa siya sa lesson pero nang magtagal, minabuti na lang niya na tumingin sa tabing bintana dahil wala siyang maintindihan sa tinuturo ng kanilang guro. Pahapyaw siyang lumilingon sa unahan para hindi mahalata na hindi siya nakikinig, at gano'n lang ang ginawa niya hanggang sa matapos na ang oras.
Paglabas na paglabas ng guro, umingay muli ang silid. Sa pagkakaalam ni Whisper, ang section na napuntahan niya ay ang nangunguna sa lahat ang Section Diamond, kaya expected niya na ang mga magiging kaklase niya ay mga tahimik at hindi makabasag pinggan, pero mukhang nagkamali siya. Nasira na lahat ng expections niya noong unang tapak pa lang niya sa classroom na 'yon. Sa ingay ba naman ng mga estudyanteng na ro'n, hindi halata na mga taga first section sila.
"Wow!"
Napaigtad si Whisper sa kaniyang upuan nang biglang may humawak sa buhok niya. Nang lingunin niya ang taong 'yon ay nagbigay lamang siya ng ngiti.
"Your name's Whisper, right?" tanong ng babae.
Tumango naman si Whisper. "Uh-hmm."
"Ang cute, ang unique ng name mo!" masiglang puri ng babae saka tumingin sa buhok ni Whisper. "Ang ganda rin ng hair mo... color brown. Did you dye your hair?"
Nakangiting umiling si Whisper. "Hindi, natural 'yan."
"Ah, really?" tumabang ang boses ng babae. "Mabuti naman, bawal kasi ang may kulay ang buhok here. Hmm... your hair's long and shiny, are you planning to cut it?"
![](https://img.wattpad.com/cover/372616426-288-k411034.jpg)
BINABASA MO ANG
Child's Play
Misterio / SuspensoIn Brookfield High, two sections are forced to play childhood games that now mean life or death. Every loss brings them closer to danger, forcing them to form alliances and face deadly challenges to survive.