1st GAME
XYZ News
2 days • 🌏Breaking News: 80 students from Brookfield High have mysteriously gone missing. Last seen on July 7, 2024, none of the students were seen leaving the premises, and all CCTV footage was corrupted. Authorities are urgently investigating this alarming disappearance.
Below are the names of the missing students: As... See more
😢 400.5K 50K comments 250k shares
Like | Comment | Share
View more comments
Sussy Mariosep
Hay naku.....buT n lnG d q jan pinag aral ank qu!!Angta Ngamoo
Akala ko pnman mganda jan d pla naku naku tsk tskMaru Miako
Hala! @nevele @rinibond @kingkong see niyo to, kasama yung crushies natin na tiga section diamond at emerald. Waaah!!Write a comment...
﹌﹌﹌﹌﹌
00:00:00
CRINGGG!!
"KYAAAAH!!"
"WHAT THE FUCK?!"
"I don't want to die!"
Samu't-saring sigaw ang narinig sa buong silid nang biglang may mag ring na bell. Naubos na ang oras, lahat ng na sa silid ay takot at nag-aabang ng susunod pang mangyayari. Ang mga magkakaibigan ay nagkapit-bisig, habang ang iba naman ay magkakatabi sa sulok.
﹌﹌﹌﹌﹌
🔴 LIVE
Vind Me • Subscribe 8.5k 👁️
Umai Saui
La diba si Paulo yun ng sec diamond? Akala ko ba nawawala siya?Tyuipi Cca
Di ba sila yung nabalita sa TV? Buhay naman pala sila e666_demon
Is dis 4 real? Is dis a prank?Yumi Ckot
Parang familiar ang mukha ng ibaGood Dees
HSHSHSHSHS LTAdd a comment Like Share
﹌﹌﹌﹌﹌
"A-Ano na?" tanong ng isang taga Emerald, ang ngalan niya ay Jen. Nanginginig ang kaniyang mga labi sa takot habang nakakapit sa braso ng kaibigan niyang si Jerome.
Napatakip ng taenga ang lahat nang maglikha ng masakit na tunog ang speakers na nasa magkabilaang side ng silid.
"The hell, what's that?"
Walang sumagot sa nagsalita, lahat ay tahimik at tila nakikiramdam. Inihahanda nila ang kanilang mga sarili sa posibleng mangyari.
"Attention, students of Brookfield High. You will participate in a series of childhood games, with a grand prize of $200,000 awaiting the winning individual. Prepare yourselves and follow the instructions carefully. The games will commence shortly."
Pagtapos no'n ay namatay na ulit ang speaker. Napuno naman ng bulungan ang paligid.
"$200,000? Totoo ba?"
"Gano'ng kalaking pera para lang sa paglalaro?"
"Magkano na 'yon sa 'tin?"
"That's 11 million something," wala sa wisyong sagot ni Carlo mula sa Section Diamond.

BINABASA MO ANG
Child's Play
Mystère / ThrillerIn Brookfield High, two sections are forced to play childhood games that now mean life or death. Every loss brings them closer to danger, forcing them to form alliances and face deadly challenges to survive.