Child's Play 3

5 3 6
                                    

HIDE AND SEEK

XYZ News
Just now • 🌏

Breaking News: Authorities are alarmed as the 80 missing Brookfield High students have been spotted in a live stream, showing them playing childhood games. The origin of the broadcast is under investigation, and efforts to locate and rescue the students are underway.

😢😮 1.5K               30 comments   70 shares

Like            |         Comment           |         Share

View more comments

Maru Poka
Nabubuhay ba ako sa mundo ng fiction? Because this is super duper ultra mega unbelievable!

Hella Booba
Anung ginagawa ng presidente natin?!? juskopo!

Maria Baho
Gusto ko sumali doon. Sana ako na lang e.

Write a comment...

﹌﹌﹌﹌﹌

Kumawala si Primo sa kamay ni Whisper, nang makalayo na sila sa entrance. Saglit lang siyang nilingon ni Whisper pagtapos ay luminga-linga na 'to sa paligid.

"Why did you pull me? We're not even close," tanong ni Primo, sumunod sa likod ni Whisper nang maglakad ito.

Lumingon si Whisper sa kaniya. "Then why are you following me now? You already let go of my hand; you're free to go anywhere you please," aniya at tumalikod na ulit.

"You were the one who took the initiative. Panindigan mo," katuwiran ni Primo.

Napailing na lang si Whisper at hindi na sumagot pa. Sa isip niya, baka iniisip ni Primo na may gusto siya sa kaniya, pero ang totoo, balak niya lang itong isama dahil may masama siyang kutob sa laro. Hindi niya maipaliwanag, pero may kung ano talaga sa kaniyang isip na nagtutulak na may mangyayari  na hindi maganda.

Nang tumigil siya sa paglalakad ay napatigil din si Primo. Nagtaka naman si Primo sa kaniyang biglaang paghinto.

"Where are the rooms? Mga hedges lang ang narito," bulalas ni Whisper.

Pumantay si Primo sa kaniya. "Are you a seeker? Kaya mo ba ako hinila para may mahuli ka?" he asked suspiciously.

Tumaas naman ang isang kilay ni Whisper. "Siya na nga 'tong hinila para matiyak na walang masama na mangyari sa kaniya, siya pa 'tong may ganang maghinala," maktol ni Whisper sa kaniyang isip.

"Eh, ikaw? Bakit bigla mong gusto umayaw sa laro, dahil ba seeker ka at hindi mo sure kung ano ang mangyayari kapag may nahanap ka na mga kaklase mo?" paghahamon niya kay Primo, walang balak magpatalo.

Primo seemed caught off guard, causing Whisper's eyes to narrow. He took a few seconds to compose himself, then cleared his throat. "Wala lang akong gana," he replied.

Whisper shrugged, ignoring what he said. "Did they give you something?" she asked.

Kumunot ang noo ni Primo. "Nino?"

She folded her arms across her chest, shaking her head. "Okay, paninindigan mo 'yan? I'm trying to help you, you see."

Hindi sumagot si Primo, napailing na lang siya at nilagpasan si Whisper. Sa isip niya, bakit niya pagkakatiwalaan ang taong hindi naman niya gano'n kakilala? Isa pa, bago lang siya sa section nila at tanging ang pangalan lang nito ang alam niya.

Hindi na sinundan pa ni Whisper si Primo, dahil mas importante para sa kaniya ngayon ang paghahanap ng pagtataguan. Patuloy lamang siya sa paglakbay sa maze hanggang sa tumunog ang speaker, nag-announce na mayro'n na lamang isang minuto para magtago.

Child's PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon