Kumaripas kami ng takbo papuntang field. Grabe ang laks ng ulan! Wala akong choice na sumama kay Jacob. Ayoko naman mag hintay ng ilang oras dito noh! Tumakbo kami ng tumakbo. Grabe! Ang layo pa naman ng field dito.
"Athena! Faster!" Jacob shouted
Malapit na kami sa kotse nya. Napahinto ako bigla nung makita kong puro putik sa field.
"Jacob!" Sigaw ko "dito na lang ako maghihintay sayo! Sobrang putik dyaan!"
Lumapit si Jacob sakin. "Hindi pwede Athena. Magagalit yung guard. Dito na tayo sa likod dadaan"
Do I have a choice? My ghaaaaad!
Tumakbo ako para sundan si Jacob. Nang biglang akong nakaapak ng napaka basang putik at sa dahilang naiwan yung isa kong sapatos sa putikan.
"Jacob! Yung sapatos ko!" I shouted
Nakita kong kumaripas ng takbo si Jacob pabalik sa kinatatayuan ko. Nung nakalapit sya, bigla nya akong tinawanan.
"Hahahahah! Bat kasi doll shoes yang sapatos mo?! Hahahaha" sabi nya
Sa sobrang inis, tinulak ko sya ng malakas, pero hinawakan nya yung kamay ko. Pareho kaming dalawa na natumba.
"Aaaah" "Oy oy oy oy!" sigaw namin ng sabay
Nung matumba kami, pareho kaming natawa. Hahaha! Para kaming mga biik na naglalaro sa putikan.
"Athena, tumayo ka na. Baka magkasakit ka." He said
"I can't. Ayoko humawak sa putik" maarteng pagkasabi ko
"Ok sige kung gusto mong ganto lang tayo hanggat sa tumila yung ulan at matuyo yong putik dito"
Tinignan ko sya ng masama. Susuntukin ko na sana sya ng biglang kumulog ng malakas.
"Aaaaaah" sigaw ko. Hindi ko man sadyang yakapin sya pero nagawa ko
"Takot ka ba sa kulog?" Natatawang sabi nya
"Wag moko pagtawanan! Itayo mo na ako dito!" Pagmamakaawa ko
"Hindi tayo makakatayo, hanggat hindi ikaw ang unang tatayo." Sagot nya
Basang basa na kaming dalawa sa ulan. Sobrang putik na ng mga uniform at bags namin. Buti na lang yung phone ko, naiwan ko sa bahay.
Sinubukan kong tumayo. Pero nandidiri talaga ako sa putik. Hindi ako maarte ha? Eh ikaw kaya? Hahawakan mo ba yung putik na may kasamang tae ng mga sheeps?! Uggggh! Kaya ang ginawa ko, sa dibdib ni Jacob ako kumuha ng pwersa para makatayo. Pero sa kasamaang palad, nasaktan sya. Tumagilid sya at nabalik sa posisyon ko yung katawan ko na nakadikit sa katawan nya. Pero, di ko inaasahan na mag aabot yung mga labi naming dalawa. Ilang mins ko din syang tinitigan. Ganun din sya.
"I-im s-sorry Athena" Utal utal na sabi nya
"Hi-hindi m-mo ka-kasalanan"
Tumayo ako, kahit na diring diri ako sa mga putik na dumidikit sa katawan ko. Tumayo na din si Jacob at kinuha ang sapatos ko. Sinuot nya ito sa paa ko kahit na basang basa kami.
MAglalakad na sana ako ng bigla syang tumalikod sa harap ko at inutusan ako umakay sa likod nya.
"Halika na Athena" sabi nya
"Hindi na. Maglalakad na lang ako" nahihiyang sabi ko
"Dito na. Namumula ka na oh"

BINABASA MO ANG
My Boyfriend Cheated On Me With My Best Friend
FanfictionHanda ka bang mag-patawad sa dalawang taong naging bahagi na din ng buhay mo? Para sa ikakabuti ng lahat?