Danica POV
II.
Maganda na ang sikat ng araw ngayon sana magtuloy-tuloy hanggang mamaya. Binuksan ko ang bintana at wala na ang kotse ni papa. Dali dali akong bumaba. Nakakainis hindi man lang niya ako ginising para magpaalam?
"Lei, kakaalis lang ng papa mo. Bilin niya magpakabait ka daw. Tara at kumain na tayo."
Tsk. Ano ako bata? Umupo ako at nakisalo sa kanila. Gosh this is the worst scenes.
"Na-enrolled na nga pala kita sa pinakamalapit na school dito. Pwede ka ng pumasok mamaya."
"Thanks F- , Ma."
Muntik na ako madulas dun.
"Ma, hindi ba kami sabay ni ate lei papasok sa school?"
"Hindi. Magkaiba kayo ng schedule at school. Bilisan mo na baka ma-late ka pa."
"Lei, kaya mo na ba ang sarili mo? Ihahatid ko na si Cathy sa school niya at papasok ako sa trabaho. Eto ang address ng school mo at yung susi ng kotse nasa ibabaw ng ref. Eto rin ang number ko para ma-contact mo ako in case of emergency."
Papaalis na sana sila ng lumingon ulit siya.
"Yung pinto at bintana wag mong kalilimutan isara. Kung mauna ka man umuwi nandiyan sa ibabaw ng ref yung duplicate key."
"Bye Ate Lei."
Ngumiti lang ako sa kanya. Sumilip ako sa bintana at pinagmasdan ang pagsakay nila sa kotse. Katabi nun ay isang kotse pa. Ngayon ko lang nakita ang kotseng iyon. Kulay gray siya, hindi siya mukhang bago. Binili siguro ni Flora para sa akin. Umandar na ang kotseng pula ni Flora at nawala na sila sa paningin ko. Ang swerte ni Cathy dahil naramdaman niya ang pagmamahal ng isang ina. Pero ang malas naman niya dahil wala siyang kinagisnang ama. Pareho lang kaming biktima.
Ngayong mag-isa ako sa bahay na ito at mamaya pa ang pasok ko, ano kaya ang pwedeng gawin? Maalikabok na ang bahay. Maglilinis na lang ako at mag-aayos ng gamit sa bahay. Hindi naman siguro siya magagalit kung iibahin ko ang pwesto ng mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
Enigma: Bizarre Love
HorrorRomantic-Horror/ Mystery/ Drama *Cyrus Hepuller *Danica Lei Firaza