IV
Maliwanag, masigla, berde, maraming bulaklak, mga paru-paru at ang gandang hardin. Parang kaharian. Ang payapa. Ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito. Pero bakit parang walang tao?
Patuloy akong naglakad at sa bandang tulay may lalaking nakatalikod at nakaputing long sleeve. Nakatitig lang siya sa ilog.
Dahan dahan akong lumapit.
Gusto kong magsalita pero hindi ko kayang ibuka ang bibig ko. Tinitigan ko lang siya at nakiramdam.
Humarap siya sa akin. Siya si Cyrus."Pakiusap wag muna akong iisipin."
Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Umalis siya sa harap ko at sinundan ko siya. Pumasok siya sa isang kagubatang napakadilim. Hinanap ko siya pero masyadong madilim. Hindi ko na siya makita. Takot ako sa dilim pero hindi ko alam kung bakit ko ito natitiis.
"Wag muna ko sundan mapapahamak ka lang. Layuan muna ako."
"Anak? Lei? Gumising ka na."
Pagdilat ko nasa harap ko si Flora. Nasa bahay ako at panaginip lang pala.
"Ginising kita dahil mukhang takot na takot ka sa panaginip mo."
Napabangon ako at iritang iniwan siya. Ba't ba ako naiinis? Dahil ba hindi natuloy ang panaginip ko?
"Good morning Ate Lei!"
"Morning Cathy."
Pagkatapos namin mag-almusal naiwan ako sa bahay at nauna na silang umalis. Umakyat ako sa taas at tumungo sa kwarto ko. Binuksan ko ang laptop at nag online sa FB. Bumaha ng messages mula sa mga dati kong classmates at kay Papa. Hindi agad ako makapag-reply dahil mahina ang internet connection. Tanging si Papa lang ang nireplayan ko sa kanila.
10:15 na pala.
Nagmadali akong nagligpit ng mga gamit para pumasok na sa School."Mr. Hepuller, can you define the word Adversity?"
Pati sa pagtayo niya mula sa pagkakaupo napaka-cool niya. Ilang babae na kaya ang na-inlove sa kanya?
"Adversity is a tragedy or misfortune. It is a difficult situation or condition."
"Can you give example?"
"Sure. A boy is in love with the girl. But something bad happened with a girl. She died and she left the boy with depressed and dejected. That is adversity. A difficult situation."
"Thank you Mr. Hepuller."
"Bakit ganun ang example niya?"
Tanong ko kay Jessica.
"Hindi ko alam eh. Bakit?"
"Parang totoo kasi."
"Ah parang humuhugot siya? Hahaha Parang base on his experience noh? Ewan ko ganyan na talaga siya malungkutin."
Pagkatapos ng klase mag isa na lang akong kumakain dahil di papasok sa next class sila Jessica. Mas pinili nilang mag mall kesa pumasok. Mabuti na lang at hindi nila ako napilit.
"Pwede ba akong maki-upo?"
Nataranta ako sa pagsulpot niya.
"O-Oo."
"Sorry, nagulat ata kita."
"Medyo nga. Hindi ko kasi expected na sasabay ka sakin."
"Hindi ko rin expected na lalapit ako sayo."
Napalunok ako sa narinig ko. Lei, umayos ka. Wag kang pahalata, just relax and enyoy the scene.
"Anyway nasaan ang mga kasama mo?"
"Hindi sila papasok. Nagpunta sila ng Mall."
"Bakit di ka nila sinama?"
"Pinilit nila ako pero di ako pumayag sumama. Mas importante sa akin ang mag lesson kesa ang gumala."
"Good girl ka huh."
Napatawa ako sa sinabi niya.
"Ilan taon ka na?"
"19. Ikaw?"
"22."
"22 ka na? Bakit nasa Junior college ka?"
"Nag stop ako ng 1 year."
"Graduating ka na sana. Bakit ka nag stop?"
Tiningnan niya ako ng matagal sa mata at bigla niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
"Adversity."
Hindi ko na-gets ang sinabi niya.
"Huh?"
"Wala. Wag mo ng isipin iyon."
Tumayo na siya at iniwan ako.
Adversity? Anong klaseng adversity iyon at pati ang pag aaral niya ay naapektuhan?"Ate Lei, masaya ba sa college?"
"Oo naman. Pero mas masaya sa elementary. Wag mo munang isipin ang college dahil may highschool pa."
"Okay."
"Lei, may mga kaibigan ka na ba sa school mo?"
"Meron naman."
"Sino? Pwede ko bang malaman?"
"Sila Jessica, Miguel, Marlon, Stephanie and Cyrus."
Nagdalawang isip pa ako banggitin ang Cyrus dahil iniisip ko pa kung magkaibigan na nga ba kami dahil sa nangyari kanina. Mukhang sumama ata ang loob niya dahil sa pagtatanong ko kung bakit siya nag stop sa pag-aaral niya.
"Mababait sila huh. At si Cyrus? Cyrus Hepuller ba?"
"Oo siya nga bakit?"
"Matalino ang batang iyon at mabait. Noong nandiyan pa ako palagi niyang kinukuha ang mga bitbit ko para siya ang magdala."
Napabuntong hiningi siya.
Tinigil ko muna ang pagkain dahil inaantay ko ang susunod niyang sasabihin."Pero nakakaawa rin ang batang iyon. Isang taon din siyang nawala. Simulang bumalik siya hindi ko na siya makausap. Naging mailap siya sa amin."
"Bakit naging ganun siya?"
"Hindi ko alam. Walang nakakaalam sa totoong nangyari. Ang sabi nila dahil daw sa isang babae. Iniwan siya nito at pumunta ng ibang bansa."
"Babae? Sino naman iyon?"
"Masyado ng matagal hindi ko na matandaan ang pangalan. Tumatanda na talaga ako."
"Siguro girlfriend niya ang babaeng iyon."
"Siguro. Hindi ko pa naman kasi nakita ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung diyan din siya nag aral or sa ibang school."
"Marami bang school dito?"
"Marami naman. Bukod sa school na pinakamalapit sa atin meron pang school na di rin kalayuan dito sa atin. Kaso hindi ligtas ang dumaan doon sa gabi."
"Bakit?"
Pinapasok muna ni Flora si Cathy sa kwarto bago ituloy ang kwento.
"May nabalitaang na rape doon at pinatay malapit sa school na iyon 1 year ago."
Tumayo na si Flora at nagligpit ng mga pinagkainan.
"Ako na ang maghuhugas."
"Sigurado ka?"
"Oo."
"Sige. Isarado ko muna ang pinto. Akyat na ako huh. Patayin mo na lang ang ilaw pagkatapos mo diyan."
Iniisip ko pa rin lahat ng detalyeng nalaman ko ngayon. Sino kaya ang babaeng iyon? Anong meron sa kanila ni Cyrus?
BINABASA MO ANG
Enigma: Bizarre Love
HorrorRomantic-Horror/ Mystery/ Drama *Cyrus Hepuller *Danica Lei Firaza