Chapter 3- Pagtataka

18 4 4
                                    

Danica POV

III.

Sa Room 7 ako ngayon. Nandun din kaya siya? Sana wala. Medyo nakakailang kasi ang presensya niya.

"Lei, sandali lang. Ang bilis mo naman maglakad."

Huminto ako sa paglalakad para lingunin ang madaldal at makulit na si Miguel.

"Saang Room ka ngayon?"

"Room 7."

"Dun din ako sabay na tayo."

"Nasaan si Jessica?"

"Pumunta siguro sa Auditorium."

Pagpasok namin sa Room kakaunti lang ang mga estudyante.

"Nasaan ang iba?"

"Ay Oo nga pala may contest pala ngayon. Lahat ng students nasa Auditorium. Ang daya ni Jessica hindi man lang nagyaya. Alam ko may ticket pa siya eh."

"Magkano ang ticket?"

"100 per head. Kaso kukulangin ako eh."

"Sagot na kita."

"Huh? Wag na. Hindi naman ako manonood eh. Maririndi lang ako sa mga babaeng sinisigaw ang Cyrus I love You."

"Cyrus?"

"Cyrus Enigma este Hepuller pala. Yung seryosong lalaking nakaupo lagi malapit sa bintana."

Sumasali siya sa contest? Hindi halata sa itsura niya.

"Oh sige una na ako saiyo huh."

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na. Last subject ko na ito pero mukhang wala namang klase."

"Sige ingat ka." Malungkot na pagkakasabi niya.

Mukhang disappointed siya dahil hindi ko siya masasamahan sa kung saang lugar niya gusto pumunta. Nginitian ko siya sa pinaka-sweet kong ngiti para makabawi sa konsensyang nararamdaman ko. Mukhang nagwagi naman ako sa ginawa ko. Nagpunta ako ng CR at nag-ayos ng kaunti. Hinintay kong lumabas yung isang babae. Pagkatapos kinuha ko ang mapa sa bag ko at mabilisang hinanap ang Auditorium. Nasa 4th Floor.

Enigma: Bizarre LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon