Danica POV
V.
Pinagmasdan ko ang paglarga ng pulang sasakyan na pinaandar ni Flora. Kami lang ni Cathy sa bahay. Wala siyang pasok at ganun din ako. Buong maghapon lang ako nakaharap sa laptop. At si Cathy pabalik balik sa kwarto ko, naglalaro ng kung ano man. Hanggang ngayon nag-aadjust pa rin ako sa malamig na klima. Tumunog ang phone ko, tumatawag si Dad. Mabilis ko itong dinampot.
"Dad?!"
"Kamusta Lei?"
"Okay lang. Ba't ngayon ka lang tumawag Dad?"
"I'm sorry, medyo busy lang talaga sa work., ang mama mo?"
Umirap ako sa kawalan. Si Flora pala ang dahilan ng pagtawag niya. Hindi maikakaila kay Dad na may nararamadaman pa siyang pagmamahal kay Flora.
"Okay naman siya. Nasa trabaho siya, kami lang ni Cathy dito sa bahay."
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim mula sa phone.
"Kung pwede lang sana akong magpunta diyan ngayon para mabantayan ko kayo ginawa ko na."
"No Dad. Mas maganda kung diyan ka na lang. Okay lang naman ako at kami ni Flor- I mean si mama."
"Basta Lei, remember this 'No boys, focus on your study."
"Yes Dad."
"Bye, I love you ,see you soon."
"See you soon Dad. And I love you too."
Pagkalapag ko ng phone nakita kong nakatingin si Cathy sa akin. Malungkot siya.
"Bakit?"
"Nasaan na kaya ang Daddy ko?"
"Hindi ba sayo sinabi ni Mama?"
Umiling siya sabay sagot.
"Ayaw niyang pag-usapan. Tuwing tinatanong ko siya iniiba niya ang topic."
Bigla naman akong naawa kay Cathy.
"Halika nga dito." I hugged her.
"Alam mo Cathy, maswerte pa rin tayo kahit na hindi kumpleto ang parents na kinagisnan natin. Yung iba nga diyan ulila na. Kaya dapat ikaw ay mas matapang."
Matalino si Cathy alam niya ang sitwasyon namin.
---
Hindi ako makapag-focus sa lesson namin ngayon. Siguro dahil sa kanya. Bakante sa upuan niya. Hindi siya pumasok. At hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala sa kanya.
"Pst!"
Napatingin ako kay Stephanie na nakangiti sa akin. Bumulong ako at tinanong ko siya kung bakit.
"Cutting tayo sa next class".
Hindi ako pumayag. Baka pag nalaman ni Dad eh hindi na niya ako pag-aaralin. Mahirap na baka may makahuli.
"Ngayon lang, Sige na. Wala kasi akong kasama."
"Iba na lang isama mo."
"Walang sasama sa akin. Sa katulad kong mukhang nerd. Ikaw lang talaga dahil mabait ka at kinakausap mo ako di katulad ng iba."
Kinukulit pa rin ako ni Stephanie habang naka-break kami.
"Ano bang mapapala mo kapag nag-cutting ka?"
"Ang totoo niyan may hinahanap ako."
"Ano?"
"Nawala kasi yung bracelet ko nung napadaan ako sa madilim na lugar kung saan may babae daw na nagmumulto doon. Eh sa sobrang takot ko nataranta ako at tumakbo nung may narinig akong kaluskus sa mga damo. Kaya ayun nalaglag yung bracelet ko at di ko na binalikan."
"Wag ka matakot sa multo. Di ka nila kayang saktan. Matakot ka sa buhay."
"So sasamahan mo na ba ako? Dali na habang maaga pa. Please?"
"Hindi ba tayo mahuhuli?"
"Hindi. Akong bahala."
"Saglit lang tayo huh. Lunch break pa naman. Let's go."
Pagdating namin sa lugar kung saan nawala ang bracelet ni Stephanie, bumigat ang pakiramdam ko.
"Uy okay ka lang?" Tanong ni Stephanie.
"Okay lang. Saan mo ba nawala yung bracelet? At anong itsura?"
"Dito lang yun. Silver siya na may nakalagay na Stephanie. Simple lang siya."
"Bakit di ka na lang magpagawa ng bago?"
"Ayoko. May sentimental value iyon. Bigay sa akin yun ng mama ko bago siya namatay."
Nakita ko ang lungkot sa mata niya at nakaramdam ako ng pagka-awa.
"Sige, mahahanap din natin iyon."
"Salamat talaga Lei! Hulog ka ng langit!"
Lumipas na ang ilang minuto at malapit ng matapos ang break namin, hindi pa rin namin nakikita ang bracelet.
"Stephanie, doon ako maghahanap sa may bandang puno." Paalam ko sa kanya.
"Oh sige. Pero wag kang lalayo huh."
"Okay!"
Tumakbo na ako para makarating sa may bandang puno.
"Wow ..ang sarap ng hangin. Pakiramdam ko nahanap ko na ang comfort zone ko." Bulong ko sa sarili.
Nagpatuloy ako sa paghahanap. Almost 1 and half hour na kaming naghahanap. Tuluyan na nga kaming nag cutting class. Lagot ako nito kapag nakarating kay Dad.
May kung anong bagay akong naapakan. Pagtingin ko isa siyang bracelet. Sa wakas nahanap ko na! Aalis na sana ako sa pwesto ko pero nahagip ng mata ko na may lalaking naglalakad sa may tulay. Naka-long sleeve na white na para bang katulad ng uniform ng mga boys sa school namin.
Bigla na lang kumabog ang puso ko at naalala ko ang panaginip ko.
"Cyrus?" Bulong ko sa sarili.
Kusang humahakbang ang mga paa ko papunta sa kanya. Palapit ako ng palapit hanggang sa nakita na nga niya ako. Halos naririnig ko na ang pagkabog ng puso ko lalo na nang magkasalubong ang mga mata namin.
"Danica".
Sa pangalawang pagkakataon tinawag na naman niya ako sa pangalang Danica. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko lumulutang ako.
"Anong ginagawa mo dito?"
May halong galit sa tono ng pagkaka-tanong niya.
"A..Si.. Sinamahan ko lang si Stephanie para hanapin ang bracelet niya."
"Tingin ko nahanap mo na. Pwede na kayong umalis."
Nakatingin siya sa bracelet na hawak ko.
"Ah...Oo. Kakahanap ko lang. Sige aalis na kami."
Nakalayo na ako sa kanya. Pakiramdam ko ang bigat ng puso ko.
"Lei! Nakita mo ba?".
"Oo." Inabot ko sa kanya ang bracelet.
"Oh my god! Salamat Lei! Hulog ka talaga ng langit!".
"Tara na. Balik na tayo sa class."
Nang makabalik kami sa school, tuluyan na ngang na wala ako sa mood. Hindi ako makasagot ng maayos sa mga Professors.
May nagawa ba akong mali? Bakit nagalit siya ng makita niya ako?
BINABASA MO ANG
Enigma: Bizarre Love
TerrorRomantic-Horror/ Mystery/ Drama *Cyrus Hepuller *Danica Lei Firaza