Gabriella Kabayan o Gabbie para sa ilan. Siya ang bunso sa magkakapatid at tulad ng pangalan niya'y siya itong walang gulong inaatrasan. Sugod nang sugod sa anumang isyu o tsimis na sa kaniya'y ibato. Malditang tagapagtanggol ng mga kapatid na suki...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TILA hinaplos ng isang malamig na bagay si Gabriella sa kaniyang sikmura nang masilayan niya ang madilim na awra sa kaniyang Ate Melchora. Hindi pa ‘man kasi ito nagsasalita’y alam na niyang hindi ito nasiyahan sa eksenang nakita kanina.
“A-Ate Mela…”
“A-Ate mo?!” gulantang na saad ni Isiah nang mapagtanto nito kung sino ang kasama ng headmistress. Marahan itong napakamot sa ulo nang muling ituon ang tingin kina Mrs. Morale. “M-magandang araw po…”
Nakita niya kung paano gumuhit sa isang tuwid na linya ang labi ng kapatid, gayon na rin ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Nais niyang magtago sa likod ng binata, subalit alam niyang hindi iyon makatutulong. Ang pagtikhim ni Mrs. Morale ang siyang bumasag sa namumuong tensyon sa silid na iyon. Dahilan upang sabay-sabay silang bumalik sa kani-kanilang ulirat.
“Gabriella, I need you to come with us in my office,” kalmado ngunit maawtoridad na usal sa kaniya ng headmistress. Pagkuwa’y saka nito ibinaling ang tingin sa binata, “Isiah, you can go back to your class for now.”
“Y-yes, ma’am.” Bagama’t puno ito ng pag-aalinlangan ay kaagad din nitong kinuha ang backpack at mabilis na isinukbit sa balikat. He then mouthed, “I’ll text you…”
Isang sulyap pa ang ibinigay sa kaniya ng binata bago tarantang nilisan ang lugar na iyon. Humugot ng malalim na hininga si Gabbie bago tuluyang itinuon ang tingin sa headmistress at kaniyang kapatid. Sakay ang in-campus service ay sabay-sabay nilang tinungo ang naturang opisina ni Mrs. Morale.
“Mag-uusap tayo mamaya pag-uwi,” puno ng pagbabantang bulong sa kaniya ng kapatid.
Tahip-tahip na ang bawat pagkalabog sa kaniyang dibdib sa mga sandaling iyon. Hindi dahil sa panibagong confrontation na naman ang kaniyang kahaharapin, o kaparusahan na muling ipapataw sa kaniya, kun’di sa posibilidad na world war V sa pagitan nila ng kaniyang Ate Melchora mamaya.
×××
"RIDICULOUS!"
Napuno ng katahimikan ang buong opisina ni Mrs. Morale dahil sa matinis na boses ni Mrs. Dela Cuesta, ang mommy ni Odette. Subalit hindi rin sapat iyon upang mawala ang talim sa mga tingin ni Gabriella. Turns out, nagtawag pala talaga ng backup ang tatlong bruha. At ngayon nga'y magkakaharap sila upang bigyan aksyon ang nangyaring kaguluhan kanina.
"After what happened to my daughter? A simple suspension won't do!" pagpapatuloy ng ginang. Nagawa pa nitong paypayan ang sarili kahit naka-aircon naman ang buong opisina. "That impudent girl needs to be expelled!"
"Mrs. Dela Cuesta, we understand your sentiment towards your daughter but—"
"Sana po inalam niyo muna kung sino ang nauna sa amin ng anak niyo," pagputol niya sa sinasabi ni Mrs. Morale. "Pero sabagay, obvious naman po kung kanino kayo kakampi—"
"Gabriella!" saway naman sa kaniya ng kaniyang Ate Melchora. Halos magliyab na sa galit ang mga tingin nitong nakadirekta sa kaniya. Pagkuwa'y marahan nitong inilipat ang tingin sa tatlong ginang. "Ako na po ang humihingi ng dispensa sa ginawa ng kapatid ko…”