Kabanata 10: Raging Emotions

25 4 77
                                    

“ATE, BITIWAN MO ‘KO!”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“ATE, BITIWAN MO ‘KO!”

Halos umalingawngaw sa buong apartment ang boses ni Gabbie, matapos niyang marahas na bawiin ang kaniyang braso mula sa kaniyang Ate Mela. Sa lakas nga ng puwersang ginamit niya’y tumilapon na rin ang bag na dala-dala nilang dalawa, dahilan upang magkalat ang iilang laman niyon sa sahig.

“Ano ba’ng problema mo?” inis niyang tanong dito. Hindi niya kasi maintindihan kung ano pa ang ikinagagalit nito, gayong naayos na naman ang gulong kinasangkutan niya kanina. “Nagagalit ka kasi ikaw ang ipinatawag sa school instead na si Ate Sef?”

“‘Y-yong lalaki kanina, boyfriend mo ba ‘yon?”

She was taken aback with her sister's sudden question. Hindi siya kaagad nakasagot dahil maging siya’y naguguluhan pa rin sa totoong estado ng relasyon nila ni Isiah. Although he said that he loves her… but was that enough?

“My god, Gabriella!” Nasapo ng kaniyang kapatid ang noo nito buhat ng pinaghalong pagkadismaya at iritasyon. “Pumayag kang magpahalik sa lalaking ‘yon na hindi mo naman pala nobyo? Nasaan ang delikadesa mong bata ka!”

That harsh comment triggered something from inside her. Matalim niyang tinapunan ng tingin ang kapatid na siyang lalong nagpaigting ng galit nito.

“Kapatid lang kita!” galit na usal niya rito. “Hindi ikaw si nanay kaya huwag mo ‘kong pangaralan na parang napaka-perfect ng love life mo! Ang babaw mo, Ate Mela. Alam mo ‘yon—”

Literal na nanlaki ang kaniyang mga mata nang isang malakas na sampal ang naging sagot ng kaniyang kapatid. Awtomatiko siyang napahawak sa kaniyang nag-aalab na pisngi, ang kaninang gulat ay napalitan ng pagkamuhi. Kitang-kita niya ang nagpupuyos na galit sa mata ng kaniyang Ate Mela subalit hindi siya nagpatinag dito.

“Ang kapal ng mukha mo para sabihan akong mababaw!” Sa wakas ay nagsalita rin ang kaniyang nakatatandang kapatid. Batid niya ang panginginig sa boses nito na pilit lamang na pinipigilan. “Kung ako, mababaw p’wes ikaw sakit ng ulo! Simula noon, hanggang ngayon. Wala kang ibang dala kun’di sakit ng ulo!”

Bahagya siyang natawa sa naging patutsada nito sa kaniya. “Wow ha? Hiyang-hiya ako sa ‘yo, ate. Oo, para sa inyo sakit ng ulo ang dala ko pero atleast, hindi ako isang pushover na katulad mo!”

Nakita niyang umawang ang bibig ng kaniyang Ate Mela subalit kaagad din nitong itinikom iyon. Marahas niyang hinawi ang kaniyang buhok at saka dinampot ang bag at iilang nagkalat na gamit sa sahig. Akmang didiretso na dapat siya sa kaniyang kwarto nang muli siyang hinila ng kapatid para bigyan pa muli ng sunud-sunod na sampal.

“Wala kang karapatan para pagsalitaan ako nang ganyan!” singhal sa kaniya nito habang siya’y patuloy lang sa pagsalag ng mga sampal nito. “Ang kapal ng mukha mong bata ka!”

“Hindi mo alam kung ano ang totoong dahilan ng mga nangyari kanina, ate!” Sa wakas ay nagawa niyang itulak ito palayo. “Kung sabagay, ganyan ka naman ‘di ba? Mas nakikita mo pa ang mga pagkakamali ko kaysa ‘yong tama na nagagawa ko para sa inyo!”

Gabriella (The Modern Filipina Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon