CIANNE'S P.O.V
"Wala kayong practice ngayon?"
Nakakapagtaka lang kasi na kasama ko ngayon si Shantal naglalakad papasok sa school. Well sa pagkaka alam ko ay malapit na try out kaya puspusan na sa practice tapos s'ya?
"Ah alam ko naman na 'yon magpa practice ako araw araw pagod tapos pag try out n edi pagod na ko? Iisa lang din naman ' yung ginagawa namin eh... Alam ko na 'yon"
Ang saya lang na after ilang week nakasama kona din s'ya ang kaso lang wala si Andrea. Hindi papasok kasi nilalagnat
"Ikaw anong hobby mo? May sport kaba?"
"Ah! Ako? Wala! Hindi ako marunong ng kahit ano talino lang meron ako"Pabiro ko pang sabi sakanya
"Hay nako ewan ko sayo hawak kana lang ng club sabi nila wala daw may hawak ng Mathletics... Try mo kaya 'yon!"
Napa tingin naman ako sakanya"Tapos na election! At chaka ano? Walang president sa Mathletics? Imposible... Lahat gustong mahawakan 'yung club na 'yon ah?"
Kung sa ibang school ay ang pinakamataas na officers ay SSG (Supreme student goverment) Dito samin is hindi lang SSG kung 'di pati Mathletics. In other words magkalevel ang Mathletics at SSG
"Ewan ko!"
"Anong ewan mo?"
"Ewan ko kung bakit walang humawak sa Mathletics... Secretary lang pababa na officer meron VP at Pres wala daw eh. 'Yung nag alam ko"
"Pwede pala 'yon? Na kahit secretary lang? walang pres"
"Teacher daw kasi may hawak ng Mathletics kaya s'ya muna 'yung gumagawa ng mga president duties"
"Kanino mo ba nalaman yan?"
"Ah wala lang dyan lang narinig ko lang... Ah 'yung liptint ko naiwan ko kay Maundy mauna na ko ha?"
Kapapasok lang namin sa gate ng school kaya nanakbo naman s'ya sa di'ko na alam kung saan
"Wala nanaman akong kasama."
Naglakad nalang ako papunta sa room ko. Mag isa wala si Andrea at iniwan ako ni Shantal. Nakita ko nanaman 'yung kumpol ng mga magkakaibigan sa hallway. Nagtatawanan, Nagkukulitan, Magkakasama
Pagpasok ko naman ng room iilan palang kami na nando'n mga lima pang anim ako. Medyo natuwa naman ako ng makita 'kong may laman ang upuan ni Cyper kaso bag lang
Tumingin naman ako sa relo ko at nakita 'kong maaga pa nga sobrang aga pa"Tara! Punta tayo sa labas may mga nagpa practice daw para sa try out next week!"
Narinig 'kong isang nung isa na kagagaling lang sa labas at nagaya kahit na di'ko sila ka close ay sumama ako sakanila hindi literal kung 'di sumunod lang
"Ahhh! hala hinagis!"
"Akin kana lang Julie!"
"Galingan mo Shantal!"
"Ang galing mo Max!!! Go!"
"Ahhhh! Ang gaganda n'yo!"
"Ang galing n'yo!"
Agad naman akong napa kunot ng noo at bahagyang napa takip sa tenga
ANG INGAY!
Naki daan naman ako papunta sa gitna nung una ay umaayaw sila kaso tinutulak ko at sinasabing 'yung friend ko kasama do'n kaya ayon pinapayagan ako
"Hot girls ng section 13-C handa ng lumaban at matalo! Go...! 13-Charlie!"Sigaw ng mga cheer leaders after mag perform
Well madaming nagpa practice pero ang pinaka maingay ay sa bungad ng court at sa court
YOU ARE READING
A very special love(Ongoing)
Romance"Hindi ko na maintindihan... Hirap na hirap na kong isipin ang lahat ng 'to. Lahat ng nangyayari sa'kin. Mahal n'ya ko pero hindi pala! Ginamit n'ya lang ako para sa totoong mahal n'ya na inakala kong mahal n'ya ko at 'yon din ang pinaramdam n'ya ta...