Chapter 17:It is really my fault?

3 3 0
                                    

Trigger Warning:Vulgar, Insult, And Inappropriate words


CIANNE'S P.O.V

Nang nag-agawan na sila sa bola ay si Cyper ang naka kuha. Hinarangan s'ya ni Vince pero kakaiba 'yung galawan n'ya akala mo sa kaliwa dadaan pero biglang lumiko sa kanan kaya nakalusot s'ya at naka shoot. Grabi naman ang tilian ng mga babae na nanonood

Nung si Vince naman na ang may hawak ng bola ay sobra din ang tilian pero tumayo lang s'ya at sinipat ang ring bago ihagis 'yon at na shoot naman kaya halos magwala na ang mga kababaihang nanonood

Mabilis lang ang bawat round kaya naka daming round din sila pero wala paring lumalamang. Naka 3 points ng isa 'yung isa naman sunod-sunod na mag sho-shoot agawan sila ng agawan sa bola hanggang sa natumba pa ang isa sakanila minsan. Pero napapansin ko na bawat may nakakashoot sakanilang dalawa ay lumilingon sa'kin

24—24 ang score nila at 10 minutes nalang ay tapos na ang recess at kung kanima ay madami na ang nanonood ngayon ay dumami pa. Nagkaroon na din ako ng mga kasama sa spot ko

Sa tingin ko ay last round na nila 'toh. Sobrang pawisan na sila at halata na ang pagod nangingintab na din sila dahil sa liwanag na pumapasok sa court

"Ang galing pala mag basketball ni Cyper?"

"Nakikita mo naman di'ba?"

"Akala ko matalino lang s'ya pero ang galing din pala... Go! Cyper!"

"Barsity namin yan!"

"Galingan mo Vince!"

Sa sobrang dami ko ng kasama sa spot ko ay kahit usapan nila naririnig ko na pero nakakamangha nga naman na magaling din pala mag basketball si Cyper hindi lang matalino

Nasa dulo ng court si Vince na may hawak ng bola habang nasa bandang gitna naman na ng court si Cyper na halatang binabantayan si Vince
Nang I-dribble ni Vince ang bola habang dahan-dahan na lumalapit kay Cyper bigla namang nagtilian ang crowd

"Gagawin n'ya!"

"My favorite move!"

"Go! Vince!"

"Ahhhh! Galingan mo!!!"

Sabi pa ng ibang mga babae at nagtatatalon pa habang nagtitilian pero 'di naman ako umaalma hangang nakikita ko pa 'yung naglalaro

Magkatapat na sila ni Vince at tila kalmado lang naman si Cyper na naka abang sa gagawin ni Vince
'Yung dribble n'ya ay kakaiba na hindi ko na alam ang tawag pinapatawid n'ya sa pagitan ng mga paa n'ya yung bola at paulit ulit lang. Ginawa n'ya 'yung ginawa ni Cyper kanina nung una pero 'di umubra at muntik pang maagaw ni Cyper nag bola kay Vince

Gagawin sana ni Vince ulit ang pag shoot ng bola sa ring kahit malayo pero hindi na n'ya ginawa dahil sobrang layo nasa kalahati pa s'ya ng court. Ilang beses tinry ni Vince pero naa-out lang ang bola dahil na bo-block ni Cyper ang tira at kung minsan ay naaagaw pero nabo-block din ni Vince

Hanggang sa 1 minute nalang ang natira at halata na ang gigil sakanila. Gigil ng manalo si Vince halata sa mga galawan n'ya ay ganon din si Cyper
Hanggang sa si Cyper ang may hawak ng bola. Nagdi dribble s'ya sa harapan ni Vince, Dinrible n'ya ang bola at pinadaan sa pagitan ng mga hita ni Vince at lalagpasan na sana n'ya si Vince ng nachempohan n'ya ang bola at hanampas kaya ito ay lumayo at na out na ang bola

"Sayang!"

"Pwede palang Barsity si Cyper eh!"

"Ang galing nila!"

A very special love(Ongoing)Where stories live. Discover now