CIANNE'S P.O.V
"Si Cyper... He's here!"
Sabi pa n'ya at hinila na nga ako. Halos mabali naman ang leeg ko kakalingon sa mga nagu-umpukang mga tao do'n na ngayon ay sobrang ingay padin
Kuta ba 'to? Bakit liblib?
Paglingon ko naman sa dinadaanan namin ay parang alam ko na ang lugar... Pero nasalabas na kami ata ng campus or nasa elementary field lang?
Well ang school namin ay iisa nalang seniors building ang nasa gitna at nasa magkabilaang gilid ang juniors at elementary pero sobrang layo ng pagitan
"Huyy... Bawal lumusot sa bakod"Sabi ko ng makita ko ang boundery ng bakod. Ewan ko lang kung sa juniors or sa elementary 'to pero bakod padin! Bawal!
"Sumunod kana lang!"
Sabi n'ya at binitawan ako at lumusot sa bakod na halatang ginawan ng awang na kasya ang mga estudyante. Nagalangan pa ko dahil bob wire ang gamit baka masabit ang buhok ko
"Lumusot kana... Ng hindi na tayo magtagal"Napa buntong hininga ako at lumusot na"Ingat! Mabato baka mapatid ka"
Sabi pa ni Andrea at nauna ng maglakad sa'kin sinikap ko naman na dumikit sakanya kasi medyo mabilis s'yang maglakad
'Di nagtagal ay may nakita kaming building"Junior's building?"Sabi ko nalang at 'di namalayan na malayo-layo na sa'kin si Andrea
"Bilisan mo!"Sabi pa n'ya at inaaya na akong pumunta sa likuran na banda ng building na 'yon
Bakit ba laging sa likod ng school?
"Ano ba 'to? Bawal na 'to eh"Sabi ko habang naglalakad na kami sa likod ng school nakakarinig pa kami ng mga boses ng mga estudyante
"Tahimik! Baka marinig na tayo"Napa hinto naman s'ya at lumingon sa'kin"Tumingin-tingin ka sa taas huh? Baka malaglagan ka sa ulo ng basura"
Sabi pa n'ya at naglakad na.
Maya-maya ay may nakita
akong—kaming pinto na nasa lupa... Wrong enterpretation! 'Yung pinto na parang bodega na under groundBinuksan ni Andrea ang pinto at narinig ko pang lumangit-ngit iyon. Kinakalawang na!
"Safe ba dyan?"Alanganin 'kong tanong ng naka dalawnag hakbang na si Andrea pababa. Well right! Hagdan s'ya
"Kung hindi 'to safe edi sana ikaw pinauna ko tss..."Sabi pa n'ya at bumaba na. Maikli lang naman ang hagdan mga 10 steps at ng nasa pinakababang step na ay liliko parang punto s'ya pero makapal lang na kurtina ang naka harang sa bukana
"Bilisan mo naman! Ang bagal"
Bawat lakad kasi dapat sure! Hindi pagsisisihan!
"Ano ba kasi 'to?"Parang ito 'yung mga hide out ng mga drug addict ay mga pasugalan eh
"Obvious ba? Edi malamang nakatagong taguan"Sabi n'ya at hinawakan ako sa palapulsuhan ko at pumasok na kami sa loob
Dim ang light at halos lahat ay naka cap at hoodie. May mga nagsisigarilyo sa loob kahit na walang kabintana kabintana sa loob may mga nagsusugal at karamihan ay may kausap lang at mamasid-masid sa paligid
"May pageant pa ako at ilalaban na section Andrea"Bulong ko sakanya. Tila naman may hinanap s'ya at chaka hinatak nanaman ako sa kung saan
"Do'n tayo"Sabi n'ya at may kurtina nanaman kaming pinasukan. Bakit ba wala silang mga pinto? Kurtina lang? Cheap!
"Play!"
Saktong sigaw ng game master sa isang pares na magkalaban sa pool. 8 ball ata ang laban eh
Umupo naman kami sa bandang madilim na spot at may hinahanap talaga si Andrea eh at ako ito naka titig sa mga naglalaro ng billiards na may pa half mask pa at 'di ko makita ang mukha
YOU ARE READING
A very special love(Ongoing)
Romance"Hindi ko na maintindihan... Hirap na hirap na kong isipin ang lahat ng 'to. Lahat ng nangyayari sa'kin. Mahal n'ya ko pero hindi pala! Ginamit n'ya lang ako para sa totoong mahal n'ya na inakala kong mahal n'ya ko at 'yon din ang pinaramdam n'ya ta...