CIANNE'S P.O.V
Lunes ngayon at asuswal may flag ceremony na hanggang ngayon di'ko parin ang alam ang kahalagahan n'yan sa'min. Well aaminin ko hindi ako makabayan at ito ako pinipilit na 'wag mahigh-blood sa nasa likuran ko dahil kanina pa tulak ng tulak
"Ang tagal naman magsimula"
Ate isang, Isang, Isa kana lang! Like What the heck kung s'ya naiinip ako ito magkaka UTI na kakatiis ng ihi ko
"Balik na sa class room!"At in a cue bigla na kong nasa field ng foot ball at hawak ko ang bola nakikipag balyahan para lang makarating sa pupuntahan
Katabi kasi ng Cr ng babae ay hagdan paakyat sa second floor na madaming rooms kaya ito madaming umaakyat mahirap sumingit
"Aray naman!"Napalingon ako sa naka apak sa likuran na banda ng sapatos ko
"May paa po dito ohh"At ng mapatingin ako sakanya ay nawala agad ang pakiramdam ko na naiihi at nairita agad sa kaharap ko
"Sinusundan mo ba ko!?"Chorus pa na sabi namin yung iba naman ay napa tingin pa
"Hoy ikaw ang sumusunod sinabi na nga eh patay na patay ka sa'kin!"
"Ako? patay na patay? Mamamatay talaga muna ako bago maging patay na patay sayo!"Sabay alis kona sa kadamihan ng tao at pumasok na sa Cr
"Akala ko ba nagsisilbi 'yon sa simbahan bakit ang hangin?"Nag ayos muna ako bago lumabas may salamin kasi sa loob
ng Cr kaya di hassle magayos kahit walang dalang salaminPaglabas ko naman wala ng mga tao narinig kona din na ng bell na sinyales na may klase na. Nasa gitna ako ng pagdama ng pagkalate ko ng makita ko ang PE teacher namin na isasara na 'yung pinto kaya agad akong nanakbo
"Wait. Teka lang sir!"Sigaw ko pa kaya binuksan n'ya ulit 'yung pinto at tinaasan ako ng kilay
Patay! Warning ka ngayon.
"Sa'n ka galing?"
"Ah sa Cr po ang dami po kasing tao do'n eh kaya nahuli na ko"Palusot ko. Magisa nga lang ako sa CR kanina tapos madami? Sus halatang kumakanta sa simbahan!
"At ikaw bakit ka na late?"Napa turo naman ako sa sarili ko pero hindi sa'kin naka tingin si sir kung di sa taong nasa likod ko
"Ah kase nagpa gas pa 'yung jeep na sinakyan ko eh"Sus lahat ng nagdadahilan ng ganyan napapagalitan lalo!
"Edi dapat maaga kang gumising."
"Maaga na nga po ako gumising eh sadyang walang masakyan tapos 'yung nasakyan ko nagpa-gas pa"Sige ipinilit talaga 'yung palusot n'ya
"Pasok!"Pumasok naman kami na kapwa na late. 'Naka sabay ko pa 'to sa tricycle kanina, Tapos na late? Kakaiba ka Cyper?!'
"Ang topic natin ngayon ay culture dance sinong nakaka alam ng tinikling?"
maramirami naman ang nagtaas ng kamay kasama ako
"Ang Cariñosa? At pan-danggo sa ilaw? Alam ko napanood n'yo na pero 'di n'yo pa nasayaw 'yon kaya nga iyan ang pagaaralan natin"
Tumitig samin at tila binilang kami
"32... Ilan ba kayo lahat dito?"
"Ah 46 ser"Sagot ng isa
"Even number ang bilang n'yo kaya pumili kayo ng kapartner n'yo at sasayaw tayo ng tinikling bukas"
Ito na Sinasabi na ni ser kung sino magkakapares
"Ikaw kapartner mo s'ya"Napangiti ako ng babaeng kaklase ko ang tumapat sa'kin na mukha namang mabait at freindly kausap
"Ay hindi pala dapat babae't lalaki... ikaw ka partner mo 'to ikaw d'yan ka muna ha?"
YOU ARE READING
A very special love(Ongoing)
Storie d'amore"Hindi ko na maintindihan... Hirap na hirap na kong isipin ang lahat ng 'to. Lahat ng nangyayari sa'kin. Mahal n'ya ko pero hindi pala! Ginamit n'ya lang ako para sa totoong mahal n'ya na inakala kong mahal n'ya ko at 'yon din ang pinaramdam n'ya ta...