One

29 10 8
                                    

Kabanata 1

"Magandang umaga, HanLand!" Masiglang bungad ni Hanna Rose Santiago sa kanyang mga empleyado habang pumasok siya sa lobby ng kanilang opisina. Ang kanyang ngiti, bagaman magaan, ay tila nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Kahit abala ang lahat sa kanilang mga gawain, tila hindi maitatago ang paghanga sa kanilang boss na para bang siya ang sentro ng kanilang araw.

Ngunit sa likod ng ngiti at ng kanyang mga pahayag na puno ng sigla, may mga alaala siyang hindi matanggal. Lumipas na ang maraming taon mula ng mawala ang kanyang ina, at simula nang iwan sila ng kanyang ama, natutunan niyang itago ang sakit sa ilalim ng kanyang matibay na panlabas na anyo. Ito ang naging sandigan niya sa pagtatayo ng HanLand—isang simbolo ng kanyang pagsisikap at tagumpay.

Ngunit sa tuwing siya’y nag-iisa, ang mga lumang sugat ay muling bumabalik. She knows all the pain can't be buried.

Habang naglalakad siya patungo sa kanyang opisina, iniisip niya ang mga plano para sa susunod na proyekto. “Kailangan natin i-finalize ang mga detalye para sa Village Heights,” sabi niya sa kanyang assistant na si Carla, habang binubuksan ang laptop para suriin ang mga dokumento. “Siguraduhing maipapakita natin sa mga kliyente ang lahat ng features na makakapagbigay ng interest sa kanila.”

"Copy, Madamme Hanna," sagot ni Carla, abala sa pag-check ng mga papeles sa kanyang mesa.

Pagkapasok sa kanyang opisina, kinuha ni Hanna ang isang basong kape mula sa kanyang desk at umupo sa kanyang upuan. Minsan, naiisip niya kung ano ang pakiramdam kapag ang lahat ng ito ay wala na. Pero hindi siya makapagpahinga; ang HanLand at ang kanyang mga kapatid ay nakasalalay sa kanya.

Hindi siya makakapagpahinga sa mga sandaling ito, ngunit sa kabila ng kanyang abala, biglang tinawag siya ni Carla. “Miss Hanna, may bisita po kayo. Si Architect Leonardo DelGarvaro daw po.”

Nagulat siya nang marinig ang pangalan. Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Leonardo sa kanyang opisina. "Sige, papasukin mo siya."

Pagpasok ni Leonardo, agad niyang napansin ang pagkakaiba sa kanyang aura. Hindi siya tulad ng karamihan sa mga taong pumupunta sa opisina. Ang mga mata nito ay tila puno ng kasigasigan at ang mga ngiti ay nagdadala ng init sa malamig na umaga.

"Good morning, Miss Santiago," bati ni Leonardo habang naglakad papunta sa kanyang desk.

"Good morning, Architect DelGarvaro," sagot ni Hanna, nagtangkang ipakita ang kanyang pagiging propesyonal kahit na may halong pagkabigla. "Anong maitutulong ko sa iyo?"

"Actually, I wanted to meet with you because I have a new project idea that I think could be a great opportunity for both of us," sagot ni Leonardo, ang tono ng boses niya ay puno ng sinseridad at pag-asa.

She can feel the aura of this man in front of her yet she choose to ignore it.

“Do you think it’s possible for us to combine our ideas for a project that could bring about positive change?” tanong ni Leonardo.

Hmm Leonardo huh? You're charming yet i won't let anyone tame my thorns.

Love Beyond Shadows (Santiago #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon