Kabanata 2
Pagkaraan ng kanilang pag-uusap ni Leonardo, naiwan si Hanna sa kanyang opisina, nag-iisip tungkol sa mungkahi ng arkitekto. Ang ideya ng isang bagong proyekto ay tila nagbigay sa kanya ng bagong sigla, pero hindi maalis sa kanyang isipan ang naglalaro na tanong—ano ang tunay na layunin ni Leonardo?
Habang umiinom siya ng kape, inisip niya ang mga nagdaang taon, kung paano siya bumangon mula sa mga pagkatalo at patuloy na nagpursige sa HanLand. Ang bawat desisyon na ginawa niya ay nagmula sa pagnanais na ipakita na kaya niyang magsimula muli, sa kabila ng lahat ng pagsubok.
Bumalik siya sa kanyang laptop at sinimulang suriin ang mga detalye ng kasalukuyang proyekto. Pero, hindi niya maialis sa kanyang isip ang mga salitang sinabi ni Leonardo. "A new project idea" na paulit-ulit niyang iniisip habang binubuklat ang mga dokumento.
Biglang kumatok si Carla sa pinto. “Miss Hanna, may tawag po sa iyo mula sa Finance Department.”
“Ako na ang sasagot,” sabi ni Hanna. Pumunta siya sa telepono at mabilis na tinapos ang tawag na may kinalaman sa mga pondo para sa Village Heights.
Matapos ang tawag, sinubukan niyang ibalik ang kanyang isipan sa trabaho, ngunit hindi pa rin mawala ang larawan ni Leonardo sa kanyang isipan. Ang mga mata ni Leonardo, ang kanyang boses, ang halimuyak ng posibilidad sa kanyang mungkahi—lahat ng iyon ay nagpapasikò sa kanyang puso at isipan.
Hindi nagtagal ay natapos din niya ang kanyang mga gawain sa opisina. Pumunta siya sa conference room at tinawagan si Carla. “I’ll be out for a while, may pupuntahan lang ako. Baka pwede mong i-manage ang iba pang mga bagay habang wala ako?”
“Opo, Miss Hanna,” sagot ni Carla, hindi na nagtatanong pa.
Lumabas siya ng opisina at naglakad patungo sa isang maliit na café malapit sa kanilang opisina. Dito, habang umuupo sa isang sulok, nag-order siya ng kape at naghintay sa pagdating ng kanyang iniisip—si Architect Leonardo DelGarvaro.
Ilang minuto ang lumipas at dumating si Leonardo, nakasuot pa rin ng kanyang eleganteng suit. Ang pagpasok niya sa café ay tila nagbigay ng bagong kulay sa lugar.
“Olah, Miss Santiago,” bati ni Leonardo, habang naupo sa tapat niya.
“Hi, Architect DelGarvaro,” sagot ni Hanna, na nagtangkang magpanggap na walang anumang agam-agam. “Salamat at pumayag kang makipagkita ulit.”
“It’s my pleasure, Miss Santiago. I’m glad we could meet again. I’m excited to share the details of the project with you,” sagot ni Leonardo, na may ngiti sa mga labi.
“Ano ba talaga ang layunin mo sa proyektong ito, Leonardo? Ano ang makakamit natin dito?” tanong ni Hanna, na naghahangad na makita ang tunay na layunin ng arkitekto.
“I want this project to be more than just a business venture,” paliwanag ni Leonardo. “My goal is to create a development that not only generates profit but also brings positive change to the community. It’s about creating a sustainable and impactful environment for people.”
“Naiintindihan ko. Pero hindi pa rin ako sigurado kung ito ang tamang hakbang para sa atin,” sabi ni Hanna, na naguguluhan pa rin.
“I understand your hesitation,” sagot ni Leonardo. “But I hope you will give me the opportunity to present a more detailed plan. I believe you will see the potential for a meaningful partnership.”
Nag-isip si Hanna saglit bago sumagot. “Sige, mag-set tayo ng meeting sa isang araw para mapag-usapan ng maayos ang mga detalye. Sa ngayon, maraming salamat sa pagdala ng ideya na ito sa akin.”
“Thank you for considering it, Miss Santiago. I look forward to discussing the details with you soon,” sagot ni Leonardo, na tila nagagalak sa pagkakataon na ibinigay sa kanya.
Habang nagpaalam si Leonardo at umalis, naiwan si Hanna na nag-iisip. Ang kape sa kanyang harapan ay malamig na, ngunit ang ideya ng isang bagong simula ay tila nagbigay sa kanya ng init. Sabi nga niya sa sarili, “Maybe this is the change I’ve been waiting for.”
Habang papauwi siya sa kanyang condominium , nagmuni-muni siya sa mga posibilidad na dala ng proyektong ito.
His ideas are not bad.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Shadows (Santiago #1)
RomanceA dashing architect meets the sunshine CEO. With the unexpected twist of shadows in the life of this two human beings. Could they still have the happy ending? Let's see if they could have it then.