Five

20 12 5
                                    

Kabanata 5

"Good morning ma'am!"

"Good morning boss!"

Pagpasok ko sa gusali ko, sinalubong ako ng mga empleyado ko. Tumanggap ako ng mga ngiti at bati mula sa kanila at binigyan ko sila ng mainit na ngiti bilang sagot. Sa kabila ng aking pagod, ang mga simpleng bagay na ito ang nagpapalakas sa akin.
I appreciate them, because before I became the CEO of a well successful business I was once an employee and I know how it felt.

Pumunta ako sa exclusive elevator ko na nagdadala sa akin diretso sa aking opisina sa itaas na palapag. Kahit ilang beses ko nang ginagamit ang elevator na ito, palagi akong nai-e-excite sa pagpunta sa aking opisina. Syempre 500k pagawa ko nito. Sabi nga nila, "Home is where the heart is," at para sa akin, ang opisina ko ang pangalawang tahanan ko.

Habang umaakyat, tinanong ko ang sarili ko kung anong magiging kapalaran ng bagong proyekto ko. Ang proyekto ay tungkol sa pagbuo ng isang community center na magkakaloob ng edukasyon, medisina, at mga recreational activities sa mga lokal na residente. Ang ideya ay mula kay Architect Leonardo DelGarvaro, at kung paano namin ito maipapatupad ay ang nagiging pangunahing pokus ko ngayon.

Nang bumukas ang pinto ng aking opisina, tinanggap ako ng tahimik na paligid na puno ng mga dokumento at plano para sa proyekto. May mga bagong papeles sa aking desk at isang malaki at makulay na tarpaulin ng proyekto na ipinakita ang conceptual design ng community center.

Minsan ay naiisip ko kung gaano karaming oras ang inilalaan ko sa trabaho ko kumpara sa oras na inilalaan ko sa sarili ko. Pero kapag nakita ko ang mga ganitong bagay, natutuwa akong malaman na ang mga pinagdaraanan ko ay may kapalit na maganda para sa iba.

Umupo ako sa aking upuan at tinanggal ang mga gamit ko sa bag. Bago ko simulan ang pag-aayos ng mga dokumento, tumingin ako sa bintana at nagmasid sa abala ng lungsod mula sa taas.

Nang biglang tumunog ang telepono ko. Itinataas ko ang receiver at sinagot ang tawag.

“Good morning, Ms. Santiago,” boses ng secretary ko ang narinig ko sa kabilang linya. “Ang first meeting ninyo ngayong umaga ay kasama si Architect DelGarvaro. Nag-aantay na siya sa meeting room.”

"Oh tank you Joy I'll be there.” sagot ko. “Sabihin mo sa kanya na susunod na ako sa loob ng limang minuto."

Ibinaba ko ang receiver at naghandog ng isang malalim na buntong-hininga. Ang pulong na ito ang magbibigay daan para sa susunod na hakbang ng proyekto. Kailangan kong maging handa para dito, kaya't kumuha ako ng ilang minuto upang balikan ang mga detalye ng meeting.

Nang maayos ko na ang lahat ng mga dokumento, naglakad ako patungo sa meeting room. Ang mga pagsisikap ko sa mga nakaraang linggo ay ngayon nasusukat sa pamamagitan ng pulong na ito. Ang bawat hakbang ng proyekto ay maaaring magbigay ng mas malaking oportunidad hindi lamang para sa HanLand kundi para din sa akin.

Pagtuntong ko sa pintuan ng meeting room, sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng kape at ang malinis na amoy ng bagong pintura ng opisina. Nandun na si Architect DelGarvaro, nakaupo sa malaking mesa, ang kanyang mga dokumento at laptop ay maayos na nakaayos.

“Good morning, Architect DelGarvaro,” bati ko sa kanya nang lumapit ako sa mesa.

“Good morning, Ms. Santiago,” sabik niyang sagot. I saw him fixing his posture. “Excited na akong pag-usapan ang mga plano natin para sa community center.”

Umupo ako sa harap niya at nagpakilala ng isang ngiti. “Ako rin, Architect. Sa tingin ko ay magiging matagumpay ang proyekto natin na ito.”

Nag-umpisa kaming magdiskusyon tungkol sa mga detalye ng proyekto, mga timeline, at ang mga hakbang na kailangan namin gawin. Ang aming pag-uusap ay puno ng mga ideya at plano, at ramdam kong ang bawat minuto ay puno ng potensyal para sa hinaharap.

Love Beyond Shadows (Santiago #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon