Chapter 4

364 9 0
                                    

NATAPOS ANG 'HONEYMOON' NILA.

Dinala ni Keith ang kalamigan at indifference hanggang sa pag-­‐‑uwi nila, bagay na ipinaghihirap ng kalooban ni Maila.

Nasa Greenhills ang bahay ni Keith. Bungalow-­‐‑style at may kalakihan. Kulay teal blue ang bakal na gate na maganda ang disenyo. Maluwag ang mahalamang bakuran.

"Ikaw na muna ang bahala rito," matabang na sabi ni Keith pagkaraang maipasok sa silid ang mga bagahe. "Masama ang pakiramdam ko, eh. Magpapahinga muna 'ko. May mga gamit na sa kusina, nasa cabinet."

Iniwanan nito si Maila sa sala.

Napapalunok na iginala ng babae ang tingin. Maliban sa magandang sala set at ilang malalaking vases, wala nang iba pang kagamitan sa sala. Hubad ito sa mga adorno at mga aksesorya. Ni walang kurtina ang mga bintana. Magiging abala siya sa pag-­‐‑aayos sa mga susunod na araw.

Pinuntahan niya ang kusina. Wala rin sa kaayusan. Gayunman ay may refrigerator at cooking range. Nagustuhan niya ang dining set. Maganda ang antique na design at pulido ang pagkakagawa. Pangwaluhan ang nasasalaminang mesa. Ang lutuan ay spacious at magaganda ang drawers ng mga cabinet. Sa isang panig ng lutuan ay may electric kettle at bread toaster. Halos kompleto na rin pala ang mga gamit ng kusina.

Ang mga binili pa lang muna ni Keith ay ang mga pangunahing necessities. Si Cecille na siguro ang bahala sa mga accessories. Solo kayang namili si Keith, o kasama si Cecille? Kasama siguro si Cecille.

May kumirot na naman sa dibdib ni Maila. Ang lahat ng mga naririto ngayon sa bahay ni Keith ay laan talaga kay Cecille. Kailanman ay hindi para sa kanya. Ang isa pa rin sigurong ikinasasama ng loob ni Keith ay ang pangyayaring siya at hindi si Cecille ang gagamit ng mga iyon. Kung si Cecille ang napangasawa ni Keith, malamang ay dito na nito ipauubaya ang pagkompleto sa mga kasangkapan. Baka nga plano nila na kompletuhin muna ang gamit sa bahay bago magpakasal.

Pero pagkaraan niya itong pikutin, nawalan na siguro ng interes si Keith na ipagpatuloy pa ang mga iyon. Baka ang nasa isip ngayon ni Keith ay bahala siyang magpuno sa mga kakulangan ng bahay. Tutal naman ay halos kompleto na ito sa mga pangunahing pangangailangan. Kung gusto niyang bumili, bahala siya.

Naalala niya ang sinabi ni Keith na may mga gamit na sa loob ng mga cabinet. Ano kaya ang mga iyon?

Lumapit si Maila sa lutuan at binuksan ang isang drawer. Ang nakita niya ay mga kahon ng tableware. Ang gaganda. Ang cute ng mga baso, may paghangang nasabi ni Maila sa sarili.

Si Cecille siguro ang pumili ng mga iyon. Matamlay niyang isinara ang drawer.

Sumirit sa isip ni Maila ang kakainin nila sa hapunan. Kinabahan siyang bigla. Paano nga pala ang hapunan nila? Hindi siya marunong magluto. Napalunok si Maila. Ano na lang ang sasabihin ni Keith?

Umpisang-­‐‑umpisa pa lang, may maisusumbat na ito sa kanya. Para na niyang naririnig ang sarkastikong sasabihin ni Keith: 'Ang lakas ng loob mong mamikot, wala ka naman palang kaalam-­‐‑alam sa mga gawaing-­‐‑bahay. Magsaing lang, hindi ka pa marunong. Ano ang ipakakain mo sa 'kin?'

Lalong bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Ano ang gagawin niya? Bibili na lang ba siya ng lutong ulam sa fastfood restaurant? Pati kanin?

Paano kung itanong ni Keith kung bakit bumili siya ng lutong ulam? Idadahilan ba niyang walang mailuluto? Na walang bigas na maisasaing?

Eh, kung sabihin ni Keith na: 'Bakit hindi ka nag-­‐‑grocery? May mapaglulutuan ka naman, ah!'

Wala siyang maidadahilan. Mabibisto siya na hindi siya marunong magluto.

Napatingin si Maila sa relo niya. Mag-­‐‑iikalima ng hapon.

Sumirit sa isip niya si Loleng, ang paborito niyang katulong nila. Tama, tatawagan niya ang katulong, magpapaturo siya kung paano magsaing. At kahit iyong pinakasimpleng luto ng ulam.

Sana Mahalin Mo Rin Ako - Olivia MorenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon