"Hindi pa ba nag ra-round si Doc Ramos?" tanong ko kay Alysa, kapwa nurse.
Nasa locker kami ngayon at nag aayos bago mag tungo sa station. Day off ngayon ni Kia kaya si Alysa ang narito, kahapon ang day off niya at nung isang araw kaya now lang siya ulit pumasok.
"Sabi ni Jay si Doc Chua pa lang ang nakita niyang nag rounds kaninang madaling araw." tumango nalang ako bago pumunta sa station.
Kinuha ko na ang mga gamit ko, patients' chart at nilagay sa trolley bago nag rounds. Isa isa kong ginawa ang trabaho ko sa bawat pasyente. Kuha ng vital signs, check ng IVF, administer ng meds at iba pa.
Kaunti lang ang pasyente, hindi pa aabot ng 10. Karamihan sa kanila ay mayayaman dahil pribado ito.
Nag-aayos ako ng mga charts para pag dating ni Doc Ramos ay maayos na ito.
"Good morning." natigil ako nang marinig ang boses niya. "Can I have my patient's chart please." lumunok muna ako bago tumayo at nag punta sa gawi niya.
Ang nurse's station dito sa surgical ward ay parang nakikita niyo sa hotel, yung front desk na tinatawag.
Nasa dulong part si Doc kaya nag tungo ako sa kaniya. Seryoso niya akong tiningnan, kinabahan pa ako. Marahan kong inabot sa kaniya ang chart. Nag simula na siyang tingnan ito.
"How's his surgical site looking?" he asks not looking at me. Titig na titig ako habang siya ay nag bu-bulatlat ng papel.
Kapag nakikita ko siya ay naaalala ko ang nangyari sa aming dalawa. Sino ba naman kasing makakalimot sa pakiramdam na ibinigay niya sa akin nang gabing 'yon?
"Hello? I am asking you." masungit na sabi niya.
"Sorry, ano na nga po 'yon?" utal utal na pagpapaumanhin at tanong ko. Bumuntong hininga siya bago isinara ang chart at tinitigan akong mabuti, seryoso. Kinabahan ako.
"Hays, sabi kasi sayo hiwalayan mo na 'yan eh. Nawawala ka tuloy sa wisyo." umiiling na sabi niya. Nagulat ako. Kumunot ang noo ko, hello, ikaw ang dahilan kung bakit wala ako sa wisyo! "Bakit? You're still with your cheater boyfriend?" umiling ako. "Good." nakangiti nang maangas na sabi niya. "I am asking how's the patient surgical site looking?"
"Incision site is dry and intact. No signs of redness, swelling, or drainage." sa wakas ay nasabi ko rin.
"Okay. Let's keep an eye on that. I'll order the dressing to be changed this afternoon." he smiled at me, nailang ako kaya umiwas ako nang tingin. "And also, let's have a dinner later." bulong niya pagkatapos iabot sa akin ang chart.
Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang umalis sa nurses' station. Dinner?
Pwede na rin, para makausap ko siya about sa nangyari noong gabi.
Pagpatak ng alas tres ay nag ready na ako para umuwi. Pag hahandaan ko ang dinner namin ni Doc Ramos. But wait, paano ko pala siya kokontakin eh wala naman akong number niya?
"Hello, Kia?" tinawagan ko siya upang mag tanong.
"Why?" inaantok na sagot niya.
Ibinaba ko ang bag ko sa table nang makarating ako sa condo. Pagod akong naupo sa sofa.
"Just wanna ask if meron kang number ni Doc Ramos?"
"Meron. Send ko sayo." nag thank you ako bago pinatay ang tawag.
After a minute ay sinend na niya. Mabilisan akong nag tipa sa aking telepono.
YOU ARE READING
Torn Between Two Hearts
RomansaIn the bustling corridors of the hospital, where the pulse of life beat steady and urgent, Danna's world intersected with Sebastian's in a twist of fate that seemed almost scripted. As a dedicated nurse, her days were a tapestry woven with compassio...