Chapter 40

17 0 0
                                    

Nagsimula na ang party mga alas kwatro ng hapon sobrang natutuwa ako dahil kagaya ng dati ay kumpleto ang aking pamilya at mga kaibigan ganun na din ang mga kaibigan at kapamilya ng aking Asawa. Buhat naman ni Mama ang apo nya na hindi na bibitawan dahil sobrang pagkamiss nya dito dahil kakauwe lang ni Mama galing business trip at sinadya na ngayon araw ay makarating sa okasyon na ito. Tumabi naman sakin si Ate Athalia at sumandig pa sa balikat ko kaya niyakap ko ang isang braso ko sa bewang nito,alam ko na gusto na din nya ng baby pero hindi pa binibigay ng langit.

I'm so happy for you,Harm. Alpha really loves you sobra.

Mahal ko din naman sya Ate. He's everything to me and Uno, ilalaban ko Hanggang huli ang pamilya ko.

Look at Mama she's very fond of Uno ano malaki na din kasi ang anak ni Alex kaya sahik sa baby si Mama.

Napatingin naman samin ang ilang mga kapatid ko si Ate Alex,Si Heat at Aimee kaya lumapit ang mga ito samin ni Ate Athalia at nakiyakap na din samin kaya sobrang saya ko dahil sa kabila ng pagkakaiba-iba namin ay nanatili kaming magkakasundo kahit pa nawala ng maaga si Papa. Nagtatawanan kami ng magsalita si Mama sa stage habang buhat pa din ang anak ko. Nagpunas pa ito ng luha na ikinatawa namin magkakapatid.

Magandang Araw sa inyong lahat, gusto ko lang pagmasdan nyo ang mga prinsesa ko.

Tumingin samin ang lahat Bago muli nagsalita si mama.

Kahit wala na ang Papa namin Masaya ako na nagampanan ko mag-isa ang pagpapalaki sa mga anak ko, masarap pala sa puso na magkakasundo ang mga anak mo at masaya sa mga tinatahak nila na mga landas sa Buhay. Noon I was afraid kung magiging mabuting Ina ba ako sa bawat Isa sa kanila pero kahit nagawan ko sila ng mga desisyon ko na hindi nila gusto sinuklian pa din nila ako ng pagmamahal at respeto. Athalia,Alexandria at Harmony I know sumama ang loob nyo kay mama nung nagdesisyon ako na ipakasal kayo sa mga lalaking sa tingin ko maalagaan kayo at mamahalin pero ngayon nakikita ko na Tama ang naging pasya ko kahit pinangunahan ko ang mga desisyon nyo. I'm sorry mga anak pero mahal na mahal kayo ni Mama.

Naiyak na kami nila ate at tumakbo naman sila Heat at Aimee kay mama at niyakap ito. Dahan dahan ako lumapit kay mama at binibiro pa ito na may eksena kaya ng nakalapit ako dito at niyakap ko ito ng mahigpit alam ko na bilang magulang ay mahirap na responsibilidad kahit pa matatanda na ang mga anak mo. Nakiyakap na din ang mga ate ko kaya mas lalong naiyak si Mama kaya ng tignan nya kami ay sabay sabay kami ngumiti.

Mahal ka naminMama!

Sa kabila ng lahat ay mananatili ang puso ko na mahalin si Mama kahit lagi kami di magkasundo ay ipagtatanggol ko sya kahit kanino dahil sya na lang ang taong mahal na mahal kami at di magaatubiling suportahan kami.

Lumapit na din samin si Mommy Samara at niyakap si Mama kaya bumaba na ako sa stage at lumapit sa Asawa ko na nakatingin sakin habang papalapit ako dito pero bago ako makalapit ay hinila ako ni Val na kinagulat ko gago takaga hahahaha kaya tinignan ko si Alpha na simangot na ngayon lalo at binuhat ako ni Val at inikot ikot pa. Si Val ang Isa sa pinakamamahal ko dahil mga bata pa lang kami ay kasama ko na ito sa lahat ng pinagdaanan ko he's not just a friend to me but my brother. Pagkababa nya sakin ay niyakap ko ito ng mahigpit dahil alam ko na kailangan nya ako ngayon lalo at nagbreak sila ng girlfriend nya na napakapit na din sakin. Mula sa mayaman pamilya si Brie at nais ng mga magulang nito na ipakasal din sa iba. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap sakin ni Val at ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito.

Ilang minuto kami na nasa ganung tagpo at ramdam ko ang tingin ng mga tao samin kaya mas niyakap ko pa si Val, he needs me at di ko sya iiwan kagaya ng hindi nya ako kailaman iniwan. Hinawakan ko ang mukha ni Val saka ko pinunasan ang mga luha nito at ngumiti sa kanya na tanda na lagi akong nandito para sa kanya.

Ang sakit,bing. I love her so much pero wala akong magawa.

Kung kayo para sa isa't isa dadating ang panahon na ipaglalapit ulit kayo ng tadhana.

Lumapit naman samin ang ilang kaibigan namin ni Val at nakiyakap na din samin upang mas maramdaman ni Val na madami kami na nagmamahal sa kanya. Iniwan ko muna si Val sa ilang mga kaibigan namin at lumapit sa Asawa ko na ngayon ay seryosong nakatingin sakin.

How's Val?

He's not okay,kita mo naman ang yakap nya sakin kanina.

He needs you.

Yes,I'm always here for him just like he's always there for me,Alpha.

I understand saka alam ko naman na sakin ka lang kaya hindi ako magseselos.

Wala ka naman dapat ikaselos ganyan talaga kami ni Val kahit nung mga bata pa kami. Sakin lang sya ganyan kaya alam ko kapag may mabigat sya na problema.

Inakbayan naman ako ng Asawa ko at niyakap ko naman ang mga braso ko sa bewang nya habang pinagmamasdan ang mga tao na mahalaga samin dalawa. Noon akala ko ay dadamdamin ko na hindi ako pinapansin ni Alpha pero mas higit pala ang pagtingin nya sakin noon pa kaya alam ko na mahal na mahal ako nito. Masayang Masaya ako sa piling nya lalo at may isang anak na kami na bunga ng aming pag-ibig sa bawat Isa. Pangarap ko noon na mahalin lang ako ng taong mahal ko pero di ko inaasahan na si Alpha yun lalo at nagpakita ito ng di pagkagusto sakin. He's the best husband in the world and the loving father of our son. Pinapangako ko sa sarili ko na lagi akong susuporta at magiging safe place ng aking asawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mafia Boss's Run Away Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon