Chapter 38

11 0 0
                                    

Napangiwi ako dahil sa sakit na naramdaman ko mula sa aking tyan kaya napabangon ako at napaupo sa kama at hinihimas ang aking tyan mukhang lalabas na ang anak ko kaya namimilipit na ako sa sakit.

Alpha! Alphaaaaa!

Sa lakas ng sigaw ko ay tyak na dinig ako sa buong mansion alam ko ma madaming tao sa bahay ngayon dahil mula nung isang linggo ay sa bahay na nagttrabaho muna si Alpha dahil kabuwanan ko ka nga. Ilang saglit pa ng humahangos na pumasok si Alpha kasama sila Leon na may hawak pa na mga baril kaya sinamaan ko ito ng aking tingin. Mga gago! Manganganak na ata ako baril pa din hawak. Lumapit sakin si Alpha na aligaga at di Malaman ang gagawin kung hahawakan ba ako o ano.

Hon,look at me! Hindi ito panahon para maaligaga ka lalabas na ang anak mo!

Napahiyaw ulit ako sa sakit dahil sobrang sakit talaga ganito ba maglabor ang isang babae tapos lolokohin lang ng mga lalaki na yan! Binuhat ako ni Alpha na alam ko na kinakabahan dahil kumakalabog ang puso nito at pilit na kinakalma ang sarili. Kinuha naman nila ang mga gamit ni baby at ganun na din ang gamit ko na inayos ko na matagal na para sa ganitong pagkakataon. Mabilis na bumababa kami ng hagdan pero nagsipuntahan sa sala ang mga tao sa mansion na tinigil ang kanilang ginagawa upang malaman kung ano nangyari at bakit ako sumisigaw.

Nay please call my mom and tell her Harmony is going to hospital I think she's in labor now.

Sige anak tatawag na ako.

Sumakay naman agad sa sasakyan si Leon na magdrive at si Gun na nasa passenger seat at kami naman mag-asawa sa likod at nakakandong ako kay Alpha mg sumakit ulit ang tyan ko at nilamukos ko ang damit nito.

River Ikaw muna bahala sa mga bisita natin uunahin ko muna ang asawa ko.

Yes boss no worries.

Nagdrive na si Leon at kasunod namin ang tatlong sasakyan pa na mga tauhan ni Alpha ang laman. Hindi ko mawari any pakiramdam dahil sobrang sakit.

Aaaaah! M-mama! Ang sakit!

Hinihimas naman ni Alpha ang tyan ko at panay halik sa aking noo alam ko na ninenerbyos ito pero hindi nito pinapakita sakin. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nito at niyapos ko ang mga braso ko sa leeg ni Alpha ng sumakit ulit ang tyan ko.

Aaaaaaah! Ang sakit Alpha! Napakasakit aaaaah.

Ssssh baby, inhale exhale kagaya ng practice mo diba? Lalabas na si Uno kaya ganyan sssh I'm here!

Tumango ako at mas niyakap ito kailangan ko kayanin dahil Buhay ni Uno ang nakasalalay dito. Maramdaman ko naman na huminto na kami sa tapat ng hospital ng pagbuksan kami ni Leon ng pinto kaya agad na bumaba si Alpha na buhat buhat pa din ako at mabilis na pumasok sa loob ng hospital habang hinihiyaw na manganganak na ako kaya dali naman na inasikaso kami at lumapit sa amin ang OB ko na tinawagan ni Gun habang nasa byahe kami kanina. Pinasok na ako sa delivery room at tinignan ko si Alpha na pawis na pawis at nagaalala sakin kaya ngumiti naman ako dito bago sya palabasin ng mga nurses. Lord help me! Sana maging maayos kami ng aking anak.

Pumasok na si Dra. Abby pati ang ibang doctor na makakasama nya sa pagpapaanak nya sakin.

Harm, kapag sinabi ko na iri, umiri ka okay? You can do it.

Y-yes dra.

Okay ready nyo lahat ng kailangan natin.

Harm, Iri!

Aaaaaaah! Whoo! Aaaaah!

Sige pa harm,kaya mo yan!

Aaaaaaah! Aaaaah!

Dra. Parang hindi bumubuka ang cervix ni Ma'am Harm.

Tinignan ako ko Dra. Sinilip nya ang aking peerta at nakita nga ito.

I think we'll do a Emergency Cesarian Section madali.

Alam ko na tinusukan ako ng anesthesia sa aking spinal cord dahil pinayuko ako ng husto saka may sinaksak sa aking likod na syang nagpamanhid na sa aking lower body at ramdam ko na ang antok ng inayos nila ang aking pagkakahiga. Mula nun ay di ko na alam ang nangyari dahil nilamon na ako ng kadiliman. Nagising ako ng madinig ko ang iyak ni Uno kasabay ng pag-pikit ulit ng aking mga mata.

Naalimpungatan ako ng may madinig ako na mga boses na parang nakapalibot sa sakin kung saan man ako maroon.

M-mama...

Harm anak, nandito si Mama.

Lumapit sakin si mama at hinagkan ako sa aking noo at hinawakan ang kamay ko.

Ang baby ko?

Lumapit si mommy samara na buhat buhat si Uno sa kanyang mga bisig at pinakita sakin si baby uno.

Here's your baby uno,harm. Napakalaki nya at sobrang pula ng pisngi at sobrang puti. Kaya pala kailangan ka i-cs eh ganyan din si Alpha nung pinanganak ko sobrang laki.

Saan po si Alpha?

Nahimatay kanina ang Asawa mo kay laking tao at kay tapang pagdating sayo wala tumitiklop.

Ate ang gwapo ng baby uno! Ang tangos ny ilong at ang kilay kagaya ng kay Kuya Alpha. Sabi naman ni Aimee.

Lumapit na din sakin si Daddy at mga Kapatid ni Alpha ganun na din ang mga Kapatid ko habang tinitignan si Uno na buhat ko na ngayon. Bunukas naman ang pinto at niluwa nito si Alpha at ang mga kaibigan nya na natatawa pa,tumingin sakin ang asawa ko at bahagya na ngumiti at hinalikan ako sa aking labi at tinignan si Baby uno.

My little angel.

Binuhat ni Alpha ang aming anak at sinayaw sayaw ito. Naluluha ako na makita ito karga ang bunga ng aming pagmamahalan alam ko na magiging mabuting ama ito at gagawin lahat para sa aming anak.

He look likes me,baby. Thankyou for giving me home and a reason to be better, Harmony. I love you so much and our baby uno.

We love you too daddy!

Napaingit ako ng maramdaman ang kirot ng tahi ko kaya napatingin sakin si Alpha at binigay muna kay mommy ang anak namin saka umupo sa gilid ko at hinawakan ang aking kamay.

I'm sorry baby.. for all the pain that I've caused you. I'm sorry.

Don't say sorry, all the pain is worth it because I gave birth to our baby,hon. I love you always don't be sorry.

Mafia Boss's Run Away Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon