Chapter 8

39 2 0
                                    

Naalimpungatan ako ng madinig ko na nagri-ring ang cellphone ko kaya kinapa ko ito sa bed side table. Papungas-pungas pa ako na sinagot ang tawag at di na nag-abala na tignan kung sino ito.

Alpha! Harmony is nowhere to be found. Tumawag sakin si Tita Emilia mo ng makita nya na wala sa kwarto si Harmony. Mom yelled at me. Napadilat ako at mas hinila pa payakap sakin ang hinahanap nya.

Mom calm down okay? Sagot ko naman sa kanya. Natataranta si Mommy dahil lang nabalitaan na di umuwe si Harmony sa bahay nito.

How can I calm down? She's missing for goodness sake. Alam mo naman Alpha na si Harmony lang ang tanging hinihiling ko sayo hindi ba? Rinig ko ang bunting hininga nya sa kabilang linya.

She's with me. She's sleeping beside me to be exact. We're in Zambales. Dito kay Tito Dom. Sagot ko kay mommy na alam ko na kinabigla nya.

Sigurado ka ba? Picturan mo nga. Siguraduhin mo na Ikaw ang kasama nya at hindi iba. Sinasabi ko sayo Alpha Devon. Sige na anong oras pa lang ng umaga matulog ka na ulit. Binaba na nya ang tawag tinignan ko muna si Harmony na natutulog sa tabi ko bago ko ibalik ang cellphone sa side table.

I'm staring at her beautiful face. Akala mo napakabait kapag tulog mukhang tigre naman kapag gising. Napatawa ako sa naisip ko. I kiss her forehead and smiled thinking that she's sleeping in my arms just like that. Nagulat ako nung yumakap sya sa bewang ko at mas siniksik pa ang sarili sakin. May naging boyfriend kaya sya? Dahil di ko nabalitaan yon for the past 4 years na pinapasundan ko sya. Pero kung meron man malabo na nya makuha pa sakin ang sakin talaga una pa lang.

Bigla ko tuloy naalala yung panahon na sinusungitan ko sya. Kapag inaaya nya ako mag-laro noon sa hacienda. Nung mga panahon na gusto nya maligo sa batis malapit sa bundok at ako ang inaaya nya. Hindi ko sya sinamahan o ni minsan hindi ako nakipaglaro sa kanya. Natatameme kasi ako kapag andyan sya. Kapag makikita ko ang maaliwalas nyang mukha, mga Mahabang pilikmata, matangos na ilong at mapupulang labi. She's the epitome of beauty. Naalala ko pa mung panahon na mag-aaral ako sa America iniyakan nya ako at sinabi na wag ko sya Iwan kahit na minsan hindi ko sya kinibo,Hindi ko sya pinagbigyan pansin. I touches her long wavy hair. Parang kelan lang dalagingding pa sya ngayon ganap ng dalaga. Halos isang oras ko na sya tinititigan ng mapagtanto ko na 6 am na ng umaga at nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa nito ang kaibigan ko na sina Leon at River. Napangisi sila at tumango lang ako. Umalis ako sa tabi ni Harmony at nilagay ang isang unan para yakapin nya. She's sleeping like a baby. I chuckled.

Pagbaba ko ng hagdan mga mapanuring mga mata ang natagpuan ko at inumpisahan na akong asarin na atang kinangisi ko naman.

Sarap tulog mo boss? Natatawang Saad ni Timothy kaya sinamaan ko ng tingin.

Parang nasa langit ang pakiramdam ni boss ngayon higpit ng yakap nya kay Harm eh. Tawang-tawa sila sa pinagsasabi sakin kaya napatawa na din ako.

Gising na pala kayo boys. Magandang Umaga sa inyo. Maligayang bati naman samin ni Tita Tina at naghahanda na ng almusal. Nasaan si Harm? Tulog pa din? Tanghali na talaga gumising ang Bata na yon natatawang dagdag sahi pa nya. Halika na kumain muna kayo bago kayo pumunta dyan sa farm ni Tito Dom nyo.

Mabilis kami pumunta sa dining area ng napatingin ako sa hagdanan kung saan bumaba ang isang anghel na bigay ng Diyos dito sa lupa. Napatitig ako dahil nakasuot sya ng summer dress at nakalugay ang Mahabang buhok. Napatikhim si Tita Tina ng Makita kung sino ang tinitignan ko na syang tinignan na din ng mga kaibigan ko.

Harm halika na kumain ka na dito. Dinig kong tawag ni Tita kay Harmony.

Yes mi Teka lang tumatawag si Mama. Dinig namin sagot nya pabalik. Pumasok sya sa kusina at umupo sa tabi ko habang nasa kabilang Tenga ang cellphone nya at tyak na sinesermunan ni Tita Emilia.

Ma, please. Kakagising ko lang sermon almusal ko. Kaya ko sarili ko di mo ko kailangan alalahanin. Okay fine, whatever. She rolled her eyes and doing a make face. Napangisi ako matigas talaga ulo ng isang to.

Napatingin ako kay Tito Dom na napailing dahil sa inakto ni Harmony habang kausap ang mama nya. Matigas talaga ulo nyan Alpha tyak sasakit bungo mo dyan. Natawatawang Sabi nya bago maupo sa tapat ko. Napatingin ulit ako Kay harmony habang kausap nya pa din ang mama nya.

Ma ano ba? Kasama ko si Alpha okay? Happy? Sige magseselfie ako kasama sya mamaya pagkakain ko. Wag ka excited. Si alpha na lang kaya maging anak mo tutal kanina mo pa sta bukambibig. Dinig ko na sagot nya sa mama nya kaya nilagyan ko na ng pagkain ang Plato sa harapan nya at kinasipol ng mga kaibigan ko.

Hays. Kaasar. Aga aga sermon ibubungad. Arrrgh!

Si mama mo ba yon? Tanong ni Tito Dom kay Harmony.

Sino pa ba daddy? Syempre naman. Alam mo naman yon sakin lang ganun yon dahil dalang-dala na daw sya sakin. Baka daw umalis na naman ako ng walang paalam at malaman na nasa ibang bansa na naman ako. Natawa sya habang kinekwento ang mga yan.

Nagaalala lang yun sayo nak. Syempre baby ka non. Kahit di kayo magkasundo madalas walang isang Ina na hindi Mahal ang kanyang anak. Saad pa ni Tito Dom.

Sa totoo lang di ko din maintindihan yan si Mama. Naalala ko dati lahat ng kapatid ko pinapayagan nya umattend ng field trip tapos ako hindi kasi daw matigas ulo ko. Napatingin ako sa kanya. Kaya ang ending isasama ako ni daddy sa hacienda nila tito Seb at dun ako nagmumukmok kasi di ako pinasama.

Oo naalala ko yon, gusto ko sabihin sa kanya. Yun pa nga yung araw na paalis ako papunta sa America na syang kinaiyak nya din ng husto. Ano kaya tingin nya sakin noon? Bakit sya umiyak nung umalis ako? Nagulat ako nung sumandal sya sa balikat ko habang umiinom ng mango juice. Tumingin sya sakin.

Angkas mo naman ako sa kabayo,Alpha. Nung Bata ako pinapaiyak mo pa ko pero di mo naman ako inaangkas sa kabayo mo noon. Punta tayo sa beach. Gusto ko magswimming. Saad nya sakin bago ngumiti ng Kay tamis-tamis na syang kinatingin ko sa paligid namin.

Mafia Boss's Run Away Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon