Chapter 31

29 1 0
                                    

Hindi din naman ako natuloy na pumunta sa Japan dahil ayaw pumayag ni Alpha kaya ang ending ay ang kapatid ko na si Athalia ang pumunta para sakin. Hindi ko din maintindihan ang asawa kung bakit Ganon na lang sya sakin kung mahigpit sya noon mas humigpit sya ngayon. Kapag tinatanong ko naman ay sinasabihan lang na nagiingat sya at pinoprotektahan ako. Maaga ako pumunta sa bar dahil may big event kami ngayon kaya abala ang mga tauhan ko sa dami ng tao na nandito at mga pupunta pa.

Hindi ko na namalayan ang oras alas-onse na pala ng gabi napakadami ng tawag at texts sakin ni Alpha na di ko napapansin. Nagdesisyon ako na basahin ang mga texts nya sakin.

Love Anong oras kita susunduin? Wag ka magpagabi. Iloveyou.

Kaninang alas nuebe pa nya iyon tinext sakin kaya ilang oras na ang lumipas pero hayaan na susunduin at susunduin naman ako ni Alpha.

Lumapit ako kay Lexy na abalang-abala sa pagestima sa mga customers namin pati na din si Julia sa bar counter na syang kinangiti ko. Akalain mo na tiba-tiba kami ngayon. Pababa ako ng hagdan ng mahagip ng aking mga mata ang nakatitig sakin na Asawa ko na hawak hawak pa ang beer nito. Parang kumpleto sila ngayon na magkakaibigan hindi ko ito pinagtuunan ng pansin ng biglang may humaltak sa braso ko na kinagulat ko.

Harm.

Napatingin ako dito ng makita na si Wency ito. Sinamaan ko ito ng tingin at binawi ang braso ko na hawak nya. Halatang nakainom na din ito base sa amoy nito at naniningkit nitong mga mata.

Ano ba Wency?

Can we talk please? I badly want to talk to you.

There's nothing to talk about Wency! Pwede ba pati ba naman dito!

Bakit ba ang ilap-ilap mo sakin? Noon pa ako nagbibigay ng motibo sayo pero di mo man lang magawa na maging maayos sakin.

You know the answer. I don't like you!

Ano ba ang problema sakin? Sabihin mo sakin harm.

Ayoko lang talaga sayo so please umalis ka na at lasing ka na.

Halos pinagtitinginan na kami ng ibang nasa paligid namin na syang kinabahala ko dahil nandito si Alpha. Ayoko magkagulo kaya pinasya ko na lagpasan na lang si Wency ng bigla ako nitong hatakin at hinalikan ang labi ko na syang kinagulat ko. Pero mas nagulat ako ng tumilapon ito at nagsigawan ang ilang kababaihan na nasa bandang gilid namin.

Putangina mo!

Nakita ko ang galit na galit na mukha ni Alpha namumula ito sa galit at kitang- kita ang galit na galit na ugat nito sa leeg. Away-awat naman ito ni Timothy at Leon pero hindi din nila mapigilan si Alpha Lalo at malaking lalaki talaga ito.

Nilapitan nito si Wency at pinagsusuntok hanggang sa duguan ito at mawalan ng malay. Napahawak ako sa aking bibig ng Makita ang kinahinatnan nito. Nanlalaki ang aking mga mata sa pwede Gawin ni Alpha. Hindi ko nakita noon ang ganitong ekspresyon nya na Ngayon ay kitang-kita ko.

Taas baba ang kanyang paghinga ng mabaling sakin ang kanyang nanlilisik na mga mata. Nakaramdam ako ng konting takot pero alam ko na di nya ako sasaktan Wala din naman ako kasalanan hindi ko naman alam na gagawin iyon ni Wency.

Mabagal ang paglalakad ni Alpha papunta sakin, nakapalibot ang mga kaibigan nya samin kaya halos kahalatiin namin ang gitna kung saan madaming tao.

Titig na titig sya sakin at kitang- kita pa din sa kanyang mga mata ang galit. Dinala naman na si Wency ng mga gwardiya at tinawagan na ang ambulansya hindi naman makapalag ang ibang kasamahan ni Wency dahil siguro sa takot kay Alpha.

B-babe tawag ko dito ng isang dangkal na lamang ang aming pagitan.

Tumitig ito sakin at kinuha ang panyo sa kanyang bulsa at pinunaaan ang aking labi. Nabibingi ako sa kanyang katahimikan hindi ako sanay na ganito ito. Hinawakan nya ang aking pisngi at seryoso na tumingin sakin.

H-hindi ko naman alam na gagawin nya iyon.

Tumango ito at hinawakan ang aking kamay palabas ng bar. Nakasunod lang samin ang mga kaibigan nya na halata sa kanilang mukha ang takot sa aking Asawa.

Alpha.

Mahina ang pagtawag ko sa kanyang pangalan na kinahinto nya. Dinig na dinig ko ang malalim nyang buntong hininga.

Bakit mo naman ginawa iyon? Paano kung mapatay mo yung tao? Nagiisip ka ba?

Humarap sya sakin at kagaya kanina ay Wala pa din itong emosyon.

Papatayin ko naman talaga sya! He fucking kissed you!

Hindi ko naman ginusto iyon babe nagulat lang din ako.

Ano gusto mong Gawin ko tignan lang sya na halikan ka?

Wala naman akong sinabi ang akin lang sana naging kalmado ka muna. Hindi Puro init ng ulo.

You are mine, Harmony. Sakin ka lang,Sakin lang.

Hinawakan ko ang kanyang braso at hinimas ito. Ngumiti ako sa kanya upang malaman nya na alam ko na sa kanya ako.

I know baby, Wala naman aagaw sakin mila Sayo eh.

Putangina harm, nagiinit ang dugo ko kung alam mo lang. Ilang taon ako naghintay Sayo putangina lahat tiniis ko na wag ka muna lapitan pero ang hayop na iyon malakas ang loob na gawin ang gusto nya ng ganun-ganun lang.

Ngumisi ako dito at hinawakan ko ang kanyang mukha.

Di naman halata na inlove na inlove ka sakin ano?

Psh.

Ayiie! Alam mo love wag ka mag-alala sayo lang ako walang aagaw okay?

Hindi ko tuloy napigilan ang galit ko sa Nakita ko.

Ngayon pa lang matuto ka na magtimpi at humaba ang pasensya mo baby.

Paano? Sige nga.

You should Alpha because I'm not your baby anymore.

W-what do you mean? A-are you breaking up with me?

Napatawa na ako ng malakas at napatapik pa sa kanyang tyan na punong-puno ng abs.

Nagpa-check up ako last week then I found out that

You found out what? Tell me.

I-I'm pregnant again.

Napatulala sya sakin at nagulat ako ng bigla na lang ako umangat sa ere ng buhatin ako nito at pinaikot-ikot kaya napatapik ako sa kanyang balikat.

Is that true? Are you pregnant for fucking real?

Ngumisi ako dito at binigyan sya ng magaan na halik sa kanyang labi.

Mafia Boss's Run Away Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon