Chapter 1

85 4 0
                                    


"Harmony! Gumising ka na anong oras na pababa na araw di ka pa gumigising hindi ka pa kumakain kapag naabutan ka ni mama sermon ka na naman."

Ano ba naman to si ate puyat nga ako madaling araw na ako umuwe at ako duty sa bar kagabi. "Harmony hissed while looking at her sister who's looking at her."

Alam mo harm, kilala mo naman si mama kapag sinabi nya sinabi nya gusto mo na naman ba na may mga bantay? Hindi ka na nadala. Sinabi ko naman sayo kahit di natin kasama lagi si mama she's always watching us, remember? There's a CCTV here in our house kulang na lang pati banyo meron. "Alexandria pinched her sister's cheeks and tapping her face to wake her up."

Gigising na ako ate wag ka na manermon aga-aga nanenermon ka sinisira mo araw ko. Nasaan ba sila Ameera at Heather sabi ko sa kanila sila pumunta sa bar ngayon at bibisitahin ko ang racing field ngayon.

Tumayo na ako at tinulak si ate palabas ng kwarto dahil maliligo na ako at 5:30 na ng hapon maghapon na naman ako tulog tyak gising na naman ako sa magdamag. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may message galing sa mga kaibigan ko nung nalaman ko na wala dumeretso na ako sa banyo at naligo na.

Minsan gusto ko din maging mag-isa malayo sa kahit kanino pakiramdam ko sakal na sakal na ako sa ginagalawan ko para akong nasa hawla hindi ka makalipad dahil nakakulong ka at ang tanging paraan para makaalis ka eh ang sumunod ka sa Mama mo at kung hindi, iba ang kahihinatnan. Hays buhay nga naman.

Napaisip ako bigla paano kaya nakakaya nila ate ang mga gusto ni mama at lagi sila naka-oo sa mga sinasabi nito. Naging masaya kaya sila sa buhay nila? Ilang taon na din kasal si Ate Alex kay Kuya Theo ni minsan hindi ko sya nakita na ngumiti o tumingin ng maganda sa Asawa nya eh mabait naman yun nga lang eh busy lagi sa negosyo. Kung ako ikakasal gusto ko dun sa tao na mas Mahal ako. Natawa ako habang iniisip ko ang mga iyan.

Sabi nila iba ako samin magkakapatid kasi makatwiran ako, di ako nagpapatalo basta alam ko may Punto ako at ako lang ang malakas loob na sumalungat sa gusto ng nanay ko. Hay Nako Harm! "Napatampal ako sa noo ko habang naglalakad palabas ng banyo upang magbihis."

Ako si Harmony Tennessee at pangatlo ako samin magkakapatid kasi Lima kami and all girls. Our first born is Athalia next si Alexandria, pang-apat si Ameera at ang bunso namin si Heather.

Pagkabihis ko bumamaba na ako at nakita ko si Heather sa sala habang nanunuod ng tv. " Bunso, umalis na ba si ate Alex? Sinundo na ni kuya? Tanong ko sa kapatid ko na tutok na tutok sa panunuod ng paborito nyang movie series na Twilight.

Oo ate harm, hinanda na nya pagkain mo kumain ka na daw bago ka umalis at hintayin mo ko at sasama ko sayo sa bar. Sabi naman ni heather habang pinatay ang off button sa remote.

Pumunta na ako sa dining at Nakita ko nga ang pagkain na hinanda ng ate ko. Nagluto pala sya ng paborito kong lengua mapapadami na naman kain ko neto.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang social media accounts ko at nagselfie na ko at pinost ko na sa IG na may nakalagay na caption na "Woke up like this kahit hapon na."

Habang kumakain ako bigla nag-ring ang cellphone ko and I rolled my eyes when I found out that it's my mom.

Tennessee pumunta ka bukas sa company at may pag-uusapan tayo importante wag ka malalate I'm warning you. At binabaan nga ako pabagsak pa. Galit na naman.  Hindi pa ako nakakasagot eh binaba na.

Tumayo na ako at tinawag si Heather ubod ng kupad ng kapatid ko na ito. Kaasar.

" Nakasimangot ka na naman ate harm, tinawagan ka din ni mama? Sabi nya habang natatawa.

Oo binabaan nga agad ako di pa ko nagsasalita iba talaga yan si mama Sabi ko na lang habang sinasara ang pinto ng bahay namin. Sumakay ka na sa kotse at ilalagay ko lang susi sa ilalamin ng paso baka umuwe na si Ameera.

Pasakay na ako Ng kotse ng mapansin ko na wala pala ako kaayos-ayos at napansin ko din na okay lang kasi maganda naman ako baka sumobra pa. Char hahaha

Pagdating namin sa bar madalim na nasa past 6 pm na din ng gabi pinauna ko na si Heather sa loob at may titignan pa ako. Habang may inaayos ako may mga lalaki ako na Nakita na papasok sa bar matatangkad sila at mga gwapo din pero Isa ang pinagtaka ko may isang lalaki na matalim ang mga mata na nakatitig sakin na para bang kilalang-kilala nya ako at base sa tingin nya hindi nya gusto ang suot ko, ano kaya ang problema nya?

Mafia Boss's Run Away Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon