LOVE, PEARL 3

514 10 1
                                        

Bago ako umalis para sa trabaho, lumapit sa akin si Lola. Ang kanyang mga mata ay may lungkot na hindi ko maintindihan.

"Apo... hindi mo na kailangang maghirap para sa akin ha?" sabi niya habang hinahaplos ang aking pisngi. Ang kanyang kamay ay nanginginig, at bigla akong natakot.

"Lola, malaki ang pasasalamat ko sa inyo. Tama lang 'tong ginagawa ko, para sa atin 'to. Dadalhin ko pa kayo sa London," sagot ko, hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.

Pilit kong pinipigilan ang panginginig ng aking boses.

Ngumiti siya, pero may kakaiba sa ngiting iyon. May mga ibig sabihin ito na ayokong isipin, ayokong tanggapin.

"Parang hindi ko na aabutan 'yan, Pearl..." mahinang sabi niya.

Parang may kumurot sa puso ko. Hindi, hindi pwedeng mangyari 'yon.

"Lola, syempre naman maaabutan niyo 'yan. Diba? Sabay tayo ni Ciella pupunta roon. Ipapasyal ko kayo..." sagot ko, pilit na pinapanatili ang ngiti sa aking mga labi kahit na gusto kong umiyak.

Ngumiti lang siya sa akin, hindi na nagsalita. Pero ramdam ko ang bigat ng kanyang mga salita, ang bigat ng kanyang tinitingnan.

Sa buong araw ng trabaho, hindi ko maalis sa isip ang mga sinabi ni Lola. Habang nakaupo ako sa aking desk, pilit na nagtatrabaho, bumabaha ang mga alaala.

Naalala ko kung paano niya ako kinupkop noong wala na akong mapuntahan. Kung paano niya ako inakap sa mga gabing umiiyak ako dahil sa sakit ng nakaraan.

Kung paano niya tinanggap si Ciella nang walang pag-aalinlangan, minahal ito na parang sarili niyang apo.

Bigla akong napaluha habang nagta-type sa laptop. Mabilis kong pinunasan ang mga luha, umaasa na walang nakakita.

"Hindi ka puwedeng mawala, Lola," bulong ko sa sarili ko. "Hindi ko kaya..."

Naalala ko ang pangako ko sa kanya - na dadalhin ko siya sa London, na ipapakita ko sa kanya ang mundo. Pero bakit parang nangangamba ako na hindi ko na ito magagawa kasama siya?

Pagkauwi ko ng bahay, agad kong hinanap si Lola. Nakita ko siyang nakaupo sa kanyang paboritong upuan, nakatingin sa labas ng bintana.

"Lola..." tawag ko, pilit na pinapanatili ang kalmadong boses. "Kumusta po kayo?"

Lumingon siya sa akin, ngumiti. "Ayos lang ako, apo. Ikaw, kumusta ang trabaho mo?"

Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kanyang kamay. "Lola, 'yung sinabi niyo kanina... Huwag niyong sabihin 'yun ulit, ha? Kailangan kong dalhin kayo sa London. Kailangan niyong makita kung gaano kaganda doon."

Hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay. "Apo, kahit saan ako dalhin ng tadhana, alam mo bang masaya na ako? Nakita kitang lumaki, nakita kong naging matatag ka. Nakita kong naging mabuting ina ka kay Ciella. 'Yan ang pinakamagandang regalo na naibigay mo sa akin."

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Yumakap ako kay Lola, ramdam ang kanyang payat na katawan sa aking mga braso.

"Lola, kailangan pa kita. Kailangan pa kayo ni Ciella," hikbi ko.

"Nandito lang naman ako, apo," bulong niya, hinahaplos ang aking likod. "Kahit saan man ako dalhin, lagi akong nasa tabi niyo."

"Mama, okay lang po ba si Lola?" Ciella asked as I gently patted her back, our nightly routine to help her fall asleep. She loved it when I did this.

"Oo naman," I assured her, forcing a smile. "Kumusta pala ang laro niyo ni Tita Iyana kanina sa bahay niya?" I asked, trying to change the subject.

Iyana was one of the few people who helped me out, taking care of Lola and Ciella when I had to work. They'd stay at her place until I was about to come home.

Love, PearlWhere stories live. Discover now