Napangiti ako habang pinapanood si Ciella na masayang nagkukwento kina Mommy at Daddy tungkol sa family day na nanalo kami.
Ang saya-saya ng anak ko, at hindi ko mapigilang mapaluha nang konti. Ito na nga ba 'yung buhay na pinangarap ko noon? Kumpleto, masaya, puno ng pagmamahal?
"Mahal, okay ka lang?" tanong ni Mauri, napansin niya siguro ang mga mata ko.
"Oo naman," sagot ko, pinupunasan ang luha. "Masaya lang talaga ako."
Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng dibdib. Napahawak ako sa dibdib ko, at agad napansin ni Mauri.
"Pearl? Kailangan mo ba ng gamot mo?" tanong niya, nag-aalala.
Umiling ako. "Hindi, okay lang ako. Maliit na pananakit lang."
Agad naman akong tinitigan ni Mauri na parang inoobserbahan ako. "After this... pa-andioplasty na tayo ha?"
I nodded.
"Mommy, Daddy! Tara na, may next game pa raw!" sigaw ni Ciella, hinihila kami pareho.
Ngumiti ako kay Mauri, sinusubukang itago ang sakit. "Tara na, mahal. Huwag nating paghintayin ang anak natin."
Habang naglalaro kami, hindi ko mapigilang isipin kung gaano kahalaga ang bawat sandaling ito. Bawat tawa ni Ciella, bawat ngiti ni Mauri, bawat yakap ng pamilya ko - lahat ito ay nagbibigay sa akin ng lakas para labanan ang sakit na ito.
Nang matapos ang family day, habang naglalakad kami papuntang sasakyan, biglang nagsalita si Ciella.
"Mommy, bakit po kayo laging umiinom ng gamot?"
Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Tumingin ako kay Mauri, humihingi ng tulong.
"Anak," simula ni Mauri, "si Mommy mo kasi ay... special. Kailangan niya ng extra care para laging malakas at masaya."
"Ganun po ba?" tanong ni Ciella, mukhang nag-iisip. "Eh di po ba pwedeng gawin na lang nating lahat 'yung extra care para hindi na siya iinom ng gamot?"
Napaluha ako sa sinabi ng anak ko. Yumuko ako para yakapin siya. "Oo naman, anak. Ang yakap at pagmamahal niyo ang pinakamagandang gamot para sa akin."
Totoo 'yun, Mauri. Yakap at ngiti niyo lang, magaling na ako. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap, kapag nakikita ko kayong dalawa, parang nawawala lahat.
I love you both so much. You give me strength when I have none left, and your happiness fuels my weary soul. Even when everything seems hopeless, knowing that I have you both gives me a reason to keep fighting.
Love, Pearl
Niyakap din kami ni Mauri. "Kaya nga palagi tayong magkakasama, diba? Para alagaan si Mommy."
Habang nakatayo kami roon, magkayakap, naisip ko kung gaano ako kapalad. May sakit man ako, pero ang pag-ibig ng pamilya ko ang nagbibigay sa akin ng lakas para lumaban.
At kahit ano pang mangyari, alam kong hindi ako mag-iisa sa laban na ito.
I sat at the vanity table, brushing my long hair when I felt Mauri's wet kisses on my shoulder. "Is this how you court?" I asked, laughing.
"You're so... beautiful. Ciella takes after you," he murmured against my skin.
"Oh please, she's your spitting image," I retorted, our laughter filling the room.
As our giggles subsided, Mauri's expression turned serious. "Tomorrow, let's arrange your operation. We can't risk losing you. I'll explain everything to Ciella."
YOU ARE READING
Love, Pearl
Ficción GeneralPEARLS & SCARLET HEARTS You're diagnosed with a serious heart condition-but nothing prepares you for the surprise when your ex-boyfriend, Mauricio, who's now a respected cardiologist, is assigned to be your doctor.