CHAPTER 11: Feelings for Her!

2 0 0
                                    

TAHIMIK lamang si Dark, naroon sila sa hospital kung saan naka-confine si Azul. Kanina pa siya hindi umiimik. Bagay na ikinahilot ni Demon sa kaniyang sintido matapos nitong makalap ang impormasyon mula kay Rozzy.

“Dude,” nag-aalangan pa nitong sambit dahil sa hindi maipintang mukha ni Dark.

“Spill it!” malamig na ani Dark.

Demon heaved a sigh.
“Azul is the heir of the Cartel Clan.”

Dark's sapphire eye became fierce. He clenched his jaw and a devilish smile form in his lips.

Tumawa ito, tawang nagbabanta at nakakatakot. Hindi kumibo si Demon, alam nitong nasaktan ang kapatid sa ginawang pagta-traydor ni Azul. Sa kanilang lahat, si Azul lang talaga ang malapit kay Dark.

“Let me know if he is still alive, Demon!” Dark said in his cold tone.

Napalunok si Demon, seryoso ang kambal niya, nakamamatay din ang titig nitong tumingin habang may ngisi sa labi. Nang humakbang palabas si Dark ay saka pa lamang nagkatinginan sina Leiron at Demon. Alam na nilang, may pananagutan si Azul kapag magising na ito.

————
HINDI dinalaw ng antok si Anya, lagpas alas dyes na ng gabi pero hindi pa rin nakauwi si Dark. Bago pa kasi ito umalis kanina, sinabi nitong sabay silang kakain. Pero hanggang ngayon, hindi pa ito dumarating.

Yakap-yakap niya ang kaniyang braso habang nakatanaw sa labas. Mag-isa lamang siya sa malaking bahay bagay na ikinatakot niya na rin. Hindi siya sanay kahit pa na lagpas buwan na siyang nakatira kasama ang binata.

Dahil manipis ang pajama niya ay hindi niya mapigilang hagudin ang braso upang maibsan ang lamig sa labas.

“Dark, nasaan ka na ba?” sambit niya at kinakausap ang sarili.

Nakaramdam siya ng kaba sa mga sandaling iyon. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan.

Ilang sandali ang itinagal niya sa labas ay kaagad niyang nasilayan ang sasakyan na parating. Pinalitan nang tuwa at pananabik ang damdamin niya dahil, kilala niya kung sino ang sakay niyon.

Ginarahe ni Dark ang sasakyan nito bagay para masundan ito nang tingin ni Anya. Nakangiting inabangan ni Anya ang binata. Ngunit, kaagad na napawi ang ngiti nito nang makita niyang si Leiron ang sakay niyon at kaagad na inilabas doon si Dark na pasuray-suray na kung maglakad. Kunot-noo, humakbang siya papalapit  para salubungin ang dalawa.

“Lei, tulungan na kita na. Thank you, ah?” sambit niya at kahit mas mabigat pa sa kaniya si Dark ay ginawa niya ang makakaya niyang tulungan ang binata.

Amoy-alak si Dark bagay na ikinangiwi niya. Nang marating nila ang sala ay minabuti niyang ihiga doon ang binata.

“Diyos ko naman sayo, Dilim! Uminom ka pa! Alam mo ba na, ang bigat-bigat mo!” singhal niya rito.

Natawa si Leiron, humarap ito sa kaniya.

“Ikaw na ang bahala kay, Boss. Alagaan mo siya, Anya. Kailangan ka niya ngayon,” buong tugon ni Leiron bago ito humakbang paalis.

Tanging pagtitig na lang din ang nagawa ni Anya. Dahil, wala siyang ideya sa mga sinasambit ni Leiron.

Umungol lamang si Dark, at kalaunan bumukas ang talukap ng mga mata nito. At namumungay ang mata nitong ngitian siya at saka hinagilap ang kaniyang kamay. Bigla siyang natigilan nang hawakan siya ni Dark sa kanyang bewang at walang paalam na pinakandong.

Hindi siya nakakilos. Langhap na langhad niya ang amoy ng alak mula sa bibig ni Dark. Alam niyang lasing ito. At wala sa katinuan ang pag-iisip.

“Dito ka lang muna, samahan mo muna ako, okay?”

MAFIA BOSS REDEMPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon