CHAPTER 22: Ang Pagbabalik!

4 0 0
                                    

NAIILING, at pilit na winawaglit ni Anika sa kanyang isipan ang naging kondisyon ng kaniyang boss. May impormasyon naman siyang nakalap tungkol sa binatang bilyonaryo pero alam niyang hindi iyon sapat.

She heaved a sigh,
sakto naman na tumunog ang mobile phone niya mismo. Pagtitig niya roon. Si Julea kaagad ang bumungad.

“Hey,” sagot niya rito.

“How's work, Anika?” Julea asked her.

Napanguso siya bago sumagot, “You won't believe what's happening at work. My boss is being super strict about this new documentary project on a ruthless mob in the city.”

“Seriously? That sounds intense. I've heard stories about how those mobsters operate. It's no joke!” naisagot ni Julea bagay na ikinakagat-labi niya.

“I'll do research and cover everything about mobs, their history, operations, and all the risky details. It's a bit overwhelming,” naisaad ni Anika.

She heard Julea's heaved a sigh.

“I can imagine. It's important work, though. What are you planning to do?” she heard Julea's cheering voice. “So, sino ba ang mob na pinapa-interview ng, boss mo? Si Daddy Wilbert ba?” patuloy nito.

Napailing si Anika. Kung sana, ang Daddy Wilbert niya ay panigurado siyang, tapos na ang problema niya.

“No, it was Dark Silvestre,” sagot niya rito.

Hindi kaagad nakaimik si Julea bagay na ikinangiwi niya.

“Are you really sure? Alam mo ba na sa bansang Pilipinas siya nanirahan?” anito bagay na ikinatigil niya. “Don’t tell me, Anika na babalik ka pa ng pilipinas para makipagkita sa lalaking iyon?” may bahid ng pag-aalangan ang tinig na sambit ni Julea.

Natawa siya, ‘cause, Julea is an elder sister to her. Ang pananahimik niya ang hudyat para hindi na muling mag-usisa pa ang katawagan.

HALOS malukot mula sa mga kamay ni Hubert ang iniabot ni Stewart na kuhang larawan ni Dark Silvestre. Nasa bansang Italy na ito, at kasalukuyang nakikipagkita sa mga Consigliere. Mas lalo lamang tumindi ang impluwensya ng binata dahil sa halos hawak na nito ang iba pang organisasyon.

Bahagya itong nagkunot-noo, at nabaling sa tumutunog na telepono ang atensyon niya. Ang sekretarya nio ang sumagot doon bagay na ikinatango niya rito.

“Sir, your sister is on the line, she wants to meet you, after the meeting.”

He just nodded, bagay na siyang ikinatugon naman ng sekretarya niya sa kapatid.

Kailangan niyang mag-isip nang paraan, kailangan nilang ilayo si Isabela o mas kilalang Anika mula kay Dark. Alam niyang, kaya ginagawa ito ni Dark ay para makapaghiganti. Alam niyang, hindi minahal ng lalaking iyon ang kapatid niya dahil, ginawa niya itong alipin.

Mas lalong sumidhi ang naramdaman niyang galit. Mahilig sa mga babae ang Dark na iyon, at hindi ito karapat-dapat sa kaniyang kapatid.

“Bantayan mo, si Anika. Alam mo kung ano ang nararapat, Stewart. Kampante akong, sayo namin ipagkatiwala ang kapatid ko,” aniya bago tinapik sa balikat ang kaibigan.

“Hindi maganda sa kondisyon niya na maalala ang lalaking iyon. Mapapahamak lamang siya!” muli niyang pagpapatuloy.

“Gagawin ko, Hubert. At isa pa. Napalapit na sa ‘kin ang mga pamangkin mo. Hindi ko na rin papakawalan si Anika, Hubert. She's my wife!” tugon ni Stewart bagay na ikinatango nito.

AFTER work, sinundo ni Stewart ang asawa. Hawak nito ang kamay ni Anika saka ito dinala sa labi para halikan ang likod niyon. Napasunod nang tingin si Anika sa ginawa niya habang may ngiti sa labi nito.

MAFIA BOSS REDEMPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon