CHAPTER 8: Her Beauty

3 0 0
                                    

BUMUNGAD kay Anya ang malawak na bulwagan; nang ilipat niya ang paningin sa paligid ay purong mga bigating tao ang naroon. Bahagya niyang sinilip ang sarili. Maayos naman ang suot niya at walang mali roon ngunit, bakit nakatingin ang mga iyon sa kaniya.

“Let them praise you, nagandahan ang mga iyan sayo, Anya.”

Napatingala siya kay Dark. May katangkaran kasi ang binata, mula sa 5'9 height nito. Walang panama ang tangkad niyang 5'6 kumpara sa binata.

“Hindi, ba-baka hindi nila gusto ang suot ko. Halos kita kasi ang dibdib ko,” deretsahang sabi niya.

Tumikhim si Dark, natuon ang tingin nito sa lalaking paparating.

“Hi, I'm Allan Perino, pleased to meet you, Mr. Silvestre!” anang lalaking sumalubong sa kanila sabay lahad ng palad nito upang makipag-kamay.

“Hi!” tanging naisaad ni Dark.

Tinanggap ng binata ang pakikipagkamay ng kaharap.

“Enjoy your stay, Mr. Silvestre!” nakangiti nitong sambit, bago ito tuluyang umalis ay tinapik nito ang balikat ni Dark.

Tanging pagtango lamang ang ibinigay ng binata. Seryoso ang mukha nito nang sipatin ito ni Anya. Nasanay na siya sa mukhang iyon, tila natural na ito ng binata.

“Don't stare at me like that, Anya.”

“Ho?” lutang niyang naisaad.

Dark just smirked,
humakbang ito bagay na ikasunod ni Anya.

Sa bandang bahagi, naroon sina Azul, Terrence at Leiron habang si Demon ay halos malaglag ang panga nang makita si Dark, kasama ang dalagang muntik niyang magawan nang disgrasya.

He gulped, hindi siya pwedeng mawala ngayon sa party. Baka, masaktan pa siya ni Dark kapag nagkataon.

“Dem, are you alright?” usisa ni Azul.

Pinagpawisan nang walang dahilan si Demon kahit, naka-aircon ang malawak na silid.

“Yeah! Don't mind me, palapit na sila Dark,” tanging sagot niya at bahagyang niluwagan ang suot.

Sinundan ng mga ito ang dalawang papalapit. Kapwa, hindi makakibo sina Terrence, at Leiron lalo na si Demon nang masilayan nang malapitan ang babaeng kasa-kasama ni Dark.

Bumundol ang matinding kaba sa puso ni Demon nang magtama ang kanilang mga mata ni Anya. Gulat at nalito si Anya nang makita siya nito. Tinuro siya ng dalaga at si Dark habang palipat-lipat ang tingin nito.

“Magkapatid kami Anya, kambal!” barinig niyang paliwanag ni Dark.

Sumilay sa labi ng dalaga ang pilit nitong ngiti. Para bang noon lang siya naliwanagan. Kalaunan ay ngiting totoo ang sumilay sa labi ni Anya bagay para matauhan siya mula sa pagtitig dito.

“You're eyes! Lower your eyes!” pilyong ani Azul.

“Wow! Is she's an angel? Grabe, nasa langit na yata ako,” pabirong sabi ni Leiron na hindi naman nakaligtas sa pandinig nina Dark at Demon.

“Hello sa inyo,” nakangiting sabi ni Anya.

Kapwa nagtangis ang bagang nina Demon, at Dark nang iabot ni Leiron ang kamay nito ngunit, hindi iyon natuloy nang matitigan nito ang masamang titig ni Dark. Katulad ng ngalan nito, katulad nito ang pagdilim ng mukha ng binata.

Tumikhim si Azul, bagay para matauhan naman si Terrence mula sa pagkakatitig sa dalagang nasa harapan nila.

“Boss, nasa loob na si Mister Akuzama. Gusto ka niyang makita,” pagsingit nito.

MAFIA BOSS REDEMPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon