CHAPTER 32: THE FINALE!

9 0 0
                                    

HABANG bumiyahe ay hindi maiwasan kabahan ni Dark. Wala siyang kinatatakutan but, this time. Ramdam na ramdam niya ang kaba. Pupunta sila ni Anya sa pamamahay ng ama nito kasama ang kanilang mga anak.

Saglit niyang nilingon ang asawa nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at hinigpitan ito.

“Sigurado ka na ba, Dark?” usisa sa kaniya ni Anya.

“Oo naman. Ito na rin ang tamang pagkakataon, Anya. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa inyo ng mga anak ko.”

Natawa sa kaniya si Anya, “Don’t worry, kapag ipabugbog ka ni, daddy. Siguraduhin niya lang na hindi ka masasaktan. Ako, makakalaban niya!”

“Silly! Hindi ako natatakot, Anya. But, I will respect your father. Hindi ako lalaban, huwag niya lang kayong ilayo sa ‘kin.”

Ngumilid kaagad ang luha ni Anya habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. At saka nito isinandal ang ulo sa kanyang balikat.

“I want to be with you, Dark. I wanna grow old with you.”

Tanging pagngiti nang malawak ang sumilay sa labi ni Dark. Ramdam niya sa puso ang tunay na nadarama para sa kaniya ni Anya. Ganoon din siya, mas malalim ang nadarama niya. Si Anya, at ang kanilang mga anak, ang siyang tunay na nagpapaligaya sa kaniya.

—---

SA Kalagitnaan ng Mavish City, nakatayo ang marangyang mansion mula sa loob ng naglalakihang at matayog na bakal ng tarangkahan. At pag-aari ito ni Wilbert Akuzama, ang pinuno ng Akuzama family. At ang mansion ay kakitaan ng karangyaan at kapangyarihan.

Naka-dekorasyon din ang mga mamahaling chandelier at mga furniture na nagpaagaw atensyon sa sinuman. Dagdag din ang mga Vase na mula sa ibang bansa.

Ngayong gabi, ay gaganapin ang importanteng meeting. Ang muling paghaharap nila ni Dark Silvestre.

Nakatayo sa may balcony si Wilbert Akuzama, kahit sa edad na singkwenta ay kabakasan pa rin ito ng magandang mukha at kakisigan.

His sharp eyes took in the surroundings, ever vigilant. Behind him, Anthony, his trusted consigliere, followed closely, carrying a briefcase filled with documents and plans for the evening's meeting.

“Evening, Don,” pagbati ni Anthony, at binasag ng tinig nito ang katahimikan.

Wilbert acknowledged him with a slight nod. “Anthony, is everything in order?”

Anthony's eyes flickered briefly to the double doors leading to the dining room. “Yes, Don. The men are ready.”

Napabuntonghininga si Wilbert at handa na siyang makipag-usap sa taong kalaban na ang turingan nila sa isa’t isa. Wala na siyang mapagpipilian pa dahil, mahal ito ng anak niyang si, Anya. At sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan noon at masamang nakaraan. Pipilitin niya iyong kalimutan para sa ikasasaya ng kaniyang anak.

NASUNDAN ni Wilbert nang tingin ang isang sasakyan na pumasok. Kilala niya ito bagay para hindi na siya magtaka pa nang bumaba mula roon ang lalaking kanina pa niya hinihintay. At bahagyang umaliwalas ang mukha niya nang sumunod na bumaba ang anak niya at kaniyang mga apo.

Pagbaba niya, sinalubong niya ang mga ito.

Kaagad na nagbigay galang sa kaniya si Anya nang tuluyan silang magkaharap habang tumakbo palapit sa kaniya ang tatlong bata.

“Lolo!” kuros na sambit ng mga ito.

Gumuhit sa labi ni Wilbert ang ngiti at saka isa-isa iyong kinarga. Tumabi sa kaniya si Anya at saka ito nagpasalamat.

“Papa, thank you for this,” malumanay na ani Anya, at nagsimula nang gumaralgal ang tinig.

Wilbert glanced at his daughter, his expression softening for a brief moment. “For you, Anika Isabella, I would move mountains," he replied, his voice gravelly but sincere.

MAFIA BOSS REDEMPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon