CHAPTER 30 part 2: ANG KARUGTONG!

5 0 0
                                    

“Ma!” naisambit ni Zee nang mapansin nito ang ina.

Biglang umalis mula sa pinagtataguan niya si Anya. At kita niya ang kaagad na pagkahiwalay ng dalawa mula sa pagyakapan.  Natuon din ang paningin sa kaniya ni Dark. Ngiting pilit naman ang ginawad ni Anya sa asawa. Habang nakatingin sa kinaroroonan niya ang kararating na mga bisita at saka lumapad ang ngiti ng mga ito.

Hindi na rin kumibo pa si Anya nang humakbang papalapit sa kinaroroonan niya si Dark para puntahan at hulihin nito ang kamay niya para hawakan ito, bagay para titigan niya ito sa mukha.

Umarko ang kilay ni Anya maging ang babaeng yumakap sa kaniyang asawa kanina ay nanlaki ang mga mata. Hanggang sa inagawa nito ang kamay niya mula kay Dark at saka ngiting-ngiting ipinakilala ang sarili.

“Ate! Oh my Gosh. I’m Yviona Silvestre, natatandaan mo ba ako. Ako ’yung intern na hawak mo!”

“Yve? Woah! Ma-magkapatid kayo?”

“Aha! You're right! Ako ang bunso. Selos ka ano? Akala mo, babae ako ni Kuya!” tumawa ito bagay para mangamatis ang pisngi ni Anya.

Inagaw ni Dark ang kamay niya mula sa pagkahawak ni Yviona. Kinarga nito si Ericka habang nakangiting inilapit sa tabi ang mga anak na lalaki.

“Alright! Anya, siya si Yviona, bunso kong kapatid. Mom, Dad. . .si Anya, wife ko. Sila ang mga apo ninyo. Si Zee, Elijah at Ericka. Kids, say Hi! To Lola and Lolo!” mahabang pakilala sa kanila ni Dark.

Kitang-kita sa mga mata ng dalawang matanda ang kagalakan nang makita ang mga anak nila.

Ilang sandali pa ay inalukan sila ni Dark na pumasok sa loob ng bahay nito. Nakipagkulitan na rin ang mga anak nila kay Yviona at kapwa nagkasundo na rin.

Nasa salas sila at nag-usap nang masinsinan. Kaya pala, napaluwas ng Manila ay dahil, sa utos ng Lolo Gildo niya at pakiusap ng Mamita niya.

Hinarap siya ng ama niya at ibinaba ang kape na ininum.

“Dark, kailan niyo ba balak magpakasal? Malaki na ang mga anak ninyo. Mahina na ang Lola mo, at pinakiusapan akong sana daw ay pasyalan niyo siya sa probinsya.”

“Oo nga, anak. Gusto ka rin makita ng Kuya Eaman mo. Nasabi pa nga niya, ipagyayabang niya raw sayo ang naitayo niyang winery.”

Ningitian ni Dark ang step-mom niya at saka ginanap ang kamay ni Anya.

“Pag-iisipan ko po ’yan. For now, nakaplano na rin ang pagpapakasal namin ni Anya.” Ningitian niya ang asawa at kinindatan ito bagay para mapatulala sa kaniya ang asawa.

Gumuhit sa labi ng ama niya ang tuwa.

“Siya, kung ganun. Masaya kami sa gagawin ninyo. Panahon na rin para bumuo ka ng iyong pamilya, Dark. Family first before anthing else—at si Demon na lang, ang iisipin ko.”

Napaisip nang malalim si Dark. Lately kasi ay hindi na niya nakakausap nang matagal ang kapatid. Naging cold ito at mailap.

Hindi pa man sila ganoon katagal mula sa pag-uusap. Nagsidatingin ang mga kaibigan ni Dark. Unang pumarada ang kotse ni Azul at lumabas iyon kasama ang nobya nitong si Rozzy. Sumunod sa kaniya sina Terrence, at Leiron. Ang panghuli ay si Vincent na nakasakay so Ducatti motorbike.

Wala si Demon nang sundan ni Dark nang tingin ang mga ito.

“Hey yow, wazzup!” ani Leiron sabay kaway nito at kaagad na tumigil nang makita ang mga magulang ni Dark.

“Hi! Aunti. Narito pala kayo ni Uncle. Nagagalak akong makita kayo rito!” nakangiting bungad niya sa mga ito.

“Lei!” singit ni Yviona sabay kaway nito sa kaniya.

MAFIA BOSS REDEMPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon