CHAPTER 8

36 2 0
                                    

THALA'S POV

Buong akala ko pa naman dahil sa sinabi ko titigilan na ako ni Zhairo. Mali pala ako ng akala. Ngayon ko tuloy napatunayan na hindi lahat ng tamang hinala ng babae totoo. Kasi hanggang ngayon kinukulit pa rin ako ni Zhairo. Hindi nakontento si tanga sumasama na rin sa canteen.

“Wala ka ba talagang balak na tumigil, Zhairo?” Ako na ang napapagod para sa kaniya.

“Wala.” Straight forward na sagot niya. Natampal ko na lamang ang noo ko.

Ilang beses ko na siyang sinungitan. Palagi ko pa siyang inaaway pero heto pa rin siya nangungulit. Wala ba talagang kasawaan ang mga playboy dito? Para silang mga manhid o manhid na talaga siya?

“Hindi naman ako mapapagod kulitin ka, my wife. You're my wife, my everything.”

Kadiri!

“Magtigil ka nga ako ang kinikilabutan sa mga sinasabi mo!” Nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sobrang cringe.

Gusto kong kumain ng tahimik sa canteen kaso mukhang hindi na mangyayari iyon dahil nandito siya. Binabantayan niya ang bawat subo ko. Para akong binabantayan ng tatay ko dahil natatakot na mabulunan ako. Hindi ko alam na magkakaroon pala ako ng instant tatay sa school na 'to.

“Anyway, approved lahat ng titles natin. We can start doing our chapter one na raw ni Sir,” banggit ko sa kaniya. Para lang alam niya na may gagawin na naman siya.

“Tss, ayan ka na naman sa research!”

Tumingin ako sa kaniya. “Anong dapat kong isipin bukod sa research? Ikaw? Mamatay na lang ako kaysa isipin kita!”

He stared at me seriously. “Bad joke, wife. Hindi pa kita napapakasalan kaya bawal kang mamatay.” Ay, gago talaga!

“Ewan ko sa'yo, Zhairo! Lubayan mo naman ako kahit isang araw lang!” Nababanas na ako makita ko pa lang ang mukha niya.

“That won't happen, my wife. I already invested my attention to you so...” Kinagat niya ang ibabang labi niya. “Hindi na kita lulubayan kahit saan ka pa magpunta.” Ngumisi siya.

Bigla akong natigilan nang bumaba ang tingin ko sa labi niya. Bigla ko na namang naalala ang ginawa niya sa akin. Erase! Erase! Hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na nakalipas na! Dapat wala na 'yon sa akin! Umiwas agad ako ng tingin at uminom ng tubig. Parang nanunuyo ang lalamunan ko sa hindi malamang dahilan.

“Bakit ba ayaw mo akong ngitian, Thala?” Biglang tanong niya. Hindi ko alam kung saan niya hinugot ang tanong na 'yon.

“Hindi pa ba obvious, Zhairo? Ayaw ko sa'yo na kahit ngitian ka ayaw kong gawin.” Hindi ko kayang ngumiti sa kaniya lalo pa't alam kong pinaglalaruan niya ako.

“Bakit si Skyler ngitian mo? Ibig sabihin ba no'n gusto mo siya?” Teka nga, bakit nasali si Skyler sa usapan?

Kumulubot ang noo ko. “Bakit mo dindamay 'yong wala rito? Nananahimik 'yong tao! At saka ano bang pake mo kung nginitian ko siya? Mabait siya sa paningin ko, eh!”

“Tss! Inagaw niya lang pagkain mo sa akin mabait na!” Sumiring siya.

Ang attractive niya tignan, shit! Ay, hindi! Hindi pala siya attractive! Bakit ba pumapasok sa isip ko ang ganitong bagay?

Sinawalang bahala ko na lang ang sinabi niya. Kung may personal na galit siya kay Skyler labas na ako roon. Basta crush ko na agad siya kasi tinulungan niya akong agawin ang pagkain ko. In-stalk ko nga siya sa social media niya kagabi grabe, puro motivational ang shared post niya tapos more on sa post niya picture niya. Ang angas niya nga tignan. Akala ko wala na akong mahahanap na matino sa campus na 'to mayroon pa pala na sa covert court lang.

Dangerous HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon