CHAPTER 33

55 3 1
                                    

THALA'S POV

Vacant namin ngayon at nakatambay kaming dalawa ni Allice sa canteen. Wala naman kaming ibang tambayan maliban sa lugar na 'to. Ayaw ko naman siyang yayain sa tambayan nila Zhairo kasi mukhang iniiwasan niya rin si Jairo. Ano kayang nangyari sa dalawang 'to? Noong una hindi naman sila nagkakailangan sa isat-isa. Ngayon naman halos ayaw na siyang makita ni Allice. Kung magkikita man sila ang tahimik nila unlike before. Gaya na lang no'ng nandoon sila Jairo sa condo halos ayaw nila mag-usap.

Napangiwi ako ng makagat ko ang burger na ang asim ng ketchup. Grabe na talaga 'tong school na 'to. Private naman bakit tinitipid sa ingredients, amp!

“Asim naman nito!” Mahinang reklamo ko. Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

“Shh! Marinig ka mamaya ng nagtitinda sa canteen palayasin ka niyan!” Saway niya sa akin. Napa-irap naman ako.

Ayaw nga pala tumanggap ng constructive criticism ng canteen namin. Biglang tumunog ang messenger ko. Binuksan ko iyon at nakita ang message ni Zhairo sa notification.

ZHAIRO BAHO 🤮

How are you, Thala?

Can we talk, please?

I bought your favorite snacks. Ipapahatid ko na lang kay Raven.

Please, give me a chance to talk to you, Thala 🥺

Natulala ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa chats niya. Re-reply-an ko ba o h'wag na lang? Hindi ko pa naman binabasa sa mismong messenger ang chat niya.

“Si Zhairo 'yan 'no?”

Napunta ang tingin ko kay Allice dahil sa tanong niya. Tinurn off ko ang cellphone ko at nilagay sa bag.

“Siya nga, paano mo nalaman?”

Manghuhula na rin ba siya ngayon?

She chuckled. “Halata naman. Nakatulala ka lang sa cellphone mo, hindi mo pa ni-reply-an. Mabilis ka kayang mag-reply kapag may nagcha-chat sa'yo no matter what you are doing.”

Tama naman siya.

I sighed heavily. “Kakausapin ko na ba siya? Kinausap na ako ni Hiro tungkol kay Zhairo pero nagda-dalawang isip pa rin ako kung kakausapin ko siya o hindi.” Baka kasi mapunta sa hindi maganda ang usapan namin. Mag-away pa kami.

“I think dapat kausapin mo na siya. Para rin maging okay na kayong dalawa. Para kayong magkaaway na mag-asawa sa ginawa niyo, eh!”

Oa naman ng mag-asawa!

“Eh? Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya.” Napakamot ako ng batok ko. “At saka baka mamaya magalit lang ako ng husto sa kaniya kapag kinausap ko siya,” nakabusangot na dagdag ko.

“Hay nako, Thala the star! There's no harm in trying. Para namang ngayon lang kayo mag-uusap ni Zhairo? Madalas din naman kayo magka-away, ah.”

“Alam ko naman pero iba ngayon. May part sa akin na hesitant pa ring kausapin siya kasi nga... nagda-doubt pa rin ako.” Tinungo ko ang ulo ko.

Dangerous HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon