CHAPTER 6

44 2 0
                                    

THALA'S POV

Maaga akong gumising para maglinis. Nakakahiya naman kay Zhairo kung maabutan niyang marumi ang bahay namin. Hindi naman sobrang dumi dahil tatlo lang naman kaming nakatira rito pero syempre may mga nakasabit sa kung saan-saan. Si papa kasi mahilig magsabit ng mga pantalon niya sa sofa, cabinet, kahit saan na puwede niyang sabitan. Kaya nga minsan nag-aaway sila ni mama. May laundry naman daw hindi mailagay ang mga labahan niya roon.

“Aba, himala naglinis ka!” Puna sa akin ni mama na ngayon ay kagigising lang din. May work din siya and late na siya umuuwi.

“May bisita ba tayo?” Tanong niya.

Tumango ako. “Opo, pupunta rito 'yong partner ko sa research, eh.” Sagot ko habang nagpupunas ng mini table.

“Sana palagi na lang tayong may bisita para palagi kang naglilinis.”

Amp, ang sama talaga ng ugali ng nanay ko.

“Naglilinis naman ako kahit walang bisita, ah!”

“Sus! Kailan naman kita nakitang maglinis ng ganiyan kalinis kapag wala tayong bisita, ha?”

Hindi pa ba ako naglilinis ng ganito? Ang alam ko naglinis na ako! Mga nanay talaga naghahanap lagi ng ise-sermon sa anak nila.

Sasagot pa sana ako kay mama nang may marinig ako na malakas na ugong ng motor sa tapat ng bahay namin. Nagkatinginan kaming dalawa. Impossible naman na si papa 'yon kasi wala naman kaming motor.

“Baka bisita mo na 'yon,” aniya.

“Baka nga. Ang aga naman niya!” Ay, oo nga pala hindi kami friend sa Facebook kaya hindi ko siya na-message na kahit tanghali na lang siya pumunta.

Pinahawak ko kay mama ang basahan na hawak ko pagkatapos ay lumabas nang pinto. Halos malaglag ang panga ko sa ganda ng motor na bumungad sa harap ko. I am not a fan of any motorcycle pero itong isang 'to sobrang jaw dropping. Kulay black siya na may shade of dark violet. Ang angas talaga ng design niya. Magkano kaya 'to? Kapag ba binenta ko kidney ko makakabili ako ng ganito?

“Hey! You're drooling!” He snapped on my face.

“Ay, pepeng nahulog! Ay, ano ba?!” Nagiging bastos bunganga ko sa bwiset na 'to.

“Where? Wala naman akong makita,” umarte siya na para bang may hinahanap. Nang-asar pa talaga.

“Ewan ko sa'yo!” Umirap ako. “Bakit nga pala ang aga mo?”

“May lakad pa ako mamayang gabi,” matipid na sagot niya sa akin.

Tumango na lang ako. Baka mangba-babae pa siya mamayang gabi kaya gusto niyang maaga kaming matapos. Ano bang pake ko kung mamba-babae siya? Sinuri ko ang kabuohan niya. Ang attractive niyang tignan sa suot niyang black ¾ polo at black pants. Naka-shoes pa siya na mukhang mamahalin din. Mukha tuloy siyang black rider na nagiging ghost rider sa gabi.

Corny mo, self!

“Tititigan mo na lang ba ako, misis ko? Hindi mo ba ako papapasukin sa bahay natin?” Pilyo siyang ngumiti.

Ano raw?!

Hinampas ko siya sa balikat ng malakas. “Hoy! Anong pinagsasabi mo riyan?! Manahimik ka nga mamaya marinig ka ni mama kung ano pang isipin no'n! Iparada mo na ng maayos 'yang motor mo tapos pumasok ka na!” Iniwan ko siya mag-isa at una ng pumasok sa loob.

Bwiset na lalaking 'to gagawan pa ako ng issue. Mamaya may makarinig sa kaniya na marites ikalat pa na may boyfriend na ako. Ang bilis pa naman ng chismis sa Barangay namin na 'to. Karirinig mo lang ngayon magugulat ka nakarating na sa kabilang Barangay kinabukasan. Ika nga nila, may pakpak ang tainga. Kaya ang sarap tapyasin ng tainga ng mga chismosa rito tapos gawing ulam nila.

Dangerous HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon