CHAPTER 24

27 1 0
                                    

THALA'S POV

Alas-kuwatro pa lang ng umaga. Madilim pa kung sisilipin sa labas pero 'yong ngiti ko mataas pa sa sikat ng araw. Nakatulog kasi ako kahapon pag-uwi ko galing sa intrams tapos paggising ko kanina nag-iingay ng husto ang cellphone ko. Kinabahan pa ako kasi akala ko may issue na naman ako pero no'ng buksan ko, maganda ang tumambad sa akin. Na sa secret file ako pero this time hindi siya negative. Pinost nila 'yong picture namin ni Zhairo after the game kung saan buhat niya ako at saka 'yong picture naming dalawa sa stage. May caption na "anong laban namin kay Thala kung tinawag ng my celestial gem?"

Kanina pa ako nagbabasa ng mga comments. Iyong iba sobrang drama. Kesyo sayang daw pagpapaganda nila hindi naman daw pala mapupunta sa kanila si Zhairo. Iyong iba naman sinasabihang bagay kaming dalawa. Hindi naman kami bagay kasi tao kami pero compatible kami sa isat-isa. Kung baga para kaming pagkain. Kung camporado siya, ako naman 'yong tuyo.

Mabaho, ehe!

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makarinig ako ng parang nagtatalo sa labas ng kuwarto. Agad kong pinatay ang cellphone ko at binuksan ng bahagya ang pinto.

“Anong gusto mong gawin ko? Alagaan 'yang anak mo na hindi naman ako ang tatay!”

“Hindi 'yon ang hinihingi ko sa'yo! Ang sabi ko lang iiwan ko na siya sa'yo!”

“Bakit hindi mo siya isama na tumira riyan sa bagong boyfriend mo? H'wag mong sabihin na hindi niya alam na may anak ka na?”

“Hindi niya alam at ayaw kong malaman ng pamilya niya! Kaya ikaw na ang bahala kay Thala.”

“Hoy, anong tingin mo sa akin bahay ampunan? Tinanggap ko lang 'yang anak mo kasi MAHAL pa kita noon pero ngayon? Hindi na! Kapag umalis ka rito sa pamamahay ko itatapon ko na rin 'yang anak mo!”

“Eh, 'di itapon mo! Malaki naman na 'yan! Wala na akong pake sa kaniya ngayon!”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko na natapos ang usapan nila mama, sinarado ko na ang pinto. Umiiling kong pinadausdos ang katawan ko hanggang sa mapa-upo na lang ako sa semento. I hugged my knee as tight as I could then covered my mouth to not make any sound. Hindi ko na nakontrol ang pag-uunahan ng luha ko.

Iiwan ako ni mama?

Hindi ako tunay na anak ni papa?

Itatapon na nila ako?

Paano ako?

Saan na ako?

Ayaw kong maiwan!

Ayaw kong mawalan ng mama! Ayaw kong mawalan ng papa!

Umiyak ako nang umiyak. Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko masagot. Paano na ako kapag iniwan na nila ako pareho? Lumaki ako sa pagmamahal nila. Palagi nilang sinasabi sa akin na mahal na mahal nila ako pero lahat pala ng 'yon kasinungalingan. Akala noon mas masakit kapag na-broken ka. May mas sasakit pala roon. Mas masakit pa lang marinig mula sa magulang mo na hindi ka talaga nila mahal at hindi ka mahalaga sa kanila. Na parang pinagsisisihan nilang pinalaki ka nila. Masakit pa lang marinig 'yong katagang "wala na akong pake sa kaniya," mula sa babaeng nagsilang sa'yo mismo.

Wala ng mas sasakit doon.

At sana hindi na lang totoo lahat ng 'to. Sana nananaginip lang ako. Sana guni-guni ko lang ang narinig ko.

Tumagal ng ilang minuto ang pag-iyak ko. Nang humupa ito saka lang ako nag-desisyon na mag-asikaso na papuntang school. Pasahan ng research namin ngayon. Gustuhin ko mang um-absent dahil malungkot ako hindi naman puwede.

Dangerous HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon