Ewan ko, kailanman di ako tinablan ng kaba sa bawat pagsusulit na dinaanan ko...
Ano pa nga bang ikakakaba mo "Wala ka man sandata, basta't handa ka"
#BilangAkoI
Magpakumbaba ka...
Kung magmamataas ka, wag sosobra, sa kisame mauuntog ka...
#BilangAkoII
Tinuturing kong biyaya ang aking kahinaan...
Oportunidad upang maging mas malakas
#BilangAkoIII
Bigo man sa huli kapag laging umiibig...
Ngunit hindi parin ititigil ang pag-ibig sa pag-ibig.
#BilangAkoIV
Kung hindi ka niya kayang unawain, unawain mo na lang...
#BilangAkoV
Matatawag mo kayang Buhay ang Buhay kung walang umusbong na Wika...
Sapagkat ang Wika ay nananatili paring Misteryo at Hiwaga.
#BilangAkoVI
Hindi lalayo ang pangarap, kung hindi ka lalayo
Hindi maabot ang pangarap, kung hindi ka tatayo...
#BilangAkoVII
Pangarap? Itulog mo na lang yan...
Dahil ang pangarap kapag sa ingles ay panaginip na lamang ito.
#BilangAkoVIII
Ang problema o pagsubok ay pwede mong talikuran, ngunit hindi para kumaripas ng takbo...
Kundi pag-isipan kung kailan mo haharapin ito.
#BilangAkoIX
Ginawa ka para gumawa...
Kaya kung walang magawa, ngumawa. (ng may kabuluhan)
#BilangAkoX
Nakasusulasok din minsan ang talinong kolonyal...
Kahit gaano kabagsik at katalim ang sulat mo? hindi nila ibibigay ang atensyon nila kung hindi Ingles ang lengguaheng gamit mo...
#BilangAkoXI
Maituturing mong instrumentong pang-musika ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkanta...
