10: Jealousy

405 17 1
                                    

Tangina. Mapapamura ka na lang talaga.

Medyo masakit 'yun. I accepted my feelings for her, I even questioned if she likes me too.

E kaagad nasagot.

Masakit lang.

I cleared my throat nang maramdaman ko ang pagi-init ng sulok ng mata ko. Kaagad ko naman nakuha ang atensyon nila parehas.

"Uhm... M-mauuna na... po ako." Paalam ko.

I still waited for her respond kahit gusto ko ng tumakbo paalis sa harap nila. She didn't respond at first. Nanatili siyang nakatingin sa'kin.

She's observing me. Gusto ko na lang biglang magpalamon sa lupa maiwasan lang ang titig niya.

Iwas na iwas akong tumingin sa bewang niya.

"Baby, is she your new maid?" The man asked. Gusto kong umirap, pero mas nangingibabaw ang nararamdaman ko.

"No."

Napatingin ako kay Madame, only to see her looking on the man, before looking on me.

"Go now, Amira." She said, and I took it as a chance to escape there.

I still manage to act normal. Buti na lang ay katabi lang ng kuwarto niya ang kuwarto ko kaya hindi ko na kailangang magtagal doon.

Sumandal ako sa pintuan at huminga nang malalim. I don't want to cry. Hindi ako iiyak.

Sunod-sunod akong huminga nang malalim bago tumayo at dumeretso sa banyo. Napagdesisyunan ko na lang mag half bath nang mabigat ang dibdib.

Wala akong dapat iyakan. Alam ko pa rin ang lugar ko sa buhay niya, kaya anong iiyakan ko kung walang kwenta naman?

I mean, I also has the right to feel jealous because I'n developing feelings for her, but crying? I think no.

I spent my half hour inside the bathroom. May bathtub dito kaya napagdesisyunan kong mag babad.

Bakit hindi man lang sumagi sa isip kong boyfriend niya 'yun? Nung unang kita ko pa lang sakanila na naghahalikan, halata na. Sobrang tanga ko sa part na 'yun.

Iiwasan ko na lang. Mas maganda na 'yun.

Nang makuntento na sa lamig ay napagdesisyunan ko ng magbihis. I didn't wear underwear underneath my oversized shirt.

Mas komportable kasi kapag wala akong suot na panloob.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng bathroom. Wala naman na akong gagawin sa labas kaya humiga na ako.

I miss my family out there.

Hindi ko kasi dinala 'yung nagi-isang cellphone namin na touchscreen. Iniwan ko 'yun kay mama para kahit papano ay may gamitin siya.

Kaya ngayon ay nakatulala ako sa ceiling. Iniisip kung anong dapat isipin.

The kiss...

What was that? For fun?

Maybe for her? Pero sa'kin? It gave me false hope. The way she sucked and licked my bottom lips, it was so rough, so aggressive na parang wala ng bukas.

Wait, what?!

Wala na talagang bukas! Iiwasan ko na nga. Hindi na siya makaka-isa.

Napahawak ako sa labi ko. Shuta. Bakit bumabalik sa utak ko 'yung naging halikan namin? How good it was? Our position...

Napabangon ako bigla sa pagkakahiga nang may mapagtanto ako.

Nakita ba ng boyfriend niya? Ano na lang sasabihin niya? Baka ipagkalat niya sa mga tao dito sa mansion!

Star Lights, City LightsWhere stories live. Discover now