12: Reckoning

426 18 3
                                    

Nang malapit na mag alas otso, napag-isipan ko ng ihatid ang pang-umagahan niya.

Hindi ko muna siya kakausapin tungkol sa gusto kong gawin. I'll give this day for my self to think better.

Napatigil pa ako sa pagitan ng pinto ko at pinto niya nang makarating ako sa tapat. But in the end, napag-isipan ko na lang icheck muna ang kuwarto ko kung saan ko siya iniwan kaninang umaga.

I sighed when I saw her there. Nakatalikod siya, pero alam kong naramdaman niya ang presensya ko.

"Madame" I called. Kumunot ang noo ko nang hindi niya ako pinansin pero bahagya siyang gumalaw.

Nilapag ko sa bedside table ang dala-dala kong tray. Mainit pa naman 'yung pagkain kasi ni-reheat ko.

I called her again for the second time, pero ganon ulit.

Tumayo ako nang tuwid at tinawag siya ulit. Hindi niya talaga ako pinapansin, bumuntong-hininga ako.

I gathered all the thickness on my face before saying her name.

"Keren..."

I heard her gasped, pero ganon pa rin, hindi pa rin niya ako pinapansin. Sinusubakan ko ulit, pero wala talaga.

Napahinga ulit ako nang malalim. May ideyang pumasok bigla sa isip ko. Dobleng kakapalan na lang talaga ng mukha para sabihin.

I bit my lower lip before saying it.

"Honey..."

"What?!" Kaagad niyang react and finally faced me. Magkasalubong ang kilay niya.

Hindi ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa ideyang... hindi niya nagustuhan ang nangyari kaninang hating-gabi.

I gulped and shook the thoughts in my head.

"K-kumain ka na... I cooked." I informed before averting my gaze on her.

Pinaghawak ko ang dalawang kamay bago pinaglaruan iyon, waiting for her to speak, again.

Nakarinig ako ng daing kaya napalingon ako sakanya.

"B-bakit nahihirapan ka maglakad?" Tanong ko at walang kaide-ideya. She glared at me that made me blinked multiple times.

Paika-ika kasi siya maglakad at isang hakbang pa lang ay napapahawak na siya sa pader.

"Just help me!" She yelled kaya naalarma ako bigla.

Nagdadalawang isip pa akong hawakan siya, pero nang samaan niya ako ng tingin ay mabilis pa sa alas kuwatro akong kumilos.

Humawak siya sa balikat ko at ako naman ay hinawakan ang bewang at kanang kamay niya. Ginaya ko siya papunta sa kama.

I almost lost my balance when one of her two breast peak inside her robe. Buti na lang ay naka-iwas kaagad ako ng tingin.

She's only wearing a thin robe! Hindi iyon ang usual niyang robe. Mukhang nakuha niya lang sa banyo ng kuwartong 'to.

"Madame–"

"Pardon? Come again?" Pagputol niya, and once again, she glared at me.

Napanguso ako.

Bakit ang init ng ulo niya?

"Madame–"

"Artemis!..." She faced me. "I don't want you calling me that..."

"Okay, Keren–"

"Isa!"

I pouted again. Pinamewangan ko siya dahil nakatayo ako at siya ay naka-upo. Tinaasan ko siya ng kilay pero kaagad din nanlambot ang expression ko nang taasan niya rin ako ng kilay.

Star Lights, City LightsWhere stories live. Discover now