𝐎𝐍𝐄

7.8K 138 26
                                    

“Vrix, pang ilang parcel na 'to ngayong araw?! Gago ka! Pagod na pagod na ako kakakuha ng mga orders mo!” Sigaw ni Perlas pagkapasok niya ng bahay. Bitbit niya ang karton ng order ko. She's a friend of mine. Madalas siyang tumambay dito sa bahay ko, para manggulo at makikain na rin. Siya na nga lang nakakaubos ng stocks ko e.

“Sinabi ko naman na ako ang lalabas ’di ba? Pero ikaw ang may gusto, kaya bakit ka nagrereklamo?” umirap siya sa akin at binato sa akin ang hindi kalakihang karton. Sinalo ko naman iyon ng nakangiti at nang makita iyon ni Perlas ay tila siya diring-diri.

“Vrix, iba na talaga amats mo sa online seller na 'yan, kita mo handa kang magpakapulubi kakabili ng mga binebenta niya para lang hindi siya mapagod kakatinda,” saad niya na para bang iniisip niyang nawawala na ako sa katinuan.

“Kaya nga ako nagsisipag para mabili ang mga paninda niya, para hindi na siya mapagod.” Nakangiting saad ko. Umakto naman siyang nasusuka sa sinabi ko pagkatapos ay pabagsak siyang naupo sa couch sa gilid ng dingding.

Mas lalo lang lumawak ang ngiti ko at inikot ko na ang gaming chair ko para harapin ang laptop ko kung saan nakikita ko ang live selling ng taong tinutukoy ni Perlas.

“Kailan ko kaya mama-mine ang mismong seller?” bulong ko sa aking sarili. Tama nga si Perlas ang lakas na ng amats ko sa seller na 'to. Ang lakas ng amats ko sa 'yo, Christian Martinez... “Mine, seller.” bulong kong muli.

Kinabukasan ay nakaabang na naman ako sa live niya sa blue app. Wala e, happy pill ko na ata talaga siya. Makita lang ang ngiti niya at ang cute na cute niyang biloy wala na, parang magic na nawawala ang mga problema ko. Paano pa kaya kung personal ko na siyang makita? Siguro ang sarap niyang ipatong sa kadungan ko at yakapin. Ang liit-liit niya e sarap gawing baby... baby ko.

“Hoy, ngiting-ngiti ka na naman diyan! Hala, tita, oh. Iyong anak niyo parang may saltik na nakangiti  habang nakatitig sa monitor niya!” Ang malakas na tinig Perlas ang nagpawala ng ngiti ko. Nilingon ko siya at sinimangutan. Wala naman si mama, ewan kong sinong tita tinutukoy niya.

“What are you doing here?” I asked. She glared at me at ibinato niya sa akin ang maliit na karton buti na lang at nasalo ko. Agad ko iyong dinala sa dibdib ko at niyakap ng nakangiti. Umakto siyang nasusuka.

“Huwag mo ako ini-ingles, Vrix, ha. Baka samain ka sa akin,” saad niya at umaktong galit. Naupo siya sa tabi ko. May upuan doon, siya naglagay kasi ugali niyang tumabi sa akin para maki-tsismis sa mga ginagawa ko at mga pinapanood ko. “Vrix, sali ka sa live mamaya, magla-live kami ni QD,” aya niya sa akin. Hindi na siya umaaktong galit.

“Okay,” mabilis na tugon ko. Matagal na rin kasi noong huli akong nag-live. Busy kasi ako. Busy sa panunood sa live ni Christian.

“May ka line kami mamaya, cute, singkit—” pinutol ko ang sinasabi niya.

“I'm not interested, sasali ako sa live para sa inyo, loyal ako sa—” naputol ang sinasabi ko nang samaan niya ako ng tingin.

Binatukan niya ako pero tinawanan ko lang siya. Napindot ko ata si anger, galit na naman. “Kapag mamaya nakipag-usap ka sa ka-line namin, block kitang gago ka!” galit niyang saad bago tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko.

“Salamat dito!” tukoy ko sa parcel, iniangat ko pa iyon pero pinakyuhan lang niya ako. Nailing na lang ako. Ganyan 'yan. Laging galit, pinaglihi ata sa sama ng loob. Binalik ko na ang atensyon ko sa laptop ko, humaba ang nguso ko nang makitang naka end live na si Christian. “Bukas na lang ulit...” I mumbled.

Tumayo na ako at naglakad patungo sa mesa kung saan ipinapatong ko ang lahat ng parcel ko. Lahat sila ay hindi ko pa nabuksan. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko kung paano nanlalaki ang singkit na mga mata ni Christian sa tuwing nagma-mine ako. I'm not using my real account just my dump. Para mysterious. Nagmumukha na akong stalker, but damn, ganito ata talaga kapag in love?

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Pero nang makita ang namumulang mukha ko sa repleksyon ng salamin ay hindi ko na napigilang malawak na mapangiti. Damn! I never thought na magiging ganito ako dahil sa isang tao. Smiling like a fûcking idiot. Possible pala talagang magmahal ka ng isang tao kahit hindi mo pa nakikita ng personal? O ako lang ba? Whatever.

Kinagabihan ay kinukulit na ako ni Perlas na mag-live. She was calling continuously, balak pa atang lowbatin phone ko. Naupo na ako sa gaming chair ko at binuksan ko na isang phone ko para mag-live. I brushed my hair backwards using my fingers. While waiting for Perlas and QD to confirm my join request, I was reading the comments while bitting my lower lip. Some of my followers are happy watching me live, and some are not. I don't know why. People nowadays will hate you for unknown reasons. But fûck them.

Kuya, pogi mo. Jowain mo na ako.

Vrix, isa ka bang gold fish? Gusto kasi kitang alagaan.

Vrix, ang sabi ni mama abutin ko daw ang pangarap ko. Kailan ka baba para salubongin ako?

Vrix, kung ang araw ay sun. Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?

Hindi ko mapigilang matawa sa mga nababasa kong comments. Hindi naman mga konektado. Sorry, girls. May nagmamay-ari na ng puso ko. Ako pa nga lang ang nakakaalam.

“Tawang-tawa ah, kala ko ba loyal ka?” napakurap ako nang marinig ang tinig ni Perlas sa screen. Nakapasok na pala ako sa line. Ngunit mas lalo pa akong nagulat nang makita ang kasama nila. Umawang ang bibig ko at literal na nanlaki ang mata.

“Ayan, tulaley na siya,” tudyo sa akin ni QD pero hindi ko sila pinansin dahil sa isang lalaking kasama namin ang atensyon ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko habang nakatingin sa kanya. He was smiling at labas-labas ang pantay at mapuputi niyang ngipin maging ang maliit niyang biloy. Tila nag-blurred ang paligid, ang tanging nakikita ko lang ay ang kanyang mukha at ang matamis niyang ngiti, maging si Perlas at QD ay nawala sa paningin ko. Tila nag-slowmotion ang lahat na ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na kabog ng aking puso.

“Hi, Vrix, nice meeting you,” bati sa akin ni Christian with a sweet smile on his face and he wave his hands slowly.

And just like that I ended the live. Damn it! Ang lakas talaga ng kabog ng puso ko. Jesus!

AVYANNAHLAVELLE

𝐌𝐈𝐍𝐄, 𝐒𝐄𝐋𝐋𝐄𝐑.(𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟏) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon