𝐓𝐖𝐎

4.9K 88 17
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis kong binuksan ang tiktok ko nang mabasa ang chat ni Perlas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mabilis kong binuksan ang tiktok ko nang mabasa ang chat ni Perlas. Nag-live ako at nag-request mag-join. Ilang saglit lang ay ka-line ko na sila. Si QD ay nagulat ngunit si Perlas ay ngumisi. Habang si Christian naman ay nagtataka. I acted nonchalant as if nothing happened.

“Oh bakit bigla kang umalis?” QD asked. Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan. I glanced at Christian who's looking at me as if he's waiting for my answer.

“Napindot, nakagat ako ng lamok.” Pagpapalusot ko. And yeah iyon ang pinakatangang palusot ko. Gago e. Sino ba namang gago ang maniniwala na napindot lang ang screen dahil nakagat ng lamok?

“May binebenta akong mosquito killer gusto mo padalhan kita?”

“Huh?”

“Padalhan kita mosquito killer.”

Naghagalpakan si QD at Perlas habang si Christian ay nakangiti. He's waiting for my answer. Muli na naman akong nagtanggal ng bara at kunwari ay naubo. Tanggap na ata akong artista sa Viva, galing ko umarte e.

“Hindi na, meron ako nakalimutan ko lang mag-spray ngayon,” pagpapalusot ko. Pagkatapos nang madramang ubo ko.

“Just kidding, wala akong binebentang mosquito killer.” He chuckled. Bigla akong natulala. Malapit sa screen ang mukha niya kaya kitang-kita ko ng malapitan ang ang mukha niya. Ang kinis ang sarap sigurong i-kiss. Nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. “Bakit namumula ang tainga mo?” tanong niya. At dahil doon ay mabilis pa sa alas kwatrong naiangat ko ang dalawang kamay ko at tinakpan ang mga tainga ko.

“Pass sa halata!” kantyaw sa akin ni Perlas. Habang si QD ay tinatawanan lang ako.

“Hindi! Mainit kasi dito sa kwarto ko kaya namumula ako!” palusot ko mas lalo namang nagtawanan ang dalawa at bigla na nga lang silang nag-leave naiwan tuloy kami ni Christian na ngayon ay ngiting-ngiti habang nakapatong sa mga braso ang ang nakatagilid na mukha, he was leaning on his table facing the screen of his phone.

Ibinaba ko ang mga kamay ko at kunwari ay nagbabasa ako ng mga comments ngunit naiangat ko ang tingin ko sa kanya nang marinig ang tanong niya. “How old are you, Vrix?”

“Ako?”

“May iba pa bang Vrix maliban sa 'yo?” natatawang tanong niya. Nahilamos ko ang isang palad ko sa mukha ko at natawa sa katangahang tanong ko.

“26.” Humalukipkip ako acting nonchalant again. But good God, he was watching me like I'm a fûcking movie. Hindi man lang siya kumurap. Not that I'm not comfortable pero ang lakas ng kabog ng puso ko.

“Hmmm, 21 pa lang ako. Share ko lang.” Natatawang saad niya. Marahan akong tumango. Pinipigil ko ang pagngiti.

“Goods 'yan.” I said.

“Can I ask you?”

“Hmmm,”

Muli na naman siyang ngumiti at umayos sa pagkakaupo. Naging seryoso ang mukha niya kagaya ko ay humalukipkip na rin siya habang bahagyang nakatagilid ang kanyang ulo.

“Sabi ng kaibigan mo crush mo daw ako? Totoo ba?” seryosong tanong niya na nagpaubo sa akin nang nagpaubo. Nahulog pa ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. “Hoy, gagi! Joke lang! Sorry, nagulat ba kita?!” Napatayo siya sa kinauupoan niya. “Hoy, gagi, okay ka lang? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?” tanong niya na para bang nasa harapan ko lang siya.

Tumikhim ako at umayos sa pagtayo. Masakit ang pang-upo ko pero kailangan kong magpanggap na hindi. Pinagpag ko ang pantalon ko at muling naupo. Naupo na rin siya pero nilapit niya sa screen ang mukha niya. “Hoy, sumagot ka naman. Nag-aalala na ako.” Saad niya habang nakanguso. Ang cute. Sarap pumasok sa screen ang hilahin para halikan. Kung pwede lang sana. Hindi ko maalis sa kanya ang tingin ko, pati ang masakit kung pang-upo ay nawala na sa isipan ko. “Hoy, Vrix! Pupuntahan na talaga kita diyan!” medyo tumaas na boses niya.

“Okay lang ako.” Sabi ko. Ngunit nang ma-realize ang sinabi niya ay nagsalubong ang kilay ko. “Alam mo ang bahay ko?” Napakurap siya at napaupo.

Pagkatapos ay nagkamot ng ulo. “Hindi,” tugon niya sabay ngiwi. I arched my brow. “Sinabi ko lang iyon kasi nag-aalala ako baka nabalian ka na ng buto,” he explained.

“K,” maikling tugon ko.

“Galit ka?” tanong niya. Medyo mahina ang boses niya tila ba tinatanya kung galit ba ako o hindi.

“No,”

“Sorry, talaga binibiro lang kita kanina.” Tumango lang ako. “Galit ka nga?” Hindi pa siya kumbinsido sa pagtango ko.

“Hindi nga kulit mo,” at iyon nga. Ngumuso na naman siya.

“Masungit...”

“Ano?” tanong ko kahit na narinig ko naman ang sinabi niya. Hindi ako masungit. Kung alam lang niya kanina ko pa pinipigil ang ngiti ko dahil sa kakyutan niya.

“May tanong pa ako,” binaliwala niya ang sinabi ko. Hindi pa man ako naka-oo ay nagtanong na siya. “What is love for you?” My brows arched again because of his sudden question. Why is he asking that?

Muli akong humalukipkip. Binasa ko ang pang ibabang labi ko habang nakatitig sa kanya. Nakita ko naman ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero nakita ko siyang napalunok ngunit nang bumalik sa mukha ko ang mga mata niya ay inosente siyang ngumiti.

“Love? Love has no gender.” I stated. I saw how he bite his lips and his face turned red. “You, what is love for you?” balik na tanong ko sa kanya.

“Love? Love is yo— I mean love can leave a memory that no one can steal, but it can also leave a pain that no one can heal.” he responded. Hmmm. Humuhugot. “Vrix, do you believe in love at first sight?”

“Oo noong makita kita...” I said it in a low voice that only I could hear.

“Huh?” tanong niya at lumapit pa siya sa screen niya. Inilapit niya ang tenga niya habang ang mukha niya ay sa gilid nakaharap. Ang cute.

“Oo,” tugon ko at hindi ko na mapigilang mapangiti ngunit nang humarap siyang muli sa screen ay umakto na naman akong nonchalant. Bakit nga ba ito ang topic namin?

“Ako rin e,” sabi niya. “Pero ang hirap magpakilala, baka ma-reject. Nonchalant iyon e.” Saad niya.

Ano iyon? Ano iyong nabasag? Ahh puso ko pala. Tangina. Hindi pa nga nagdadalawang oras kaming nag-usap, broken na ako agad... awit!

AVYANNAHLAVELLE

𝐌𝐈𝐍𝐄, 𝐒𝐄𝐋𝐋𝐄𝐑.(𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟏) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon