𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

4.2K 48 26
                                    

Mabilis ang mga pangyayari. Mabilis ang pagkakaroon namin ng relasyon. Pero kahit ganoon masaya naman kaming dalawa. Nagla-live pa rin kami sa tiktok at mas naging mas open na kami. Madalas magpakyut si Christian sa tiktok kaya madalas sa kanya lang ang atensyon ko. Hindi ko na naririnig ang sinasabi ng iba dahil siya na lang ang pinapanood ko.

He's making these cute faces. He was pouting, winking, nagpla-flying kiss. Oh God, kung pwede lang talaga pasukin ang screen kanina ko pa siya siniil ng halik. Ang cute e sarap padapain ulit.

Ang sarap niyang ikandong ulit, habang bumababa-taas sa ibabaw ko. Napa-facepalm ako sa isip ang halay-halay ng utak ko. Paano ba naman kasi itong si Martinez sa tuwing may naggi-gift sa kanya sumasayaw siya ng water at kumakaldag pa.

“Yeobo...” tawag niya sa akin, kinindatan niya lang ako kaya gumanti ako pagkatapos ay nagkiss siya kaya gumanti rin ako. Then we both giggled like stupid.

Umayos siya sa pagkakaupo at may kinuhang papel at pen sa harapan niya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Perlas si QD ay ngumisi.

“Yeobo tawagan niyo?” tanong ni QD. Ngumiti lang ako si Christian ay ngumiti rin pero nabaling na agad sa papel niya ang atensyon niya. He was giggling. Ano kaya ang gagawin niya?

“Yeobo! Parang ubo, ganorn?”

Natawa ako at umiling.

“Yeobo means honey in korean...” basa ni QD sa comments ng mga viewers niya. “Ahh iyon pala 'yon.” Saad niya habang tumatango. “Ang lalandi!” tudyo niya sa amin. Si Perlas ay ngumiwi parang diring-diri.

“Sa amin ni Niko, Palangga ang tawagan namin!” Aniya pa.

“Walang kayo, Mhie.” Bara ni QD sa kanya.

“Ma, naman ang epal!” reklamo ni Perlas. Suminangot siya at umirap sa hangin. Tinawanan lang siya ni QD na mas lalo niyang ikinasimangot.

“Sino si Niko?” Tanong ko. Lately kasi naka-focus lang ako kay Martinez. Sa kanya lang lahat ng atensyon ko, wala nga akong pakialam kahit ang daming nagsilabasan na issue. Maraming nagsasabing for content, scripted at fake lang daw ang ano mang meron kami. At hindi ko kailangang ipaliwanag sa kanila kung ano mang meron kami. What they see is what they get. Ganoon lang ka simple. At kung ano man ang makita at gawin nilang negatibo nasa kanila na 'yon. Kahit ano naman kasi ang gawin mo, tama o mali may masasabi pa rin ang mga tao. Lalo na ang mga bashers. Basta  ako genuine ako sa pinapakita ko, sa love at sa pag-aalala ko kay Martinez.

Perlas is sulking dahil sa pambabara ni QD sa kanya while my baby is busy doing his thing. I can't take my eyes on him he was so cute I think nagdra-drawing siya.

“Si Niko friend ko naka-line namin sila ni Perlas noong nakaraan...” Tugon ni Christian habang nasa ginagawa pa rin niya ang atensyon niya. Tumango-tango ako.

“Crush mo si Niko?” tanong ko kay Perlas pero mabilis na tumingin sa akin si Christian.

“Hindi 'no! Ikaw lang ang gusto ko!” Saad niya at bumalik na sa ginagawa niya. Bahagya lang akong nagulat ngunit nang makabawi ay malawak akong ngumiti. Inirapan ako nang dalawa. I just laughed at them. Pagkatapos ay nagpaalam na si QD dahil live daw si Cholo. Cholo is her manliligaw.

“Done na!” Masayang anunsyo ni Christian at ipinakita sa amin ang papel niya at tama nga ako nagdra-drawing siya. Kumunot ang nuo ko nang mapagmasdan iyon, parang strawberry ma may mukha at buhok.

Ngumisi siya. “Maganda ba, Pat? Ikaw 'to!” bulalas niya. Si Perlas na tahimik na nangungulangot ay nahinto sa ginagawa, pinakatitigan niya ang pinapakita ni Christian.

“Tangina mo, Sid! Mukha ba akong strawberry!” Sigaw niya. Mukhang napindot na naman si Anger. “Ang pangit!” dagdag pa niya.

“Ganda kaya kamukha mo!” natatawang sabi naman ni Christian at mas nilapit pa ang papel sa screen mas lalo namang nainis si Perlas kaya walang pasabing umalis.

𝐌𝐈𝐍𝐄, 𝐒𝐄𝐋𝐋𝐄𝐑.(𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟏) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon