𝐖𝐀𝐊𝐀𝐒 (𝐩𝐚𝐫𝐭 𝟐)

5.4K 73 70
                                    

“I'm Angeline David...” pagpapakilala ni Tita kay Christian nang pumasok siya kwarro para sana gisingin kami dahil akala niya tulog pa rin kami. Naabutan niya si Christian na nakaluhod sa harapan ko humahagulgol habang paulit-ulit na umiiyak nabato pa ko ni tita nang masamang tingin kaya mabilis niyang dinaluhan si Christian at pinaupo sa couch sa gilid ng kama, magkatabi sila habang ako nakatayo sa hindi kalayuan, nakanguso dahil sa sunod-sunod na irap ni tita. “I'm Vrix's Tita... bakit ka lumuluhod sa harapan niya? Pinapahirapan ka ba niya? Sumbong mo sa akin papaluin natin 'yan.” Napigil ko ang tawa ko nang marinig ang sinabi ni Tita. Feeling niya siguro bata si Christian. Hindi man lang niya napansin na galing ako sa pag-iyak, may favouritism na ata siya. Pero okay lang si Christian naman 'yan. Magpaparaya para sa baby ko.

Umiling si Christian at sumulyap sa akin. Ngintian ko siya pero iniiwas niya sa akin ang tingin. Ang cute, nahihiya siyang makipag eye to eye.

“Then why are you crying?” tanong ni Tita, nagtataka.

“M-marami po akong kasalanan sa pamangkin niyo, ma'am.” Utal na tugon ni Christian. Nakagat niya ang kanyang labi habang hindi makatingin ng diretso sa akin.

“Alam mo, Christian, sa rupok niyang pamangkin ko kahit paulit-ulit mo iyang saktan, siya pa luluhod mapatawad mo lang, huwag ka ng umiyak, huwag ka lumuhod ulit ha?” Naiiling ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Tita. Pero totoo naman, kaya hindi na ako nag-react pa. “Sino ba top sa inyo?” bigla niyang singit na pareho naming ikinaubo ni Christian.

“Ta!” bulalas ko nang makabawi. Humalakhak lang ang magaling kong tiyahin.

“Pero alam mo, Christian, ang swerte mo sa pamangkin ko, bukod sa perpekto niyang physical na anyo na namana niya sa akin, mabait rin 'yan, matalino, masipag, mayaman at bukod pa diyan may sarili iyang mundo!”

“Tita!”

“Ano?! Ikaw na nga binibida dito sa gwapong 'to e. Bahala ka nga diyan, Vrix, reto ko 'to sa kapithahay natin—”

“He's mine, ta! Mine alone!” putol ko sa sasabihin niya. Sinulyapan ko si Christian na umawang ang bibig. “You're mine alone...” I muttered while looking straight in his eyes. I saw how his face and ears turned red.

“Acck! Lumubog man ang Brightwin! Layag na layag naman ang Vrixian!” Bulalas ni Tita na parang isang fangirl.

Nilingon ko si Tita tinaasan ng kilay. Ngumuso naman siya pero inirapan din ako.

“Pinapatawa ko lang kayo.” Saad niya. “By the way, nagpunta ako dito para sabihin sa inyong dinadakip na ngayon si Jaival Rosales at ang mga kasamahan niya.” Saad niya. Si Christian na nasa tabi niya ay nanlaki ang mata at umawang ang bibig, nilingon naman si Tita sa kanya at nginitian siya sabay hawak sa mga palad niya at mahinang pisil sa mga iyon na para bang pinapahiwatig niyang tapos na ang laban. “Don't worry, okay, I will do anything and everything just to get the justice that you deserve.” lumingon si Tita sa gawi ko. “Vrix, buksan mo ang TV.”

“Kakapasok lang na balita, isang babaeng nagngangalang Jaival Rosales hinuli ng mga pulisya. Ayon sa mga pulisya ang naturang babae ay isang child sexual abuser. Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng babae, ang naturang mga kaso ay RA No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act)  RANo. 9775 (Anti-Child Pornography Act) and RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).”

Mabilis akong napalingon sa gawi ni Christian at Tita nang marinig ang malakas na paghagulgol ni Christian. Nakatakip sa mukha niya ang mga palad niya, inaalo siya ni Tita pero mas lalo lang siyang umiyak kaya lumapit ako sa kanya, umalis naman si Tita sa tabi niya at ako ang naupo. Niyakap ko siya at hinayaang umiyak nang umiyak hanggang sa tumahan siya. Inabutan naman siya ng tubig ni tita na agad naman niyang tinunga.

𝐌𝐈𝐍𝐄, 𝐒𝐄𝐋𝐋𝐄𝐑.(𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟏) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon